Menu

Susunod

Tagalog Christian Movie Trailer | "Markado"

3,553 2020-09-01

Dumalo na si Li Chenxi sa mga pagpupulong at nagbasa ng Biblia kasama ng kanyang mga magulang mula pa noong bata siya. Noong 1988 sa edad na 13 taong gulang lang, hinuli siya habang dumadalo sa isang pulong, pagkatapos ay ikinulong sa isang maliit at madilim na silid sa loob ng isang araw at dalawang gabi. Magmula noon, hindi na tumigil ang CCP sa pag-usig sa kanya. Muli siyang inaresto ng mga pulis sa edad na 17 dahil sa pagpapadala ng mga aklat ng mga salita ng Diyos sa ibang mga kapatid sa iglesia. Sa pagsisikap na pilitin siyang ibunyag ang pinagmulan ng mga aklat, marahas na binugbog ng mga pulis ang kanyang ama sa harapan niya, at ipinarada siya sa mga kalye nang may karatulang nagsasabing isa siyang "bilanggong politikal." Noong 1996, dumating ang mga pulis para muling arestuhin si Li Chenxi. Wala na siyang iba pang magawa noon kundi tumakas mula sa kanyang bayan at magsimulang mamuhay bilang isang pugante. Dahil sa madalas na panggugulo at pananakot ng mga pulis ng CCP, naiwan ang kanyang buong pamilyang palagiang nabubuhay sa takot. Hindi kinaya ng kanyang ina ang matagalang tensyon at takot kung kaya't nagkaroon ito ng mental breakdown, at ang kanyang ama naman, na nagdusa na ng mga problema sa kalusugan, ay lalong lumala ang kalagayan dahil sa malupit na pananakit ng mga pulis. Sa gayon, ang isang dating masayang pamilya ay nasira. Habang nagtatago, sumama si Li Chenxi sa mga kapatid sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong bansa. Nagdusa sila sa ilalim ng nakatatakot na paghahari ng CCP, sinusupil at inaaresto nang paulit-ulit. Ang ilang mga kapatid ay inaresto at mabagsik na pinahirapan. Ang ilan ay binugbog hanggang sa mamatay, at ang ilan ay sinentensyahang makulong nang mahigit 10 taon. Noong pagtatapos ng 2012, muling inaresto si Li Chenxi habang nagbabahagi ng ebanghelyo at sumailalim siya sa apat na mahahabang buwan ng interogasyon, pagtatangkang paaminin siya, at pangbe-brainwash.

Mag-iwan ng Tugon