Makapangyarihang Diyos, mahal Kita.
Ako ay umaawit—awit ng papuri,
ako ay sumasayaw ng sayaw ng kagalakan para sa Iyo,
Makapangyarihang Diyos, sa bawa’t araw.
Sa pagpaparangal ng Diyos at biyaya N’ya,
tayo’y itinataas sa harap ng trono N’ya.
Nilulupig ng Diyos ating puso gamit ang mga salita,
sa Diyos, nag-aalay kami ng papuri.
Sumayaw, sumayaw sa galak, mga kapatid.
Masayang umawit ng papuring awit.
Matindi ang pag-ibig ko sa Diyos kaya ako sumasayaw nang ganito.
Ngayon, ako’y lumalapit sa harap ng Diyos
at kumakain at umiinom at nagtatamasa ng Kanyang salita.
Tanggap ko ang paghatol N’ya’t ako’y nililinis,
masayang mabuhay bilang tunay na tao.
Paghatol ng Diyos, tunay Niyang pag-ibig,
mga pagsubok ay mga pagpapala N’ya.
Nabigyan na ako ng Diyos ng bagong buhay.
Pupurihin ko ang Diyos magpakailanman.
Sumayaw, sumayaw sa galak, mga kapatid.
Masayang umawit ng papuring awit.
Matindi ang pag-ibig ko sa Diyos kaya ako sumasayaw nang ganito.
Mga salita ng Diyos may dakilang awtoridad,
inaakay tayo sa pagdaan sa hirap.
Lagi tayong ginagabaya’t iniingatan,
dama natin ang kabaita’t kariktan ng Diyos.
Anuman ang pagsubok, hindi tayo titigil
magmahal sa Diyos sa lahat ng mga araw.
Pananampalataya nati’y pineperpekto sa paghihirap.
Kita nating matalino’t makapangyarihan ang Diyos.
Sumayaw, sumayaw sa galak, mga kapatid.
Masayang umawit ng papuring awit.
Matindi ang pag-ibig ko sa Diyos kaya ako sumasayaw nang ganito.
Pag-ibig ng Diyos di-mailarawan sa labis na kadakilaan.
Habang panahon tayo’y magpupuri sa Diyos.
May iisang isipan, tayo’y nagpapatotoo sa Diyos.
Tutuparin natin Kanyang kalooban.
Tapat, tinutupad natin ang ating mga tungkulin,
upang pag-ibig ng Diyos ating masuklian.
Sa Sion Diyos ay niluluwalhati. Puso nati’y puno ng galak.
Sumayaw, sumayaw sa galak, mga kapatid.
Masayang umawit ng papuring awit.
Matindi ang pag-ibig ko sa Diyos kaya ako sumasayaw nang ganito.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin