Matapos maging isang mananampalataya, ang bida ay walang kapagurang nagpalaganap ng ebanghelyo at nagbigay ng mga handog at limos. Matapos maaresto at mapahirapan, hindi niya sinisi o ipinagkanulo ang Diyos. Pakiramdam niya ay marami siyang nagawang mabubuting gawain at naging tapat at masunurin sa Diyos. Pagkatapos, isang araw, ang kanyang sakit sa puso at alta-presyon ay nagbalik, ang kanyang herniated disc ay lumala at nasuri din na mayroon syang diabetes. Ganap siyang naratay sa kama at hindi kayang alagaan ang kanyang sarili. May pagkakataon na nagkakasakit siya nang husto na hindi na siya halos makahinga. Lumubog siya sa kawalang pag-asa at paghihirap at sinisi ang Diyos at namali ng pagkaintindi sa Kanya. … Sa pamamagitan ng pananalangin at paghahanap, nagkamit siya ng pagkaunawa sa kanyang hindi dalisay na mga motibo sa kanyang pananampalataya at pagkaunawa sa kanyang tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng paglalahad at paghatol ng mga salita ng Diyos. Naunawaan din niya kung ano ang tunay na kahulugan ng paggawa ng mabubuting gawain at pagtupad sa tungkulin. Matapos no’n, nagpasakop siya sa pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, at hindi na nahadlangan ng kanyang karamdaman at banta ng kamatayan. Tinupad niya ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya at nakaramdam na nakatuntong sa lupa at malaya. Aling mga salita ng Diyos ang gumabay sa kanya para makaalis sa kalungkutan at pagdurusa? Anong mahahalagang leksiyon ang kanyang natutunan? Panoorin ang Muling Pagharap sa Karamdaman upang malaman!