I
'Pag tinitiwali ni Satanas ang tao,
Diyos ay 'di tumatalikod.
Nang 'di tumatawag ng pansin,
ginagawa Niya'ng kinakailangan.
Pumipili ang Diyos ng pamilya mo't
ang petsa ng iyong pagsilang.
Nakikita Niyang umiiyak kang pumarito sa mundo't
binibigkas iyong unang mga salita,
Siya'y nanonood habang nadarapa ka
sa unang hakbang mo habang nag-aaral lumakad.
Habang ika'y lumalaki,
maa'ring masagupa mo'ng maraming bagay;
ila'y 'di mo magugustuhan, gaya ng karamdama't kabiguan.
Ngunit sa pagtahak mo rito,
mahigpit ang alaga Niya sa buhay mo.
Mabubuhay ka't tatanda sa pagbabantay Niya.
Ang pinakamahalagang gawain ng Diyos
ay garantiyahan iyong kaligtasan,
garantiyang ika'y 'di kailanman
lalamunin ni Satanas.
Sa pagdaraanan ng buhay ng tao,
lahat nakasasagupa ng panganib,
dahil katabi mo'y kasamaan,
nasa paningin ka ni Satanas.
II
'Pag kapahamaka'y dumarating at
kalamidad ay sumasapit sa'yo,
'pag napupulupot ka sa sapot ni Satanas,
matutuwa rito si Satanas.
Ngunit protektado't ginagabayan ka ng Diyos.
Kontrol Niya'ng kaligtasan, galak at kapalaran ng tao.
Inaakay Niya ang bawat isa,
binabantayan ang bawat isa
sa bawat sandaling lumilipas,
at kailanma'y 'di umalis sa tabi mo.
Tao'y lumalaki sa gan'tong paligid
at uri ng karanasan.
Sa katunayan tao'y lumalaki
sa palad ng kamay ng Diyos.
Dala ng gawa ng Diyos sa tao'y kapayapaa't galak;
tapos nabubuhay sa harap Niya,
tinatanggap ang Kanyang kaligtasan nang may normal na katwiran.
Diyos ay tapat, totoo sa lahat ng bagay,
mapagkakatiwalaan ng tao sa buhay nila,
lahat ng mayro'n sila, ang tanging Isang maaasahan.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin