"Ang Kasikatan at Kayamanan ay Nagdala sa Akin ng Pagdurusa" Tagalog Testimony Video
Ang bida ay isang doktor na naniniwala na dapat makamit ng mga tao ang tagumpay at pagkilala para magkaroon ng makabuluhan at makahulugang buhay. Para mauna sa kanyang mga kasamahan, araw-gabi siyang nagtatrabaho at nag-aaral sa loob ng higit sa isang dekada, minsan walang pahinga sa loob ng 24-oras, palaging takot na makagawa ng pagkakamali habang nag-oopera at masira ang kanyang reputasyon. Ang kawalan ng pahinga at matinding stress ay nagdulot sa kanya ng pagdurusa ng insomnia, sakit sa tiyan, at namamagang pantog sa apdo, at iba pang mga karamdaman na nagbigay sa kanya ng matinding paghihirap. Hindi niya maintindihan kung bakit iginugol niya ang halos buong buhay niya na mauna sa iba, at nauwi lamang iyon sa malubhang kalungkutan at sakit. Iniisip niya: Papaano magkakaroon ng makahulugang buhay ang tao? Nung tinanggap lamang niya ang ebanghelyo ng mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos niya nakita na ang katanyagan at kayamanan ay mga kasangkapan lamang na ginagamit ni Satanas para gawing tiwali at ipahamak ang mga tao. Naintindihan niyang magkakaroon lamang ng makahulugang buhay ang isang tao sa pagsunod sa pagsasaayos ng Diyos, pagpupursigeng makilala ang Diyos, at pagsasakatuparan sa tungkulin bilang isang nilikhang nilalang.