"Maaari bang Katawanin ng Biblia ang Panginoon?" | Tagalog Christian Testimony Video
Ang pangunahing tauhan ay debotong Kristiyano na naniniwala na ang lahat ng nasa Biblia ay kinasihan ng Diyos, na kinakatawan ng Biblia ang Diyos, at ang paniniwala sa Panginoon ay nangangahulugan ng paniniwala sa Biblia. Nang marinig niyang pinapatotohanan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, na nagpahayag ang Diyos ng mga bagong salita at nagsasagawa ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, hindi niya ito kaagad mapaniwalaan. Kumbinsido siya na ang gawain ng Diyos ay wala sa Biblia, ngunit ang balita na nagbalik na ang Panginoon ay nakabalisa sa kanya. Kalaunan ay siniyasat niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at naunawaan ang tunay na kuwento sa likod ng Biblia at ang kahalagahan nito. Sa huli, natanto niya na hindi kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at hindi rin naglalaman ng buhay na walang hanggan, kundi ang tanging paraan na matatamo ang katotohanan at ang buhay ay ang sumunod kay Cristo ng mga huling araw.