Tatlong Landas ng Pagsasagawa Upang Mapagtagumpayan ang mga Tukso
Karamihan sa mga mananampalataya ay madalas na nababagabag ng iba’t ibang mga tukso na kinakaharap nila sa buhay, tulad ng pera, katayuan, katanyagan, erotismo, at kasiyahan sa buhay. Kaya paano natin mapagtatagumpayan ang mga tukso at manindigan ng patotoo? Nais kong ibahagi sa inyo ang tatlong landas ng pagsasagawa upang mapagtagumpayan ang mga tukso.
Ang Landas sa Pagtatagumpay sa mga tukso (1): Manalangin Muna upang Hanapin ang Kalooban ng Diyos
Kapag nakaharap tayo ng mga tukso, ang pinakamahusay na pagsasagawa ay lumapit muna sa Diyos upang manalangin at hanapin ang Kanyang kalooban. Sinabi ng Panginoong Jesus, “At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin” (Mateo 21:22). Kapag sumasapit sa atin ang mga tukso, palihim na inoobserbahan ng Diyos ang ating mga saloobin upang makita kung mayroon tayong paghahangad na hanapin ang katotohanan at manindigan ng patotoo. Kung tayo ay tunay na nagdarasal at tumatawag sa Diyos, gagabayan tayo ng Diyos na maunawaan ang Kanyang kalooban upang malaman natin ang tamang dapat gawin. Kung gayon, makakaya nating maaninagan ang mga mapanlinlang na pakana ni Satanas at mapagtagumpayan ang mga tukso. Gayunpaman, kung hindi tayo lumalapit sa harapan ng Diyos upang manalangin at hangarin ang Kanyang kalooban, tayo, na hindi nakikita at nauunawaan ang mga bagay gamit ang ating pisikal na mga mata, ay madaling malinlang at mahuhulog sa tukso. Bilang resulta, sa pinakamahusay ang ating pakikipag-ugnay sa Diyos ay magiging abnormal, at ang pinakamalala ay mamumuhay tayo sa hindi matakasang kasalanan, lalabanan at maghihimagsik laban sa Diyos, at tatanggihan pa, ipagkakanulo at tatalikuran ang Diyos. Samakatuwid, kung nais nating mapagtagumpayan ang mga tukso, kailangan nating madalas na lumapit sa Diyos, manalangin at hangarin ang Kanyang kalooban. Tanging sa ganito lamang magiging matalinong tao.
Halimbawa, kapag gumugugol tayo para sa Diyos, tinutukso tayo ng ibang tao na kumita ng pera—ito ay pagdaranas ng tukso ng yaman. Hindi maiiwasan na makakaharap tayo ng panloob na labanan. Sa mga oras na tulad nito, kung hindi tayo lumalapit sa harap ng Diyos upang manalangin at maghanap, madali tayong mabibiktima ng mga tukso ni Satanas at tatalikuran ang Diyos. Gayunpaman, kung mananalangin tayo at tumatawag sa Diyos, gagabayan tayo ng Diyos na maunawaan ang Kanyang mga hangarin at makaaninag sa mga tusong pakana ni Satanas. Binalaan tayo ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Mateo 16:26). “Sinoma’y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka’t kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya’y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan” (Mateo 6:24). Mula rito makikita natin na kung hindi natin hahangarin ang katotohanan at mabigo na makamit ang buhay, kahit na ang ating mga bulsa ay puno ng pera, ito ay magiging ganap na walang saysay at walang katuturan. Maraming mga tao ang gumugugol ng buong buhay nang pagpapagal at pagkukumahog sa paghahanap ng kayamanan, katanyagan at kapalaran, at araw-araw ay napapagod sila sa pisikal at mental at namumuhay nang malungkot. Ang ilang mga tao pa nga ay nagkakasakit para sa pagkita ng malaking pera, at sa harap ng kamatayan, ang kanilang pera, katanyagan at kapalaran ay hindi sila mailigtas. Kaya’t ano ang silbi ng mga bagay na iyon? Dumating tayo sa mundong ito nang wala ang mga iyon at aalis din na wala ang mga iyon. Hindi ba’t walang saysay ang lahat ng iyon? Bilang mga mananampalataya sa Diyos, dapat nating hangarin at maunawaan ang katotohanan, at makamit ang katotohanan bilang ating buhay, at kung gayon ay maaari tayong pumasok sa kaharian ng langit at matamo ang pangako at mga pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos para sa atin na mga tao. Ngunit sinisikap ni Satanas na tuksuhin tayo sa pamamagitan ng pera, upang magawa tayong iwaksi at ipagkanulo ang Diyos at mahulog sa mapanganib na pangil ng kayamanan, upang sa huli tayo ay ganap na mabihag ng masasamang kalakaran at mawala ang mga pagpapala ng Diyos. Ito ang tusong pamamaraan ni Satanas at masamang balak. Matapos nating maunawaan ito, gaano man tayo akitin ng iba gamit ang mga nakakaakit na salita, hindi tayo mahuhulog sa tukso at iwawaksi at ipagkakanulo ang Diyos.
Kaya’t kapag tinutukso tayo, mahalaga na patahimikin muna natin ang ating mga puso sa harap ng Diyos at manalangin sa Diyos sa paghahanap, sapagkat sa ganoon lamang natin maiintindihan ang kalooban ng Diyos at maaninag ang mga tusong pakana ni Satanas, at doon lamang natin mapapagtagumpayan ang mga tukso, manindigan ng patotoo para sa Diyos, at makamit ang papuri ng Diyos.
Ang Landas sa Pagtatagumpay sa mga tukso (2): Mas Armasan ang Ating mga Sarili ng Katotohanan Upang Maaninagan ang Pakana ni Satanas
Sabi ng Diyos, “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32).
“Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, at isang katotohanan ito na lubhang kapaki-pakinabang at nakakatulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kailangan ng inyong katawan, isang bagay na tumutulong sa panunumbalik ng normal na pagkatao ng tao. Ito ay isang katotohanan na dapat taglayin ng tao. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong bumibilis ang pamumukadkad ng inyong buhay, at lalong lumilinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong tayog, makikita ninyo nang mas malinaw ang mga bagay ng espirituwal na mundo, at lalo kayong lalakas upang magtagumpay laban kay Satanas.”
Ipinakita sa atin ng mga salita ng Diyos na kung nais nating mapagtagumpayan ang mga tukso, bukod sa pagdarasal sa Diyos sa paghahanap, kailangan din nating mas armasan ang ating mga sarili ng katotohanan. Dahil kung mas maraming katotohanan ang nauunawaan natin, mas maraming pagkilatis ang matatamo natin sa lahat ng mga mapanlinlang na pakana ni Satanas. Sa ganitong paraan ay makatatayo tayo nang matatag kapag dumarating ang mga tukso.
Halimbawa, binasa natin ang mga salita ng Panginoon na nagsasabi, “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka’t ang humigit pa rito ay buhat sa masama” (Mateo 5:37). “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). Mauunawaan natin mula sa mga salitang ito na hinihingi ng Panginoong Jesus sa atin na maging matapat na mga tao, huwag maging buktot o tuso, at huwag magsasabi ng kasinungalingan, sapagkat tanging ang mga matatapat na tao ang maaaring pumasok sa kaharian ng Diyos. Kung nasangkapan tayo ng aspetong ito ng katotohanan nang mas maaga, kung gayon sa buhay, kapag tinukso tayo ng ibang tao na magkaroon ng kita sa pamamagitan ng panloloko at pagsisinungaling, maiisip natin ang hinihingi ng Panginoon na tayo ay maging matapat na tao, at malalaman na kung magsisinungaling tayo at manloloko para sa kapakanan ng ating sariling interes, kung gayon iyon ay paghihimagsik at paglaban sa Diyos at paggawa ng kasamaan. Maiisip din natin na kung magsasabi tayo ng kasinungalingan at makagawa ng panlilinlang, iyon ay pagkabitag sa pakana ni Satanas, at kung palagi natin itong ginagawa nang walang tunay na pagsisisi, sa huli tayo ay kasusuklaman, tatanggihan at tatanggalin ng Diyos, at mawawalan ng pagkakataon upang maligtas at makapasok sa kaharian ng langit. Pagkatapos, maaaninagan natin ang pakana ni Satanas mula sa pundasyon ng pag-unawa sa katotohanan, at maisasagawa natin ang maging matapat alinsunod sa mga salita ng Panginoon at mapagtagumpayan ang tukso na iyon.
Kaya, upang mapagtagumpayan ang mga tukso, dapat nating normal na basahin ang higit pa sa mga salita ng Diyos at armasan ang ating sarili ng maraming katotohanan—ito ay isang mahalagang landas.
Ang Landas sa Pagtatagumpay sa mga tukso (3): Sadyang Iwaksi ang mga Tukso
Sinasabi ng Biblia, “Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: nguni’t dinadaanan ng musmos at nagtitiis” (Kawikaan 22:3).
Sabi ng mga salita ng Diyos, “Huwag kang makisali sa anumang bagay na umaakit sa puso mo sa mga bagay na walang kinalaman sa iyo, o sa mga taong inilalayo ang puso mo sa Diyos. Anuman ang makakagambala sa puso mo mula sa pagiging malapit sa Diyos, isantabi ito, o layuan ito. Mas malaki ang pakinabang nito sa buhay mo.”
Dito, nakikita natin na ang sinasadyang pagwaksi at pag-iwas sa mga tukso ay isang landas din sa pagpapanatili sa ating mga puso mula sa pag-iwan sa Diyos at upang mapagtagumpayan ang mga tukso. Tulad din ni Job sa Biblia, upang matakot sa Diyos at iwaksi ang kasamaan, gumawa siya ng mga praktikal na pagkilos, tulad ng pagtanggi at paglayo sa mga pagpipista ng kanyang mga anak upang maprotektahan ang kanyang sarili mula sa pagkalubog sa tukso at pagkakasala laban sa Diyos. Ngayon, habang tayo ay labis na natiwali ni Satanas, wala tayong lakas upang mapagtagumpayan ang kasalanan, lahat ay nagmamahal sa kasiyahan ng kasalanan at hindi makatiis sa tukso at pang-aakit ni Satanas. Kung alam na alam natin na mayroong tukso ngunit hindi natin inilalayo ang ating sarili rito at sa halip ay sundin ito, tayo ay magiging mga taong ignorante na lumalakad sa mga bitag, at mahuhulog lamang sa tukso ni Satanas, gumawa ng kasalanan at labanan ang Diyos, at sa gayon ay kasusuklaman at iiwanan ng Diyos.
Kung nais nating mapagtagumpayan ang mga tukso, dapat nating sundin ang halimbawa ni Job at sadyaing alisin ang ating mga sarili mula sa mga tukso, sapagkat sa ganitong paraan lamang tayo mapapangalagaan ng Diyos. Halimbawa, madalas tayong inaanyayahan ng ating mga kaibigan o kasamahan sa mga lugar ng libangan tulad ng mga nightclub at karaoke bar. Alam nating lahat na ang mga lugar na ito ay puno ng pang-akit at mga tukso at ang pagparoon sa gayong kapaligiran ay madali tayong magagawa na magkasala at kamuhian ng Diyos. Kung sinasadya nating maiwasan ang mga lugar ng libangan na ito na napupuno ng mga tukso, sa gayon ay maiiwasan nating mahulog sa mga tukso, gumawa ng kasalanan at kamuhian ang Diyos. Kaya, ang pag-iwas sa lahat ng mga tao, mga pangyayari, bagay at kapaligiran na maaaring maging sanhi ng ating pagkawasak at pagkakasala at walang puwang ang iiwanan para sa pagmamaniobra ni Satanas ay ang pinakamatalinong bagay na dapat gawin.
Kung maaari nating sanayin ang ating sarili at magsagawa alinsunod sa nabanggit na tatlong mga landas, mapagtatagumpayan natin ang mga tukso. Samantala, matatamo natin ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, upang ang ating mga puso ay hindi iwan ang Diyos.
- Tala ng Patnugot:
-
Naniniwala kami na, pagkatapos basahin ang artikulong ito, malalaman mo na ngayon ang mga landas sa pagtatagumpay sa mga tukso. Kung ang artikulong ito ay naging kapaki-pakinabang sa iyo, mangyaring ibahagi ito sa iba. Kung nakita mong mayroon kang anumang iba pang mga isyu o katanungan sa iyong paniniwala, malugod kang mag-iwan ng komento sa ibaba, o makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng online chat.