Menu

Dahil sa mga Notification Mula sa YouTube Nakasama Kong Muli ang Panginoon

Sa buhay, ang mga pangyayaring nagkataon kung minsan ay maaaring magkaroon ng hindi nakikinitang mga resulta. Isang bagay na hindi inaasahan at kamangha-mangha ang nangyari sa akin ilang buwan na ang nakararaan: Dahil sa mga Notification mula sa YouTube nakasama kong muli ang Panginoon.

Isang umaga ng Hunyo, gumising ako nang maaga at nagsimulang marahang buklatin ang mga pahina ng Biblia na nakalagay malapit sa unan ko, at nabasa ko ang sinabi ng Panginoong Jesus nang pagsabihan Niya ang mga Fariseo: “Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa’t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan(Mateo 21:13). Hindi ko maiwasang hindi mag-alala nang mabasa ko ito, dahil ang sitwasyon sa aking iglesia ay nagiging katulad na ng sitwasyon sa templo sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan: Sa aking iglesia, madalas ipangaral sa amin ng mga pastor at mga elder na dapat mahalin ng mga mananampalataya ang isa’t isa, ngunit sa katunayan sila mismo ay tumatanggap ng maliliit na regalong pera kapag nagdarasal sila para sa mga miyembro ng kanilang kongregasyon, at kung minsan ang halaga ng perang ibinigay ang magpapasiya kung gaano kahaba ang pagdarasal nila para sa nagbigay. Ang iglesia ay dapat sanang maging isang lugar kung saan sinasamba ng mga tao ang Diyos, subalit ngayon, ito ay naging lugar na lamang kung saan nagpapakasal ang mga mananampalataya. Paunti na nang paunti ang matatapat sa pagdaan ng mga araw, at hindi gaanong pinaghuhusay ng mga pastor at mga elder ang kanilang mga sermon o naghahanap ng paraan kung paano nila pinakamainam na mapangangalagaan ang kawan ng Panginoon ngunit sa halip naghahanap sila ng walang katapusang kasiyahan sa pagsasagawa ng mga seremonya sa kasal. Hindi ko maiwasang isipin: “Nalihis ang mga pastor at mga elder mula sa daan ng Panginoon at walang pinagkaiba ang iglesia ngayon sa karaniwang kalakaran sa mundo. Naging lungga na ito ng mga magnanakaw, tulad lang ng templo sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan. Magpapakita pa rin ba ang Panginoon sa iglesiang tulad nito kapag Siya ay bumalik?”

“Beep, beep, beep …” Napahinto ako sa pag-iisip sa pagtunog ng alarm. Kinuha ko ang aking cellphone at pinatay ang alarm, at nagkataong napansin ko ang isang notification sa aking phone na ipinadala mula sa YouTube. Natuon ang paningin ko sa tila pamilyar na mga salitang “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos” at nadama ko na parang narinig ko na ang mga ito sa kung saan noon, pero hindi ko maisip kung saan. Labis akong nagtaka, at naisip ko: “Hindi ako kailanman nag-subscribe sa mga video ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa YouTube, kaya bakit ako padadalhan ng YouTube ng notification tungkol sa iglesiang ito?” Bigla kong naalala, mga isang buwan na ang nakalipas, na isinama ako ng isang kaibigan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para pakinggan ang isa sa kanilang mga sermon. Bago at nagbibigay-kalinawan ang kanilang sermon, naaayon ito sa Biblia, at tila nakapagpasigla ito sa akin. Gusto kong patuloy itong siyasatin, ngunit sinabi sa akin ng kaibigan ko na pinatotohanan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nakabalik na ang Panginoon bilang isang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, at na Siya ay gumaganap ng isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw at nagpapahayag ng maraming katotohanan. Sinabi rin sa akin ng kaibigan ko na binabasa ng lahat ng mananampalataya sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at hindi ang Biblia, at kaya naisip ko: “Madalas sabihin ng mga pastor at mga elder sa aming mga pagtitipon na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Biblia, at hindi maaaring magkaroon pa ng anumang mga salita o gawain ng Diyos maliban sa mga yaong nasa Biblia. Bukod pa rito, ang mga mananampalataya sa lahat ng kapanahunan ay nanampalataya lahat sa Panginoon sa pamamagitan ng Biblia—ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Panginoon ay pagkakaroon ng pananampalataya sa Biblia, kaya paano makakalayo ang sinuman mula sa Biblia at mananampalataya pa rin sa Panginoon?” Inanyayahan ako ng kaibigan ko na pumunta at makinig pa sa mga sermon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pero palagi akong tumatanggi. Habang nakatingin sa notification na ito sa aking cellphone, hindi ko maiwasang hindi magtaka: “Hindi ako kailanman nag-subscribe sa kanilang mga video, pero nakatanggap ako ng notification tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang Panginoon kaya ang may gawa nito?” Dahil iginiit ko pa rin ang sariling pagkaunawa ko, gayunman, hindi ko binuksan ang link at hindi pinanood ang video ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Notification Mula sa YouTube

Sa aking pagkamangha, gayunpaman, sa loob ng ilang araw pagkatapos niyon madalas akong makatanggap ng mga notification mula sa YouTube na nagrerekomenda ng bagong mga pelikula at mga video ng himno na na-upload ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naisip ko sa aking sarili: “Ang Panginoon kaya ang talagang gumagabay sa akin? Kalooban ba ng Panginoon na panoorin ko ang mga video ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?” At dahil dito, nanalangin ako sa Panginoon: “Mahal na Panginoon, bakit po ako nakakatanggap ng mga notification tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa aking cellphone? Pinatotohanan nila na bumalik Ka na, pero talaga bang totoo ito? Panonoorin ko ba ang mga video? Oh Panginoon, nawa’y gabayan Mo ako.” Pagkatapos niyon, naisip ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:3). “Oo,” naisip ko. “Ang pagdating ng Panginoon ay napakahalaga. Ngayong narinig ko ang balita na bumalik na ang Panginoon, dapat bukas ang isipan ko sa paghahanap, masigasig na magsiyasat, maging matalino sa aking pagpapasiya, at alamin kung talagang ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na bumalik o hindi. Kung hindi ko hahanapin o sisiyasatin ito at kung talaga ngang bumalik na ang Panginoon, hindi ba’t mawawala sa akin ang pagkakataon na makasama muli ang Panginoon?” Naisip ito, nagpasiya ako na panoorin ang mga video ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Salamat sa Panginoon! Kung hindi ko pinanood ang mga ito, hindi ko sana nalaman. Nang panoorin ko ang mga video ay saka ko pa lamang natuklasan na naroon ang lahat ng bagay na nais malaman ng isang tao sa YouTube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at napakaraming naroon! Mayroong mga pelikula tungkol sa ebanghelyo, mga pagtatanghal ng koro, mga music video, mga himno, at marami pang iba. Kaagad natuon ang pansin ko sa lahat ng iba-ibang mga kanta at pelikula tungkol sa ebanghelyo, at naantig ako lalo na sa music video ng himnong Mahal Ko, Pakihintay Ako. Nang panoorin ko ito, hindi ko napigilang hindi isipin ang mga naranasan ko sa nakalipas na ilang taon, naghahanap saanman ng isang iglesia na naroon ang gawain ng Banal na Espiritu dahil sa kapanglawang naramdaman ko sa aming iglesia. Habang mas marami akong napapanood na video, lalo ko pang gustong manood. Nadama ko na napalakas ako nito nang husto, at lalong hinangad ko na maunawaan at siyasatin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Isang araw, pinanood ko ang isang maganda at maikling palabas na pinamagatang Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia? na hango mula sa pelikula tungkol sa ebanghelyo na Sino Ang Aking Panginoon. Isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa video na ito ang nag-iwan sa akin ng malalim na impresyon: “Naniniwala sila sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng saklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay kapareho ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung wala Ako, walang Biblia. Hindi nila pinapansin ang Aking pag-iral o mga pagkilos, kundi sa halip ay pinag-uukulan ng sobra at espesyal na pansin ang bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan sa Kasulatan. Sobra ang pagpapahalaga nila sa Kasulatan. Masasabi na itinuturing nilang napakahalaga ang mga salita at pahayag, hanggang sa gumamit sila ng mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang tuligsain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan para makaayon sila sa Akin, o ang paraan para makaayon sila sa katotohanan, kundi ang paraan para makaayon sila sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na anumang hindi umaayon sa Biblia, nang walang itinatangi, ay hindi Ko gawain. Hindi ba ang gayong mga tao ang masunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Judio ang batas ni Moises upang tuligsain si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ni Jesus noong panahong iyon, kundi masigasig nilang sinunod nang perpekto ang batas, hanggang sa ipinako nila ang walang-salang si Jesus sa krus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at na hindi Siya ang Mesiyas. Ano ang kanilang diwa? Hindi kaya na hindi nila hinanap ang paraan para makaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat isang salita ng Kasulatan, habang hindi nila pinapansin ang Aking kalooban at ang mga hakbang at pamamaraan ng Aking gawain. Hindi sila mga taong naghangad sa katotohanan, kundi mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong naniwala sa Biblia. Ang totoo, mga tagapagbantay sila ng Biblia(“Dapat Mong Hanapin ang Paraan para Makaayon kay Cristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Napakalinaw na inihayag sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang ating pag-uugali tungkol sa Biblia. Sa aking puso, pinahalagahan ko nang higit sa lahat ng bagay ang Biblia, naniwala ako na nakapaloob sa Biblia ang lahat ng salita ng Panginoon at kung gayon kumakatawan ang Biblia sa Panginoon, at ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Panginoon ay pagkakaroon ng pananampalataya sa Biblia, at ang paglayo sa Biblia ay nangangahulugan na hindi maaaring manampalataya ang tao sa Panginoon. Isang bagay ang hindi ko maunawaan, gayunman: Ang Biblia ay patotoo sa Panginoon, itinatatag nito ang batayan ng ating pananampalataya, ibinatay nating mga Kristiyano sa Biblia ang ating pananampalataya sa Panginoon sa loob ng dalawang libong taon, at walang sinuman ang inihiwalay ang Biblia mula sa pananampalataya sa Panginoon—kung gayon bakit sinabi sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi maikukumpara ang Biblia sa Diyos? Ano ang ibig sabihin nito?

Patuloy kong pinanood ang video at, pagkatapos, isang kapatid na lalaki mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagbahagi, sinasabing, “Sama-sama tayong magnilay-nilay: Ano ang ibig sabihin ng manalig sa Panginoon? Ano ang ibig sabihin ng manalig sa Biblia? Ano ang kaugnayan ng Biblia sa Panginoon? Ano ang nauna, ang Biblia o ang Panginoon? Kung gayon sino ang gumagawa ng gawain ng pagliligtas? Kung gayon, maaari bang humalili ang Biblia sa Panginoon sa paggawa ng Kanyang gawain? Maaari bang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Kung pikit-matang sasampalataya ang mga tao sa Biblia at sasamba sa Biblia, ibig bang sabihin ay nananalig at sumasamba sila sa Diyos? Ang paniniwala ba sa Biblia ay katumbas ng pagsunod at pagkakaroon ng karanasan sa salita ng Diyos? Ang paniniwala ba sa Biblia ay nangangahulugan na sinusundan ng isang tao ang landas ng Panginoon? Kaya kung mas pahahalagahan ng mga tao ang Biblia kaysa anupamang bagay, ibig bang sabihin ay dinadakila nila ang Diyos, na nagpipitagan at sumusunod sila sa Panginoon? … Sa loob ng libu-libong taon, pikit-mata nang sinamba ng mga tao ang Biblia at pinagpantay ang kahalagahan ng Biblia at ng Panginoon. Ginagamit pa ng ilan ang Biblia para humalili sa Panginoon at sa Kanyang gawain, ngunit walang tunay na nakakakilala sa Panginoon at sumusunod sa Kanya. Kumapit ang mga Fariseo sa Biblia, ngunit ipinako pa rin nila sa krus ang Panginoong Jesus. Ano ang isyu? Ang pag-unawa ba sa Biblia ay pagkilala sa Diyos? Ang pagkapit ba sa Biblia ay pagsunod sa landas ng Panginoon? Eksperto ang mga Fariseo sa pag-intindi sa teksto ng Biblia, ngunit hindi nila kilala ang Diyos. Sa halip, ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus na nagpahayag ng katotohanan at gumawa ng nakatutubos na gawain. Nalimutan na ba talaga natin ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng tunay na kilalanin ang Diyos? Nararapat bang ituring na pagkilala sa Diyos ang kakayahan lang na ipaliwanag ang Biblia at unawain ang kaalaman sa Biblia? Kung gayon, bakit hinusgahan at kinontra ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus kahit nang ipaliwanag nila ang Biblia? Ang susi kung talagang kayang kilalanin at sundin ng isang tao ang Diyos ay kung kilala at sinusunod niya ang nagkatawang-taong Cristo o hindi.”

Nang pagnilayan ko ang mga tanong ng kapatid na lalaki, sinagot ko mismo ang mga ito sa aking puso: “Nakatitiyak ako na unang dumating ang Panginoon at pagkatapos ang Biblia, at hindi magagampanan ng Biblia ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang Biblia ay Biblia, at ang Panginoon ay Panginoon. Noon pa man ay naniwala na ako na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, kung gayon higit ko bang pinahahalagahan ang Biblia kaysa sa Panginoon?” Nang maisip ko ito, bigla akong napatigil, at naisip: “Yamang ang Panginoon ay Panginoon at ang Biblia ay Biblia, naisagawa ko ba ang ayon sa kalooban ng Panginoon sa pagsunod sa mga sinasabi ng mga pastor at mga elder, higit na minamahal ang Biblia, at higit na pinahahalagahan ang Biblia kaysa sa lahat ng iba pang mga bagay?” Ngunit pagkatapos ay naisip ko: “Paano matatawag na tunay na pananampalataya sa Panginoon ang pananampalataya sa Panginoon kung lalayo ang tao sa Biblia? Masasabi bang mali na nanangan tayo sa Biblia sa ating pananampalataya sa Panginoon?” Pagkatapos ay biglang pumasok sa isipan ko ang mga salitang ito na sinabi ng Panginoong Jesus: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Habang pinagninilayan ang mga salitang ito, natanto ko na ang Biblia ay isang patotoo lamang sa Diyos, at na kung nais ng isang tao na makamit ang pagsang-ayon ng Panginoon at magtamo ng buhay, kailangang hanapin ng tao ang Panginoon! “Tila hindi nga talaga maaaring katawanin ng Biblia ang Panginoon,” naisip ko. “Ang Isa na naglalaan para sa ating buhay ay ang Panginoon, hindi ang Biblia, at ang pananampalataya sa Biblia ay hindi nangangahulugan na may pananampalataya ang tao sa Panginoon o sumusunod ang tao sa Panginoon. Kung patuloy akong magbubulag-bulagan na nananangan sa Biblia at higit na mahalin ito, at hindi ko hinahanap o sinusunod ang bagong gawain ng Diyos, mas malamang na humantong ako na tulad ng mga Fariseo at muli kong ipapako sa krus ang Diyos! Nagtataglay ng katotohanan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nagawa ng mga ito na lutasin ang mga pagkaunawa at mga alalahanin ko. Dapat akong magsiyasat at masigasig na maghanap nang sa gayon ay hindi mawala sa akin ang pagkakataon na masalubong nang masaya ang pagdating ng Panginoon.” Nang naisip ko ito, nagpasiya akong hilingin sa kaibigan ko na isama ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang malaman ko pa ang tungkol dito.

Pagkatapos naming makarating ng kaibigan ko sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, malugod kaming sinalubong ng mga kapatid na lalaki at babae, at pagkatapos niyon matiyaga silang nagbahagi sa amin. Itinanong ko, “Marami na akong natutuhan kamakailan mula sa panonood ng mga pelikula at mga video sa website ng inyong iglesia, at nakita ko na nagtataglay ng katotohanan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at magagawa nitong malutas ang aking mga problema at mga alalahanin, at tinulutan ako na maunawaan ang katotohanan. Ngunit isang bagay ang hindi ko pa rin nauunawaan. Madalas sabihin sa amin ng mga pastor at mga elder na nakapaloob lahat sa Biblia ang mga salita ng Diyos, na ang Biblia ay ang pundasyon ng ating pananampalataya sa Diyos, at na hindi maaaring lumayo mula sa Biblia ang mga sumasampalataya sa Panginoon. At gayunman pinatotohanan ninyo na bumalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, at na Siya ay gumaganap ng isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw at ipinahahayag ang bagong mga salita—ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Maaari bang magbahagi kayo sa akin hinggil sa isyung ito?”

Tinugon ni Sister Zhou ang aking tanong sa pamamagitan ng pagpapanood ng isang maganda at maikling palabas na pinamagatang Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos? na hango sa pelikulang Sino Ang Aking Panginoon. Nagbahagi ang mangangaral na nasa pelikula, sinasabing, “Alam nating lahat, ang Bagong Tipan at Lumang Tipan ng Biblia ay isang talaan lamang ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Patungkol sa mga salita at gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, may mangangahas ba ritong sabihin na ang Biblia ay isang kumpletong talaan? May nangangahas ba ritong sabihin lahat ng salita ng Diyos na inihatid sa pamamagitan ng mga propeta noong Kapanahunan ng Kautusan at lahat ng salita ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay nakatala sa Biblia? Ang totoo, alam n’yong lahat na marami sa mga salita ng Panginoong Jesus ang hindi nakatala sa Biblia. Ang mga salita ng Panginoong Jesus na nakatala sa Biblia ay napakaliit na bahagi lamang ng kabuuan. Marami sa mga aklat ng mga propeta sa Kapanahunan ng Kautusan ang hindi rin kasama sa Biblia. Kinikilala ito ng halos lahat! Paano n’yo pa masasabi na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nakatala sa Biblia? Hindi ba malinaw na taliwas ’yan sa katotohanan? Sa puntong ito, hindi ba mga sinungaling kayo? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus nang maraming beses na paparito Siyang muli. Paano pa mauunang itala sa Biblia ang mga salita ng nagbalik na Panginoong Jesus? Dapat nating linawing mabuti ’yan. Ang Biblia ay isang talaan ng gawain ng Diyos noong araw. Kaya maraming taon matapos isulat ang Lumang Tipan, naparito ang Panginoong Jesus at isinagawa ang gawain ng pagtubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Tama ba ’yan? Sabihin n’yo sa akin, awtomatiko bang masusulat ang mga salita ng Panginoong Jesus sa Biblia? Ang mga salita at gawain ng Diyos ay kinailangang tipunin bago maging teksto ang mga ito sa Biblia. Sa mga huling araw, pumarito ang Makapangyarihang Diyos para isagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, at ipinahayag ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Maaari kayang awtomatikong lumitaw ang mga katotohanang ito sa Biblia? Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagtipon sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, ibig sabihin, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian ay naglalaman lamang ng pagpapahayag ng Diyos. Masasabi n’yo na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ang buhay na walang hanggan na ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw. Kaya ang pananaw na ang mga salita at gawain ng Diyos ay nakatalang lahat sa Biblia at na ang mga salita at gawain ng Diyos ay hindi makikita sa ibang lugar maliban sa Biblia ay mali, katawa-tawa at bunga lamang ng mga paniwala at imahinasyon ng tao.”

Matapos makinig sa pagbabahagi ng mangangaral, nadama ko na talagang totoo ang sinabi niya: Ang Biblia ay maaari nating maging sangguniang aklat para magamit natin sa ating pananampalataya sa Diyos, ngunit hindi nito maaaring katawanin ang Panginoon, at lalong hindi nito maaaring katawanin ang mga salita o gawain ng Panginoon. Alam ko na dapat kong gawin ang tamang pagpapahalaga sa Biblia, at hindi dapat ituring na magkapantay sa katayuan ang Biblia at ang Panginoon, lalo na ang limitahan ang gawain at mga salita ng Diyos sa mga pahina ng Biblia. Ang Biblia ay isang talaan lamang ng nakalipas na dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at nagtatala ito ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Ngunit napakadakila at nag-uumapaw ang Diyos, kaya paanong maaaring nakapaloob sa iisang aklat lamang na ito, ang Biblia, ang lahat ng bagay tungkol sa Diyos? Sinasabi sa Ebanghelyo Ayon Kay Juan: “At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). Tila ngayon ay hindi nga nakatala lahat sa Biblia ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, at gayunman naniwala ako sa mga interpretasyong ibinigay ng mga pastor at mga elder sa mundo ng mga relihiyon, at naniwala na walang gawain o mga salita ng Diyos maliban sa mga yaong nakatala sa Biblia—napakabulag at napakahangal ko, pinanghawakan ko ang mga pagkaunawa at mga haka-haka ng tao! Ang pananaw na ito ay talagang hindi makatwiran!

Ipinagpatuloy ko ang panonood sa video, at nagbasa ang mangangaral ng ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang lahat ng naitala sa loob ng Biblia ay limitado; hindi kayang kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay may mas kaunti sa isang daang mga kabanata, na kung saan ay nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, pagpapakita ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subali’t, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at pinatototohanan pa ang gawain sa ngayon kaugnay sa mga nakatalang ito. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa panahon pagkatapos ng Kanyang kapanganakan. Parang naniniwala sila na gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos, na wala nang maaaring karagdagang gawain. Hindi ba ito katawa-tawa?(“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Nang panahong iyon, nagsalita lamang si Jesus sa Kanyang disipulo ng magkakasunod na pangangaral sa Kapanahunan ng Biyaya, tulad ng kung paano magsagawa, kung paano magtipong sama-sama, kung paano humingi sa panalangin, kung paano ituring ang iba, at iba pa. Ang gawain na Kanyang isinakatuparan ay yaong sa Kapanahunan ng Biyaya, at Kanyang ipinaliwanag lamang ang tungkol sa kung paano dapat magsagawa ang mga disipulo at iyong mga sumusunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya at wala na sa huling mga araw. … Ang gawain ng Diyos sa bawa’t isang kapanahunan ay mayroong malinaw na mga hangganan; ginagawa Niya lamang ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan at hindi Niya kailanman isinasakatuparan ang kasunod na yugto ng gawain nang pauna. Sa ganitong paraan lamang naisusulong ang Kanyang kumakatawang gawain ng bawa’t isang kapanahunan. Nagsalita lamang ni Jesus tungkol sa mga patalandaan ng huling mga araw, kung paano maging mapagpasensya at kung paano maligtas, kung paano magsisi at mangumpisal, pati na rin kung paano pasanin ang krus at tiisin ang pasakit; hindi Siya kailanman nagsalita kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw o kung paano hanapin na makapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Sa gayon, hindi ba ito isang kamalian na hanapin sa loob ng Biblia ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang iyong natatalos kung basta hawak lamang ang Biblia sa iyong mga kamay? Maging isa mang tagapagpaliwanag ng Biblia o isang tagapangaral, sino ang nakakahula sa gawain ngayon?(“Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaunawa sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, kung gayon dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, kung gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos sa kasalukuyan, at makilahok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay naging katawang-tao at pumili ng ibang mga hinirang sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, nagpapatuloy mula sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang landas na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na walang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. … Paanong ang Biblia ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawain? Sino ang maaaring magtala ng bawat isang kapiraso ng gawain ngayon, nang walang makakaligtaan, sa patiuna? Sino ang maaaring magtala nitong mas makapangyarihan, mas matalinong gawain na humahamon sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro? Ang gawain sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, sa gayon kailangan mong lisanin ang Biblia, dapat mong higitan ang mga libro ng propesiya o kasaysayan na nasa Biblia. Saka ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at saka ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain(“Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pagkatapos basahin ng mangangaral ang mga salita ng Diyos, nagbahagi ang isang kapatid na lalaki na nasa pelikula, sinasabing, “Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na nakaayon sa katotohanan. Ang Biblia ay isang talaan lamang ng mga salita at gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay hindi maaaring maunang isulat sa Biblia. Sinasabi natin dati na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay sa Biblia lamang matatagpuan. Ngunit hindi talaga ito nakaayon sa katotohanan ng gawain ng Diyos.” Hindi ko napigilan ang mapatango bilang pagsang-ayon matapos kong marinig ang mga salita ng Diyos at ang ibinahagi ng kapatid na lalaki. Naisip ko sa aking sarili: “Tama iyan. Paano maisusulat sa Biblia ng sinuman ang tungkol sa gawaing gagawin pa lamang ng Diyos? Ngayon ko lamang naunawaan ang kabanata 5, talata 5 sa Pahayag na nagsasabing: ‘At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.’ Sinasabi rito na mabubuksan lamang ang aklat na natatakan ng pitong tatak kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, kaya hindi ba’t nagpapakita lamang ito na mayroon pang mga salitang sasabihin at gawaing gagampanan ng Panginoon na hindi nakatala sa Biblia?” Iniisip ito, pinagsisihan ko na hindi ako agad nagsiyasat sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ako talaga dapat nagbulag-bulagan sa pagsunod sa mga pastor at mga elder at naglagay ng limitasyon sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa sarili kong pagkaunawa at haka-haka!

Pagkatapos ay nagbahagi si Sister Zhou, sinasabing, “Kapatid, ngayong napanood na natin ang video, naunawaan natin na ang Biblia ay talaan lamang ng nakalipas na gawain ng Diyos at patotoo sa gawain ng Diyos, hindi ito makakahalili sa lugar ng Diyos sa pagganap ng gawain na iligtas ang sangkatauhan sa mga huling araw. Ang gawain ng Diyos ay palaging patuloy na sumusulong, at gumaganap ngayon ang Makapangyarihang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain—ibig sabihin, ang gawain na paggamit ng mga salita para humatol at magkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian—sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Lubos na isinasakatuparan nito ang mga propesiya sa Biblia, ‘At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pedro 4:17). Hindi binabalewala ng mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang Biblia, ngunit sa halip ang mga ito ay nasa mas mataas, mas dakilang antas kaysa sa mga salita at gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at mas angkop ang gawain ng Makapangyarihang Diyos para sa ating mga kasalukuyang pangangailangan. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang bumubuo sa Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang mga salitang ito ang daan patungo sa buhay na walang hanggan na ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw, inihahayag ng mga ito ang misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos at ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ipinahahayag ng mga ito ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang pagka- makapangyarihan sa lahat at karunungan. Bukod sa iba pang mga bagay, ipinapakita rin ng mga ito ang landas para madakila ang Diyos, magpatotoo sa Diyos, at mapaglingkuran ang Diyos, ang landas para makapasok sa realidad ng katotohanan, at ang landas para matamo ang lubos na pagliligtas at maging perpekto. Tanging sa pagtanggap lamang sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa pagsabay natin sa gawain ng Diyos at sa pagtamo ng panustos mula sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, makakamtan natin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung palagi tayong nakatangan sa Biblia, at tumatangging tanggapin ang gawain at ang mga pagbigkas ng Diyos sa mga huling araw o hindi sumusunod sa mga hakbang ng gawain ng Diyos, hindi natin matatamo ang inilaang buhay na tubig ng buhay na ipagkakalob sa atin ng Diyos, at bubunutin na lamang tayo at pababayaan. Ngayon, lalo pang nagiging mapanglaw ang lahat ng relihiyon at denominasyon. Dahil hindi sila nakasabay sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi sila nagtamo ng panustos mula sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at dahil diyan nasumpungan nila ang kanilang mga sarili na mga nangaligaw sa ilang at hindi na makalabas….”

Sa pamamagitan ng mga ibinahagi ng mga kapatid na lalaki at babae sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, natanto ko na lubos na nakaayon ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa mga propesiya sa Biblia at hindi talaga lumilihis sa Biblia. Sa halip, gumaganap ang Diyos ng mas bago, mas mataas na yugto ng gawain ayon sa ating mga pangangailangan, nang sa gayon ay maiwaksi natin ang mga gapos ng kasalanan nang minsanan at nang lubusan, madalisay at mailigtas ng Diyos, at matamo mula sa Diyos ang katotohanan at buhay. Naunawaan ko na rin kung bakit lalo pang nagiging mapanglaw at nanghihina ang mundo ng mga relihiyon at kung bakit palaging nakadarama ng labis na pagkauhaw ang aking espiritu. Ito ay sa kadahilanang tayo ay mga mapagmataas at palalo at iginigiit natin ang sarili nating pagkaunawa, nilalagyan ng limitasyon ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga pahina ng Biblia, at hindi hinahanap o tinatanggap ang bagong gawain ng Diyos sa mga huling araw, at hindi sumasabay sa mga yapak ng Cordero. Pagkatapos ay ibinahagi sa akin ng mga kapatid na lalaki at babae ang tungkol sa lahat ng uri ng mga katotohanan at, isa-isa, nalutas ng mga salita ng Diyos ang aking mga problema at mga alalahanin. Lubos akong nakatitiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na bumalik, at puspos ng pasasalamat ang aking puso para sa Panginoon.

Matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, aktibo akong nakibahagi sa mga ginagawa sa iglesia, at bagama’t nadiligan at napagkalooban ng mga salita ng Diyos at nabahaginan ng mga kapatid na lalaki at babae, naunawaan ko ang maraming katotohanan at misteryo na hindi ko kailanman naunawaan noon, at napanatag ang aking espritu. Nadama ko na tila lalo pa akong napapalapit sa Diyos, napupuspos ang puso ko ng mas marami pang liwanag, at araw-araw kong nadarama ang saganang kapayapaan at kagalakan. Minsan, kapag naiisip ko ang tungkol sa kung paano ako nanangan sa Biblia, tungkol sa kung paano ko nilagyan ng limitasyon ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga pahina ng Biblia at tumangging hanapin o siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, makadarama ako ng matinding pagsisisi at pagkakautang sa Diyos—nakita ko talaga kung gaano ako kabulag at kahangal noon! Kung hindi nagpakita ng habag sa akin ang Diyos at hindi ako iniligtas sa pamamagitan ng paggamit ng YouTube para padalhan ako ng mga notification tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na umakay sa akin sa pakikinig sa tinig ng Diyos, baka nabubulagan pa rin ako na sumusunod sa mga pastor at mga elder, at baka hindi hinanap o siniyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa sitwasyong iyan, maaari kong mabasa ang Biblia nang isang daang taon at hindi ko pa rin masayang masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Natanggap ko ngayon ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw dahil lahat sa pamumuno at paggabay ng Diyos, at iyon ay ang kamangha-manghang pagliligtas ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Mag-iwan ng Tugon