Mag-subscribe

Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging-Magkaayon kay Cristo" | Sipi 295

495 2020-07-01

Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking naipahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; ang mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at basta lamang nakakakita ng anumang “angkop” na mga sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan. Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alitan sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga kasulatan nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklawan ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako’y wala, wala ring Biblia. Hindi nila binibigyang pansin ang Aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay inihula ng Kasulatan. Naglalakip sila nang labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang husgahan Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi alinsunod sa Biblia, nang walang pagtatangi, ay hindi Ko gawa. Hindi ba ang gayong mga tao ay mga masunuring inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Judiong Fariseo ang mga batas ni Moises upang husgahan si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang lubusan, hanggang sa sukdulang ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi Siya ang Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi pinapakinggan ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniwala sa Biblia. Sa katunayan, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang mapangalagaan ang mga kapakanan ng Biblia, at mapagtibay ang dignidad ng Biblia, at mapanatili ang reputasyon ng Biblia, humantong sila hanggang sa pagpako sa mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang husgahan si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat salita ng Kasulatan?

At ano naman ang mga tao ngayon? Dumating si Cristo upang ipahayag ang katotohanan, ngunit mas pipiliin nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at makatanggap ng biyaya. Mas pipiliin nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan upang kanilang maprotektahan ang mga interes ng Biblia, at mas pipiliin nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbabalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paano matatanggap ng tao ang Aking kaligtasan, kung ang kanyang puso ay lubhang mapaghangad ng masama, at ang kanyang kalikasan ay napakapalaban sa Akin? Ako ay namumuhay kasama ng mga tao, ngunit hindi pa rin nalalaman ng tao ang Aking pag-iral. Nang pinagniningning Ko ang Aking liwanag sa tao, nananatili pa rin siyang mangmang sa Aking pag-iral. Kapag pinakakawalan Ko ang Aking galit sa tao, itinatanggi niya ang Aking pag-iral nang may mas higit pang lakas. Naghahangad ang tao ng pagiging kaayon sa mga salita, sa Biblia, ngunit wala ni isang tao ang lumalapit sa harap Ko upang hanapin ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan. Tinitingala Ako ng tao sa langit, at naglalaan ng partikular na malasakit sa Aking pag-iral sa langit, subalit walang may pakialam sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng mga tao ay sadyang masyadong walang halaga. Ang mga naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa mga salita sa Biblia at naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa malabong Diyos ay kahabag-habag sa Aking paningin. Iyon ay dahil ang kanilang sinasamba ay mga patay na salita, at isang Diyos na may kakayahang magkaloob sa kanila ng napakalaking kayamanan. Ang kanilang sinasamba ay isang Diyos na inilalagay ang sarili sa awa ng tao, at hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang matatamo ng gayong mga tao sa Akin? Ang tao ay sadyang masyadong mababa para sa mga salita. Silang mga laban sa Akin, silang humihingi ng walang katapusang pabor sa Akin, mga walang pagmamahal sa katotohanan, mga suwail sa Akin—paano sila magiging kaayon sa Akin?

Ang mga laban sa Akin ay mga hindi kaayon sa Akin. Gayundin ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan at mga naghihimagsik laban sa Akin ay higit na lumalaban sa Akin at hindi kaayon sa Akin. Ang lahat na hindi kaayon sa Akin, ay ibinibigay Ko sa mga kamay ng masama. Tinatalikuran Ko sila sa kasamaan ng masama, hinahayaan Ko silang ibunyag ang kanilang paghahangad ng masama, at higit sa lahat ibinibigay Ko sila sa masama upang lamunin. Hindi Ko iniintindi kung ilang tao ang sumasamba sa Akin, na ang ibig sabihin, hindi Ko iniintindi kung ilang tao ang naniniwala sa Akin. Ang Akin lamang iniintindi ay kung ilang tao ang kaayon sa Akin. Iyon ay dahil ang lahat ng hindi kaayon sa Akin ay mga masasamang ipinagkakanulo Ako; sila ang Aking mga kaaway, at hindi ko dapat “idambana” ang Aking mga kaaway sa Aking tahanan. Yaong mga kaayon sa Akin ay maglilingkod magpakailanman sa Akin sa Aking tahanan, at silang mga naglalagay ng kanilang mga sarili sa pakikipag-alitan sa Akin ay walang hanggang magdurusa ng Aking kaparusahan. Ang mga umiintindi lamang sa mga salita ng Biblia, ang mga walang pakialam sa katotohanan o paghahangad sa Aking mga yapak—sila ay laban sa Akin, dahil nililimitahan nila Ako ayon sa Biblia, at Ako’y kanilang pinipilit sa loob ng Biblia, kaya’t lubhang lapastangan tungo sa Akin. Paano makalalapit ang gayong mga tao sa Akin? Sila ay hindi nagbibigay ng pag-intindi sa Aking mga gawa o sa Aking kalooban, o sa katotohanan, sa halip sila ay nahuhumaling sa mga salita, mga salitang nakamamatay. Paano magiging kaayon sa Akin ang mga gayong tao?

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon