Paano Makisalamuha sa Iba na Alinsunod sa Mga Turo ng Panginoon
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay Ko, na kayo’y mangagibigan sa isa’t isa: na kung paanong iniibig Ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa’t isa. Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay Aking mga alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’t isa” (Juan 13:34–35). “Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka’t sila’y tatawaging mga anak ng Diyos” (Mateo 5:9). Hinihingi sa atin ng Panginoong Jesus na makipag-ugnayan tayo nang maayos sa iba at na dapat mahalin natin ang isa’t isa. Ngunit dahil sa may iba’t-iba tayong background ng pamilya, magkakaibang nakasanayan na pamumuhay, magkakaibang personalidad, edad at mga karanasan sa buhay, kung gayon, hindi maiiwasan na magkaroon ng pagkiling at hindi pagkakaunawaan sa ating mga kapatid, hanggang sa umabot na magkaroon ng hidwaan at alitan sa pagitan natin. Sa gayon ay hindi natin masunod ang hinihingi ng Panginoon na makipag-ugnayan tayo nang maayos sa iba, at bawat panig ay nasaktan. Maaari itong maging sanhi sa ating lahat ng maraming pagdurusa: Bakit hindi natin masunod ang mga turo ng Panginoon? Ano ba talaga ang dapat nating gawin upang maging maayos ang pakikipag-ugnayan sa iba? Sa ibaba, ibabahagi ko sa inyong lahat ang tatlong prinsipyo ng pagsasagawa; kung maisasagawa nating lahat ang mga prinsipyong ito, madali nang maabot ang maayos na pakikipag-ugnayan sa iba.
1. Huwag magpadala sa iyong damdamin o personal na kagustuhan sa iyong pakikitungo sa iba, bagkus tratuhin ang iba ng patas
Maaari natin makatagpo ang maraming kapatid sa ating iglesia, at walang sinuman ang perpekto—tayo ay may kanya-kanyang mga pagkakamali. Kapag nakakasalamuha natin ang iba’t-ibang uri ng mga tao, madalas na nadadala tayo ng ating nararamdaman at mga personal na kagustuhan sa paraan ng pagtrato natin sa kanila. Halimbawa, ang ilang mga tao ay magaling sa pagkanta at pagsayaw, maaaring talentado sila sa iba’t-ibang pamamaraan at mayroong maraming espesyal na kakayahan, at kaya ninanais natin na makipag-ugnayan sa kanila, nang dahil sa nakakapagdulot sila sa atin ng kalakasan at nakakatulong sa atin. Gayunpaman, ang ilang mga tao, ay maaaring walang espesyal na mga kakayahan, at maaaring mayroong ilang mga pagkukulang at pagkakamali, o kaya naman ay mayroon silang ilang pisikal na kapansanan, at hindi natin gusto na makipag-ugnayan sa ganitong klase ng mga tao at minamaliit sila dahil sa kanilang mga problema. Sa katunayan, tuwing may nababanggit na tulad nito, ang unang bagay na naiisip natin ay ang kanilang kapansanan at, sa malalang sitwasyon, maaari natin silang iwasan at itakwil sila. At saka, sa ating pakikitungo sa mga kapatid, tinitingala natin at iniidolo ang mga yaong naglingkod sa Panginoon sa maraming taon at ang lahat ng mga nasa antas ng pagiging pinuno sa iglesia. Gusto nating makipag-ugnayan sa mga taong ito dahil naniniwala tayo na sila ay mas maalam tungkol sa Biblia at na sila ay mga lubos na nagmamahal sa Panginoon. Bukod pa rito sa mga taong ito, nagagalak tayo na makisalamuha at makipag-ugnayan sa yaong mga mayroong katulad na personalidad, mga interes at mga kinagawian sa buhay kagaya natin. Gayunpaman, inilalayo natin ang ating mga sarili mula sa yaong may mga personalidad, interes at kinagawian sa buhay na kaiba sa atin, at hindi natin magawang tratuhin sila nang patas. Sa buhay, masyadong maraming panahon na nadadala tayo sa ating sariling mga damdamin at kagustuhan sa pagtrato natin sa ibang tao. Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga tao sa ganitong paraan, hindi lamang magtatapos ito sa pagpigil at pananakit sa kanila, ngunit nagsasanhi tayo sa ating relasyon sa kanila na maging nakakastress, at hindi na natin magawang makisama sa kanila nang maayos.
Sabi ng Diyos, “Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay Ko, na kayo’y mangagibigan sa isa’t isa: na kung paanong iniibig Ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa’t isa. Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay Aking mga alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’t isa” (Juan 13:34–35). “At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:39). “Sa usapin ng pakikitungo sa iba, ano ang mga prinsipyo sa kung paano makitungo sa mga may katayuan at mga wala, gayundin sa mga karaniwang kapatid at mga pinuno at manggagawang nasa iba’t ibang antas? Hindi mo maaaring pakitunguhan ang iyong mga kapatid na katulad ng pakikitungo ng mga hindi naniniwala sa mga tao; dapat kang maging patas at makatuwiran. Hindi ka maaaring maging malapit sa isang ito, ngunit hindi sa isang iyon; ni hindi ka dapat bumuo ng mga grupo o barkada. hindi mo maaaring apihin ang mga tao dahil hindi mo sila gusto, o purihin ang mga kinatatakutan. Ito ang ibig sabihin ng mga prinsipyo. Dapat kang magkaroon ng prinsipyo sa pakikitungo sa ibang mga tao; dapat mo silang pakitunguhan lahat nang patas. … Paano mo sila tinatrato nang patas? Lahat ay may maliliit na pagkakamali at pagkukulang, maging ng ilang kakatwang gawi; lahat ng tao ay may taglay na pagmamagaling, kahinaan, at mga aspeto kung saan sila nagkukulang. Dapat kang tumulong sa kanila nang may pusong mapagmahal, maging mapagparaya at matiisin, at huwag maging masyadong malupit o huwag mong palakihin ang bawat maliit na detalye. … Paano tinatrato ng Diyos ang bawat isang tao? Ang ilang tao ay isip-bata, o bata pa, o nanalig na sa Diyos sa loob ng maikling panahon. Maaring nakikita ng Diyos ang mga taong ito bilang hindi masama ni malisyoso ang kalikasan at esensya; medyo mangmang lang sila o kulang sa kakayahan, o narumihan na sila nang husto ng lipunan. Hindi pa sila nakapasok sa realidad ng katotohanan, kaya hindi nila maiwasang gumawa ng ilang kalokohan o kamangmangan. Gayunman, sa pananaw ng Diyos, hindi mahalaga ang gayong mga bagay; tumitingin lamang Siya sa puso ng mga tao. Kung desidido silang pumasok sa realidad ng katotohanan, patungo sila sa tamang direksyon, at ito ang kanilang layon, sa gayo’y nakamasid sa kanila ang Diyos, naghihintay, at nagbibigay ng panahon at mga pagkakataon para makapasok sila. Hindi naman sa pinababagsak sila ng Diyos sa isang suntok, ni sinasamantala ang isang pagkakamaling minsan nilang nagawa at hindi na sila binibitawan; hindi Niya natrato nang ganito ang mga tao kahit kailan” (“Para Tamuhin ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka Mula sa Mga Tao, Mga Pangyayari, at Mga Bagay sa Paligid Mo”).
Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na hindi Niya tinatrato ang mga tao batay sa kanilang mga personalidad, hitsura o kakayahan, ni hindi Niya tinatrato ang mga tao batay sa kanilang mataas o mababang posisyon at katayuan na mayroon sila. Hangga’t ang isang tao ay nagmamahal sa katotohanan at hinahangad ang katotohanan, kung gayon ay liliwanagan at gagabayan sila ng Diyos, at gagabayan Niya sila upang maunawaan ang Kanyang kalooban. Para sa mga yaong nagkasala, hangga’t gagawin nila ang taos-pusong pagsisisi at iwasang makagawa ulit ng kasalanan, kung gayon ay patatawarin sila ng Diyos. Gawin bilang halimbawa ang mga disipulo ng Panginoong Jesus. Ang ilan ay mga mangingisda at ang isa ay taga kolekta ng buwis, ngunit bagaman sila ay nasa mababang kalagayan, hinahangad pa rin nila ang katotohanan at, nang marinig nilang tinawag sila ng Panginoon, agad nilang nagawang iwanan ang lahat upang sumunod sa Kanya. Natuwa dito ang Panginoon, ang Panginoong Jesus ay hindi nag-alinlangan sa pagbabahagi ng katotohanan sa kanila at batay sa pamamaraan na sinabi Niya sa kanila ang maraming mga talinghaga upang maunawaan nila ang Kanyang kalooban. Sa mga makasalanan, tulad ng malaswang babae at punong maniningil ng buwis na si Zacchaeus, nakita ng Panginoong Jesus na handa silang magsisi kaya’t pinatawad Niya sila sa kanilang mga kasalanan, at hindi Niya sila tinatrato alinsunod sa mga kasalanang nagawa nila. Mula sa pag-uugali na ipinahayag ng Diyos sa pagtrato Niya sa mga tao, makikita natin na tinatrato Niya ang mga tao sa maprinsipyong paraan, samantalang palagi tayong nadadala sa bugso ng ating sariling damdamin at tinatrato ang mga tao batay sa ating mga indibidwal na kagustuhan, at ito ay salungat sa kalooban at mga kinakailangan ng Diyos. Ang Diyos ay nagtakda ng isang halimbawa para sundin natin at ipinakita Niya sa atin ang mga prinsipyo kung paano makitungo sa ibang tao. Sa ating pakikitungo sa ibang mga tao, hindi tayo maaaring magpadala sa ating sariling mga kagustuhan, at hindi natin dapat tratuhin ang mga tao batay sa kung mabuti sila sa atin o hindi, o kung gusto natin sila o hindi, o sa kanilang pinagmulan. Sa halip, dapat nating talikuran ang ating mga damdamin at ang ating mga personal na kagustuhan, at tratuhin ang bawat isang tao alinsunod sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Hangga’t ang isang kapatid ay taos-pusong naniniwala sa Diyos at minamahal ang katotohanan, hindi mahalaga kung ang kanilang pagkatao o pag-uugali ay tumutugma sa atin o hindi, o kung mayroon silang katayuan at kapangyarihan o wala, o kung anong mga pagkakamali na maaaring nagawa nila sa nakaraan, dapat nating laging tratuhin ang bawat tao nang patas. Hindi tayo dapat maging mapangmata, bagkus dapat maging mapagmahal, mapagparaya at maunawain, dahil doon lamang natin magagawang makitungo nang mabuti sa iba.
2. Kapag lumitaw ang hindi pagkakaunawaan at hidwaan, huwag magtuon sa mga pagkakamali ng ibang tao, ngunit matuto sa halip na kilalanin ang iyong sarili
“Napakahirap niyang pakisamahan!” “Talagang hindi ako nasiyahan sa pakikitungo sa kanya!” … Mula sa mga pahayag na ito, makikita natin na, kapag ang hindi pagkakaunawaan at hidwaan ay lumitaw sa pagitan ng ating sarili at ng isang kapatid na lalaki o babae, palagi tayong nakatuon sa ibang tao at naniniwala na kasalanan nila ang lahat ng ito. Napakabihirang pagnilayan natin ang mga isyu na umiiral sa kalooban natin. At kapag nakipag-ugnayan ulit tayo sa ibang tao, nagiging matigas ang ating tono at hindi maganda ang pagkilos natin tungo sa kanila, at ang resulta ay hindi natin magawang makisama sa kanila nang mabuti. Sabi ng Panginoong Jesus, “At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa’t hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata? O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo’y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid” (Lucas 6:41–42). Sinusuri ng Diyos ang kaloob-looban ng puso ng tao at alam ang katiwalian na umiiral sa pinakamalalim na parte ng ating mga puso, at binalaan Niya tayo: Kapag lumitaw ang hidwaan sa pagitan natin at ng ibang tao, dapat nating pagnilayan ang ating sariling mga isyu, baguhin muna ang ating mga sarili una sa lahat, at huwag magtuon sa ibang tao. Sa aktwal na katotohanan, mas madalas na ang ibang tao ay wala talagang anumang isyu, bagkus sa halip ay tayo ang nabubuhay sa loob ng mga tiwaling disposisyon ni Satanas, na pumipigil sa atin na magkaroon ng normal na mga relasyon. Halimbawa, kapag ang ibang mga tao ay nagmumungkahi sa atin o itinuturo nila sa atin ang mga pagkakamali at problema sa ating gawain, dahil tayo ay namumuhay sa ating satanikong disposisyon nang pagka-arogante at pagkamakasarili, kaya pinaniniwalaan natin na walang mali sa ating gawain, pinanghahawakan natin ang ating sariling mga ideya at tinanggihang tanggapin ang mga suhestiyon ng iba, hanggang sa punto na kung saan nagkakaroon na tayo ng pagkiling laban sa kanila. Isa pang halimbawa ay na, minsan ang ibang mga tao ay may sasabihin o may gagawin na maaaring makaapekto sa ating sariling mga interes, tulad ng ating pagsasaalang-alang sa sarili, posisyon o pera at iba pa. Dahil pinangungunahan tayo ng ating satanikong disposisyon ng pagkamakasarili, nagsisimula tayong maghanap ng pagkakamali sa ibang mga tao at, sa mga matitinding kaso, ay nagkakaroon rin ng galit sa kanila. Sa mga panahong gaya nito, kung itutuon lamang natin ang pansin sa iba sa paniniwalang sila ay mali at hinahanap natin sila ng pagkakamali, at hindi tayo nagninilay sa ating sariling katiwalian, kung gayon ang ating mga opinyon at pagkiling laban sa ibang tao ay mas lalong magiging malala, ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng bawat isa sa atin ay lalago nang mas malalim, at wala nang magiging paraan pa na magkaroon tayo ng normal na pakikipag-ugnayan. Kung, gayunman, nagtuon tayo ng pansin sa pagkilala sa ating mga sarili, kung pinagnilayan natin ang mga katiwalian na isiniwalat natin, lumapit sa Diyos upang matutunan ang mga aral at tratuhin ang ibang mga tao sa tamang pag-uugali, magagawa na nating makisama sa iba nang mabuti.
Ang pag-uusap tungkol dito ay nagpapa-alaala sa aking sa isang karanasan na mayroon ako kamakailan lang sa aking pakikitungo sa isang sister na nagngangalang Liu. Malayang ipinapakita ni sister Liu ang kanyang puso at napaka-diretso kung magsalita. Sa pagpupulong ng mga kapwa manggagawa, tinatalakay ko ang isang gawain sa iglesia kasama ang mga kapatid, at nagbigay ako ng suhestiyon. Pinangunahan agad ni sister Liu ang talakayan at itinuro ang ilang mga problema sa suhestiyon na aking ibinahagi. Napasimangot ako, at naisip ko sa sarili ko: “nagtrabaho ako sa iglesia sa napakaraming taon, ngunit mas nauunawaan mo ang mga bagay-bagay nang mas mahusay kaysa sa akin at mas marami ang karanasan kaysa sa akin? Napaka-arogante mo! Ang paggawa ng aking suhestiyon ay ang tamang bagay na gawin!” pagkatapos ay ipinaliwanag ko ang aking pananaw at, nakikita na tumatanggi ako na tanggapin ang mga punto na kanyang itinaas, wala ng sinabi pa si sister Liu. Kalaunan nagbigay ng maraming suhestiyon sa akin si sister Liu, ngunit nasa sa akin pa rin ang opinyon na napaka-arogante niya at mapagmagaling at lagi siyang naghahanap ng pagkakamali sa aking gawain. Ang aking pagkiling laban sa kanya ay mas lalong lumala at paulit-ulit na tinatanggihan ang kanyang mga suhestiyon. Sa huli, naramdaman niyang pinipigilan ko siya at hindi na naglakas loob pa na magbigay ng mga suhestiyon sa akin. Sa paglipas ng panahon, naramdaman ko ang kadiliman na pumupuno sa aking espiritu. at hindi ko maramdaman ang presensya ng Diyos kapag ako’y nananalangin. Sa aking pasakit, naghanap ako at nanalangin sa Diyos. Kalaunan, nabasa ko sa salita ng Diyos: “Huwag kang magmagaling; humugot sa mga kalakasan ng iba para mapunan ang sarili mong mga kakulangan, panoorin kung paano nabubuhay ang iba ayon sa mga salita ng Diyos; at tingnan kung nararapat tularan ang kanilang buhay, kilos, at pananalita. Kung itinuturing mong mas hamak ang iba kaysa sa iyo, ikaw ay mapagmagaling, palalo, at walang pakinabang sa iba” (“Kabanata 22” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula). Sa pamamagitan ng mga paglalantad ng mga salita ng Diyos, naalala ko ang panahon na aking inilaan sa pakikisalamuha kay sister Liu. Wala akong tinanggap ni anumang suhestiyon na kanyang ginawa, ngunit sa halip lagi kong isinasaalang-alang ang sarili ko na tama, at na siya ang labis na mayabang, laging sinusubukan na makahanap ng mga kakulangan na hindi umiiral at may intensyong sinubukan na maghanap ng pagkakamali sa aking gawain. Ngunit nang pinag-isipan ko ang tungkol dito nang maigi, napagtanto ko na “Walang ginto na kailanman magiging puro at walang tao na kailanman magiging perpekto.” Kahit gaano pa man kabuti ang isang tao, tiyak na mayroon pa rin silang mga kamalian at pagkukulang. Bagaman nagtatrabaho ako sa iglesia sa napakahabang panahon at may mga karanasan na kahit papaano, hindi ibig sabihin nito na wala na akong mga pagkakamali, at di maiiwasan na may ilang mga bahagi na hindi ko lubos na isinaalang-alang. Ano pa’t, ang bawat isa sa mga kapatid ay mayroong kani-kanilang mga kalakasan, at palaging mayroong ilang punto sa kanilang mga suhestiyon. Isinaayos ng Diyos na magtrabaho kami ng magkasama sa pag-asang magagawa namin na mapunan ang pagkukulang ng bawat isa at, magkasama na, pangangalagaan ang gawain ng iglesia. At gayon pa man ay patuloy akong kumapit sa aking sariling mga ideya at hindi nakinig sa mga suhestiyon ni Sister Liu—napaka-arogante ko at makasarili. Sa pagkilos sa ganitong paraan, hindi lamang sa hindi ako makagawa nang maayos, ngunit nagsanhi rin ako sa aking kapatid ng pakiramdam nang pagpigil. Nang pinagnilayan ko ang lahat ng mga ito, ramdam ko ang pagkakasala at sinaway ko ang aking sarili, at ang aking pagkiling laban kay sister Liu ay nawala. Sa paglaon, Masigasig kong pinagnilayan ang mga suhestiyon na ibinigay ni Sister Liu, at natuklasan ko na ang karamihan sa mga ito ay talagang tama at nagmumungkahi siya ng mga bagay na hindi ko pa naisaalang-alang. At kaya, gumawa ako ng pagkukusa na magbukas-puso sa kanya, at humingi ako ng paumanhin sa kanya. Matapos ang aming pagbabahagian, nakaramdam ng kaluwagan si sister Liu, at nadama ko ang matinding kapayapaan at kaginhawaan sa aking puso. Sa pamamagitan ng karanasang ito, naunawaan ko na kapag may alitan na naganap sa pagitan natin at ng ibang tao, napakahalaga na magnilay at subukang kilalanin ang ating mga sarili, dahil sa gayon lamang natin makikita ng malinaw ang katiwalian at kakulangan na umiiral sa kaloob-looban ng ating mga sarili, hindi na tayo mamumuhay pa sa ating mga tiwaling disposisyon, at makakapagsagawa tayo nang naaayon sa mga salita ng Diyos at mamuhay sa ating normal na pagkatao. Pagkatapos ng aking karanasan kay Sister Liu, kapag umuusbong ang hidwaan sa pagitan ko at ng ibang tao, una sa lahat pinatatahimik ko ang aking sarili at hinahangad at nananalangin sa Diyos, nagtutuon ako sa pagninilay at sa pagkilala ng aking sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, sinasaliksik ko kung aling mga tiwaling disposisyon ang aking nalantad at kung paano ko dapat lutasin ang aking sariling mga isyu. Pagkatapos, nang hindi ito namamalayan, ang aking relasyon sa taong iyon ay unti-unting bumabalik sa normal at nakakasalamuha ko sila nang maayos. Ang aking buong pagkatao noon ay higit na nakakarelaks at masaya.
3. Kapag sinaktan tayo ng iba, dapat tayong maging mas mapagparaya at mapagpatawad sa kanila
Sa buhay, kapag ang ibang mga tao ay gumawa ng mga bagay na nakakasakit sa atin, napakadali nating magalit sa kanila, sobra na hanggang sa gantihan pa natin sila. Sa pagkilos sa ganitong paraan, hindi lamang natin pinipigilan ang ating sarili na magkaroon ng normal na pakikipag-ugnayan sa ating mga kapatid, ngunit hindi rin natin magawang makisama nang maayos sa ating mga pamilya at kamag-anak. Kung gayon, bilang mga Kristiyano, ipagpalagay na ang ibang tao ay gumagawa ng ilang mga bagay na talagang nakasakit sa atin, o nagsabi sila ng ilang mga napakasakit na bagay, o mga bagay na may epekto sa ating mga interes. Kung gayon paano natin sila dapat tratuhin sa paraang naaayon sa kalooban ng Panginoon?
Itinuro sa atin ng Panginoon: “Sapagka’t kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan” (Mateo 6:14). Sabi ng Diyos, “Maaaring hindi ka kaayon sa personalidad ng isang tao, at maaaring ayaw mo sa kanya, ngunit kapag nakikipagtulungan ka sa kanya, nananatili kang walang pinapanigan at hindi mo ibubunton ang mga pagkadismaya mo sa paggawa ng iyong tungkulin, isasakripisyo ang iyong tungkulin, o ilalabas ang mga pagkadismaya mo sa mga interes ng pamilya ng Diyos. Magagawa mo ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo; sa gayon, mayroon kang pangunahing pagpipitagan sa Diyos. Kung mayroon kang medyo higit pa riyan, kapag nakita mo na may ilang kamalian o kahinaan ang isang tao—kahit nagkasala siya sa iyo o napinsala niya ang iyong sariling mga interes—kaya mo pa rin siyang tulungan. Mas makabubuti pang gawin iyon; mangangahulugan iyon na ikaw ay isang taong may taglay na pagkatao, katotohanang realidad, at pagpipitagan sa Diyos. … Hangga’t hindi pa nagpapasiya ang Diyos kung ano ang kahihinatnan ng gayong mga tao, hindi pa sila pinapaalis, at hindi pa sila pinarurusahan, at inililigtas sila, dapat mo silang tulungan nang buong tiyaga, dahil sa pagmamahal; hindi mo dapat asamin na malaman ang kahihinatnan ng gayong mga tao, ni hindi mo dapat gamitin ang paraan ng tao upang sugpuin o parusahan sila. Maaaring pinakikitunguhan o pinupungusan mo ang gayong mga tao, o maaaring binubuksan mo ang puso mo at nakikisali ka sa taos-pusong pakikibahagi upang tulungan sila. Gayunman, kung binabalak mong parusahan, layuan, at mapagbintangan ang mga taong ito, magkakaproblema ka. Magiging kaayon ba ng katotohanan ang paggawa niyon? Ang pagkakaroon ng gayong mga ideya ay manggagaling sa pagiging mainit ang dugo; ang mga ideyang iyon ay nagmumula kay Satanas at nanggagaling sa hinanakit ng tao, pati na rin sa inggit at pagkamuhi ng tao. Ang gayong pag-uugali ay hindi umaayon sa katotohanan. Ito ay isang bagay na magbababa ng paghihiganti sa iyo, at hindi ito naaayon sa kalooban ng Diyos” (“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao”).
Upang mailigtas ang sangkatauhan, ang Diyos ay nagtiis nang matinding kahihiyan sa pagparito sa mundo, at ipinahayag Niya ang Kanyang mga salita upang diligan tayo at pastulan tayo. Kapag namumuhay tayo sa ating mga tiwaling disposisyon, nilalabanan ang Diyos at naghihimagsik laban sa Kanya, ang Diyos ay hindi tayo direktang pinarurusahan or sinusumpa ngunit ginagamit ang Kanyang mga salita upang liwanagan at gabayan tayo, para sa gayon ay magagawa nating maunawaan ang Kanyang mabubuting intensyon sa loob ng Kanyang mga salita, at magsisi sa Diyos kaagad; kapag tayo, bilang sangkatauhan, tinanggi, siniraan at kinondena ang Diyos, ang Diyos ay nagmamalasakit pa rin sa atin, at nagpapatuloy Siya sa pagsasagawa ng Kanyang gawain upang iligtas tayo nang may pinakadakilang pasensya…. Ang Diyos ay hindi makasarili at ang Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan ay napakadakila!
Dahil dito, sa ating pakikitungo sa ibang tao, dapat nating tularan ang puso ng Diyos bilang sa atin. Hangga’t ang ibang tao ay kapatid na may mabuting pagkatao at taos-pusong naniniwala sa Diyos, kung gayon dapat natin silang tratuhin nang tama. Kahit na may manakit sa atin, dapat nating isaalang-alang ang mga ito mula sa isang pag-unlad na pananaw at huwag bumuo ng mga konklusyon tungkol sa iba. Dapat pa rin nating ipakita sa kanila ang pag-unawa, pagpapaubaya, pasensya at pagpapatawad, at huwag silang gantihan. Sa pamamagitan ng pagsasagawa natin sa ganitong paraan, makikipagsalamuha tayo nang maayos sa bawat isa, kahit anupaman sila. Bukod dito, kapag ang iba pang mga tao ay may paghihirap, huwag nating palakihin ang tungkol sa mga pagkakamali na maaaring nagawa nila noon ngunit dapat pa rin silang tulungan at suportahan. Kung makakamtan natin ito, kung gayon ang lahat na may mabuting pagkatao at may mabuting puso balang araw ay maaaring mapagtanto ang kanilang sariling mga pagkakamali, at pagsisisihan nila ang mga bagay na nagawa nila sa nakaraan, labis na hanggang sa hangaan nila kung paano natin isinasabuhay ang ating pagkatao.
Nais mo bang maitaguyod ang mga normal na kaugnayan sa iyong mga kapatid at makisalamuha sa kanila nang maayos? Kung gayon ay nagtitiwala ako na nang sinubukan mo ang tatlong mga prinsipyo sa itaas sa iyong pang-araw-araw na buhay, at isinasagawa mo ang mga ito at nakapasok sa mga ito, kung gayon makatatamo ka ng mga benepisyo na hindi mo maisip!
Salamat sa kaliwanagan at patnubay ng Diyos. Amen!