Ang mananampalatayang ito ay isang dating military commander, ngunit matapos ilipat sa isang state enterprise para pamahalaan ang mga gawain ng Partido, hindi niya napigil na mahalata ang mga awayan, intriga, at paglaganap ng kalupitan sa loob ng Partido Komunista, dahilan upang maging miserable siya at labis na malungkot. Nang nararamdaman niyang naliligaw na siya, tinanggap niya ang Panginoong Jesus bilang kanyang Tagapagligtas, at narinig niya kalaunan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nakita na ang lahat ng Kanyang mga salita ay ang katotohanan. Naramdaman niyang nabusog ang kanyang kaluluwa at nagpasya na ibahagi at ipatotoo ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Sa gulat niya, nang ang mga kapatid sa Panginoon, na tila mga mukhang banal na Kristiyano, ay narinig ang kamangha-manghang balita ng pagbabalik ng Panginoon, mabilis nilang ipinakita ang isa pang panig ng kanilang mga sarili. Pinahabol nila siya sa mga aso, binato siya ng ihi at dumi, sinuntok at sinipa siya, at sinumbong pa siya sa pulis. Wala silang pinagkaiba sa mga Fariseo na sumiil sa Panginoong Jesus noong panahon Niya. Talagang nagkaroon siya ng diwa kung gaano kahirap para sa Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Sa panahon ng pagbabahagi niya ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos at sa harap ng bawat paghihirap, ang himnong “Naglalakad sa Landas ng Pagmamahal sa Diyos” ay laging tumutugtog sa kanyang mga tainga. Palagi itong nakakaantig sa kanyang kaluluwa.