Menu

11 Bible Verse Tungkol sa Salita ng Diyos

Ang salita ng Diyos ay ang espirituwal na pagkain para sa ating buhay. Ang pagbabasa ng salita ng Diyos sa oras ng mga espiritwal na debosyon ay kinakailangan araw-araw para sa mga mananampalataya. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos, maiintindihan natin ang kalooban ng Diyos, mahahanap ang paraan ng pagsasagawa sa lahat ng bagay, at makakamit ang patnubay ng Diyos. Ang mga sumusunod na napiling talata sa Bibliya tungkol sa salita ng Diyos at kaugnay na nilalaman ay makakatulong sa atin na maunawaan kung gaano kahalaga ang mga salita ng Diyos para sa atin.

Awit 119:105

Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.

Mateo 4:4

Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Mateo 24:35

Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

Awit 119:130

Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.

Isaias 40:8

Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Diyos ay mamamalagi magpakailan man.

Awit 119:9

Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.

Juan 6:63

Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.

Pahayag 2:29

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Mga Hebreo 4:12

Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

1 Pedro 1:23

Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi.

Jeremias 15:16

Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking kinain; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso: sapagka't ako'y tinawag sa iyong pangalan, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, at isang katotohanan ito na lubhang kapaki-pakinabang at nakakatulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kailangan ng inyong katawan, isang bagay na tumutulong sa panunumbalik ng normal na pagkatao ng tao. Ito ay isang katotohanan na dapat taglayin ng tao. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong bumibilis ang pamumukadkad ng inyong buhay, at lalong lumilinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong tayog, makikita ninyo nang mas malinaw ang mga bagay ng espirituwal na mundo, at lalo kayong lalakas upang magtagumpay laban kay Satanas.

Hinango mula sa “Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Simple man o malalim sa tingin ang mga salitang sinasambit ng Diyos, lahat ng iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao habang pumapasok siya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buhay na nagbibigay sa tao ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at laman. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buhay; ang mga prinsipyo at doktrina para pangasiwaan ang kanyang pang-araw-araw na buhay; ang landas na kailangan niyang tahakin para maligtas, pati na rin ang layunin at direksyon nito; bawat katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawat katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buhay ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagbibigay-kakayahan sa tao na maging malakas at manindigan. Sagana ang mga iyon sa katotohanang realidad na ginagamit ng nilikhang sangkatauhan para isabuhay ang normal na pagkatao, sagana sa katotohanang nagpapalaya sa sangkatauhan mula sa katiwalian at iniiwas sila sa mga patibong ni Satanas, sagana sa walang-pagod na pagtuturo, pangaral, paghihikayat, at pag-aliw na ibinibigay ng Lumikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagbibigay liwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na isasabuhay at tataglayin ng mga tao ang lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan lahat ng tao, kaganapan, at bagay ay sinusukat, at pananda rin sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa landas ng liwanag. Sa praktikal na pagdanas lamang sa mga salita ng Diyos maaaring tustusan ng katotohanan at buhay ang tao; dito lamang maaaring maunawaan ng tao kung ano ang normal na pagkatao, ano ang isang makabuluhang buhay, ano ang isang tunay na nilalang, ano ang tunay na pagsunod sa Diyos; dito lamang maaaring maunawaan ng tao kung paano niya dapat pagmalasakitan ang Diyos, paano tuparin ang tungkulin ng isang nilalang, at paano magtaglay ng wangis ng isang tunay na tao; dito lamang maaaring maunawaan ng tao kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya at tunay na pagsamba; dito lamang maaaring maunawaan ng tao kung sino ang Hari ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay; dito lamang maaaring maunawaan ng tao ang kaparaanang gamit Niya na siyang Panginoon ng lahat ng nilikha sa paghahari, pamumuno, at paglalaan para sa mga nilikha; at dito lamang maaaring maunawaan at maintindihan ng tao ang kaparaanang gamit Niya na Panginoon ng lahat ng nilikha sa pag-iral, pagpapakita, at paggawa. Hiwalay sa tunay na karanasan sa mga salita ng Diyos, walang tunay na kaalaman o kabatiran ang tao sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ang gayong tao ay talagang isang buhay na bangkay, isang lalagyang walang kalaman-laman, at lahat ng kaalamang may kaugnayan sa Lumikha ay walang anumang kinalaman sa kanya. Sa mga mata ng Diyos, ang gayong tao ay hindi naniwala sa Kanya kailanman, ni hindi sumunod sa Kanya kailanman, kaya nga hindi rin siya kinikilala ng Diyos bilang Kanyang mananampalataya o Kanyang tagasunod, lalong hindi bilang isang tunay na nilalang.

Hinango mula sa “Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa pamamagitan ng debosyonal na babasahin ngayon, marahil naintindihan mo na ang kahalagahan ng salita ng Diyos. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(John 16:12–13). Sa Kanyang pagbalik sa mga huling araw, ang Panginoon ay magpapahayag ng maraming salita upang gabayan tayo para maunawaan ang lahat ng mga katotohanan. Ngayon ay bumalik na ang Panginoon at nagpahayag ng maraming katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, inilalantad ang lahat ng mga misteryo ng gawain ng Diyos. Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang malaman ang higit pang mga misteryo ng pagbabalik ng Panginoon. Tutulungan ka naming marinig ang tinig ng Diyos, masundan ang Kanyang mga yapak, at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon sa lalong madaling panahon.

Mag-iwan ng Tugon