Christian Testimony Video | "Isang Espirituwal na Labanan"
Ang Isang Espirituwal na Labanan ay ang patotoo ng isang Kristiyanong dumanas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Ang pangunahing tauhan ay isang pinuno ng simbahan na, habang nasa isang pagtitipon, natuklasan mula sa mga pagninilay-nilay na ibinahagi ng kanyang mga kapatid na ang kanyang hipag ay ganap na tumangging tanggapin ang katotohanan at ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng masasamang gawain. Kinupirma niya, base sa prinsipyo ng katotohanan, na ang kanyang hipag ay isang masamang tao na dapat itiwalag sa iglesia. Gayunpaman, dahil sa kanyang emosyonal na koneksyon, hindi niya naisagawa ang katotohanan at hindi niya naprotektahan ang gawain ng iglesia, at kinampihan pa niya ang kanyang hipag at nagsalita para sa kanya. Pagkatapos maranasan ang masakit na pagdidisiplina ng karamdaman at ang paghatol ng mga salita ng Diyos, nagkaroon siya ng kaunting kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at nagawa rin niyang maintindihan ang diwa at mga mapanganib na kahihinatnan ng pagkilos ayon sa emosyon. Sa wakas, nagawa niyang takasan ang mga pagpipigil ng kanyang damdamin at patalsikin ang masamang tao mula sa iglesia, na siyang hinihingi ng katotohanan at ng mga prinsipyo, at sa huli ay nakamit niya ang kapayapaan at kaligtasan na hatid ng pagsasagawa ng katotohanan.