Menu

Tatlong mga Landas upang Pangasiwaan ang mga Malulungkot na Sitwasyon

Sa totoong buhay, madalas tayong nakakatagpo ng isang bagay na hindi kasiya-siya, tulad ng mga pagkabigo sa ating trabaho, pagpuna ng ating mga boss, pakikipagtalo sa ating mga asawa, biglaang mga sakuna sa bahay, o masasamang personal na ugnayan.

Kapag nahaharap sa mga ganoong bagay, madalas tayong magreklamo at sabihing, “O Panginoon, naniniwala ako sa Iyo at gumugugol at nagsasakripisyo para sa Iyo. Kaya bakit hindi Mo ako pinoprotektahan at ang aking pamilya?”

Ang sabi ng Biblia, “At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisi-ibig sa Diyos” (Roma 8:28). Sa katunayan, tinutulutan ng Panginoon na mangyari sa atin ang ganitong mga kapaligiran hindi upang pahirapan tayo, kundi upang turuan tayo. Nakasalalay ito sa kung nakakaya nating danasin. Minsan ay nagreklamo ako sa Diyos dahil sa karamdaman ng aking ina, ngunit sa pamamagitan ng pagbabahagi sa akin ng mga kapatid sa iglesia, nalaman ko kung paano danasin ang mga hindi kanais-nais na bagay. Sa ibaba, nais kong ibahagi ang tatlong mga landas na naibuod ko; nawa ay maging kapaki-pakinabang sa inyo ang mga ito.

paano-danasin-hindi-kanais-nais-na-bagay

1. Sundin at Hanapin ang Kalooban ng Diyos

Sabi ng mga salita ng Diyos, “Halimbawa: May nangyari na kinakailangan kang magtiis ng hirap, kung kailan dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos at kung paano mo dapat isaisip ang Kanyang kalooban. Hindi mo dapat bigyang-kasiyahan ang iyong sarili: Isantabi mo muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasuklam-suklam pa kaysa sa laman. Kailangan mong sikapin na mabigyan-kasiyahan ang Diyos, at dapat mong tuparin ang iyong tungkulin. Dahil sa gayong mga kaisipan, dadalhan ka ng Diyos ng natatanging kaliwanagan sa bagay na ito, at makakahanap din ng kaginhawahan ang puso mo.

Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na kapag hindi naging maayos ang mga bagay, dapat muna nating patahimikin ang ating mga sarili sa harap ng Diyos at hanapin ang Kanyang kalooban. Ito ang tanging paraan upang liwanagan at gabayan tayo ng Diyos, at tulutan tayong maunawaan nang malinaw ang Kanyang kalooban at magkaroon ng isang daan pasulong. Kasabay nito, mapipigilan tayo nitong magreklamo, sisihin ang Diyos at masaktan ang disposisyon ng Diyos.

Halimbawa, nang naharap si Job sa mga hindi kanais-nais na kaganapan—nanakaw ang kanyang pag-aari, nakatagpo ang kanyang mga anak ng mga hindi kanais-nais na mga katapusan, at ang kanyang buong katawan ay inusbungan ng mga masasakit na pigsa—bagaman hindi niya naunawaan ang kalooban ng Diyos, nagawa niyang sumunod nang may pusong may takot sa Diyos. Hindi siya nagsalita nang makasalanan, ngunit sa halip ay nagpatirapa sa lupa upang maghanap. Pagkatapos ay napagtanto niya na ang mga bagay na dumarating sa kanya ay hindi nagkataon, kundi ang pagdating sa kanya ng gawain ng Diyos. Matapos ang realisasyong ito, sinabi niya mula sa kaibuturan ng kanyang puso, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Palagi niyang nilalakaran ang landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Sa huli, nagdala siya ng isang matunog na patotoo sa Diyos, humiwalay mula sa pagkaalipin ni Satanas, at nakakuha ng doble-dobleng mga pagpapala mula sa Diyos.

Tinutulungan tayo ng karanasan ni Job na maunawaan na kapag nakaharap sa isang bagay na hindi kanais-nais, dapat nating patahimikin ang ating sarili at hanapin ang kalooban ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang natin matitiyak na hindi tayo makapagsasalita nang makasalanan at matatanggap natin ang kaliwanagan ng Diyos at magkakaroon ng pananampalataya upang tumayong patotoo.

Kanina, umiiyak na sinabi sa akin ng ang aking kapatid na babae na nasa mainland China na ang aming ina ay may malubhang karamdaman at nagpapagamot. Sa una, hindi ako nag-aalala, iniisip na dahil ang aking ina ay naniniwala sa Diyos, poprotektahan siya ng Diyos. Gayunpaman, nang matanggap ko ang kanyang litrato mula sa aking kapatid na babae at nakita ko siyang nakahiga sa isang kama sa ospital, mahina at maputla, nag-alala ako na iiwan niya kami, at nagsimula akong magreklamo sa Diyos. Bukod pa rito, hindi na ako gumugugol para sa Diyos nang napakasigla, ni hindi ko nais na lumapit sa harapan ng Diyos upang manalangin. Ang aking espiritu ay lumubog at nabuhay ako sa sakit at kadiliman.

Kinalaunan, sa pamamagitan ng babala at tulong ng aking kapatid sa iglesia, lumapit ako sa harapan ng Diyos para maghanap at manalangin: “Oh Diyos, ang aking ina ay malala ang karamdaman. Labis akong nag-aalala at nalulungkot, sobra na nagsimula akong sisihin Ka. Nakita ko na ang aking tayog ay napakaliit. Hindi ko alam kung anong mga aral ang kailangan kong matutunan sa sitwasyong ito, pero naniniwala akong naroon ang Iyong mabuting kalooban. Handa po akong sumunod. Nawa’y liwanagan at gabayan Mo po ako.” Matapos magdasal sa ganitong paraan, unti-unting kumalma ang aking puso.

2. Pagnilayan ang mga Karumihan sa Ating Paniniwala sa Diyos

Sabi ng mga salita ng Diyos, “Isa kang nilalang—mangyari pa ay dapat mong sambahin ang Diyos at mamuhay nang makahulugan. Kung hindi mo sasambahin ang Diyos kundi mamumuhay ka ayon sa iyong maruming laman, hindi ba isang hayop ka lamang na nakasuot ng damit ng tao? Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro.

Ang karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kapayapaan at iba pang mga kapakinabangan. Kapag hindi ito sa iyong kapakinabangan, hindi ka naniniwala sa Diyos, at kung hindi ka makatatanggap ng mga biyaya ng Diyos, ikaw ay nagtatampo. Paanong ang iyong nasabi ay ang iyong tunay na tayog? Pagdating sa di-maiiwasang mga pangyayari sa pamilya gaya ng pagkakasakit ng mga anak, mga mahal sa buhay na naoospital, salat na ani, at pag-uusig ng mga miyembro ng pamilya, maging ang mga madalas mangyaring ito, pang-araw-araw na mga bagay ay sobra-sobra para sa iyo. Kapag nangyayari ang gayong mga bagay, ikaw ay natataranta, hindi mo alam kung ano ang gagawin—at kadalasan, nagrereklamo ka tungkol sa Diyos. Inirereklamo mo na nilinlang ka ng mga salita ng Diyos, na kinukutya ka ng gawain ng Diyos. Wala ba kayong ganoong mga saloobin?

Tayong mga tao ay nilikha ng Diyos. Ang pagkakaroon ng pananampalataya, pagsamba sa Diyos at paggugol para sa Kanya ay tama at wasto, at dapat tayong maniwala at sumamba sa Kanya paano man Niya tayo pinagpapala at pinoprotektahan—ito lamang ang nilikha na may konsensya at katwiran. Matapos tayong itiwali ni Satanas, gayunpaman, tayong lahat ay nabubuhay sa lohika at batas ni Satanas na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at ginawa tayo nitong napakamakasarili at sakim. Maging ang ating paniniwala sa Diyos, pagtalikod at paggugol para sa Kanya ay pakikipagkasunduan sa Kanya. Iniisip natin na dahil tumatakbo at gumugugol tayo para sa Diyos, dapat Niya tayong pagpalain at tiyakin na ang lahat ay magiging maayos para sa atin. Pag-isipan ito: Kapag walang nangyari na hindi kanais-nais sa atin, lahat tayo ay puno ng pananampalataya sa Diyos at handang isuko ang anumang bagay at gugulin ang lahat para sa gawain ng Diyos. Ngunit kapag nakatagpo tayo ng mga hindi magagandang pangyayari, tulad ng pagkakasakit ng ating mga magulang o anak, at mga problema sa negosyo, nagiging negatibo at mahina tayo, sinisisi at hindi maunawaan ang Diyos, at nawawalan ng pananampalataya. Ipinapakita nito na ang ating mga pananaw at motibo sa ating pananampalataya ay hindi tama. Kapag dumating tayo sa ganitong realisasyon, malalaman natin na ang hangarin ng Diyos ay upang dalisayin at gawin tayong perpekto at para hindi na natin sisisihin ang Diyos.

Pinagnilayan ko rin kung paano ko sinisi ang Diyos dahil sa sakit ng aking ina, at napagtanto na ang aking paniniwala at paggugol para sa Diyos ay naglalaman ng aking sariling mga motibo at layunin. Nais kong ipagpalit ang kaunting paggugol para sa dakilang mga pagpapala ng Diyos. Ito ay pagtatangkang makipagpalitan sa Diyos. Iyon ang dahilan kung bakit ako nagreklamo sa Diyos nang nagkasakit ang aking ina. Kung hindi ibinunyag ng kapaligirang ito, ituturing ko pa rin ang aking sarili na tapat sa Diyos. Nakita kong pinahintulutan ng Diyos ang kapaligirang ito na mangyari sa akin upang linisin at baguhin ako. Ngunit hindi ko naunawaan ang mabubuting intensyon ng Diyos at sinisi ko pa Siya—talagang masyadong mali ito.

Nang pagnilayan ko ang lahat ng mga bagay na ito, talagang napagtanto ko na ang dakilang pag-ibig ng Diyos ay nakatago sa likod ng hindi magandang kalagayan na ito, at ang aking puso ay napuno ng pasasalamat sa Diyos.

3. Matutong Danasin ang Gawain ng Diyos

Sinasabi sa mga Sermon at Pagbabahagi: “Marami sa mga problema ng sangkatauhan, tulad ng kanilang katiwalian, mga kuru-kuro at imahinasyon, ay malulutas lamang pagkatapos ng pagtitiis ng pagdurusa. Kung walang pagdurusa, walang pagbabago, kaya kinakailangan ang pagdurusa. Samakatuwid, ang mga pamamaraan ng Diyos para iligtas ang tao ay nakalaan na maging paghatol at pagkastigo, pagtatabas at pakikitungo, at mga pagsubok at pagpipino upang malutas ang katiwalian ng sangkatauhan. Ito ay pinagpasyahan batay sa aktwal na mga kalagayan ng tiwaling sangkatauhan; hindi ito pinagpasyahan ng sinumang tao. Mula sa ating mga taon ng karanasan sa paniniwala sa Diyos, maaari nating mapatunayan: Upang makamit ng malalim na natiwaling sangkatauhan ang kaligtasan, dapat silang makaranas ng pagtatabas at pakikitungo, paghatol at pagkastigo ng Diyos, at iba’t ibang mga pagsubok at pagpipino. Ang tatlong bagay na ito ay pangunahing paraan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan; bawat isa sa mga ito ay kailangang-kailangan.”

Sinabi sa Biblia, “At Aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin Ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin Ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa Aking pangalan, at Akin silang didinggin(Zacarias 13:9).

Sa katunayan, ang pagdurusa ay isa sa mga paraan kung paano tayo inililigtas ng Diyos. Kapag walang nangyayari sa atin, lahat tayo ay puno ng pananampalataya sa Diyos, maraming kaalaman sa mga salita ng Diyos, at iniisip ang ating sarili na pinakamatapat at pinakamasunurin sa Diyos. Ngunit kapag nakakatagpo tayo ng isang bagay na hindi kanais-nais, tayo ay nagiging negatibo at mahina at nagrereklamo sa Diyos. Ipinapakita nito na wala tayong katotohanan bilang ating buhay, mayroong napakaliit na pananampalataya at nagtataglay ng maraming tiwaling disposisyon. Kung ang Diyos ay hindi nagsaayos ng iba’t ibang mahihirap na kapaligiran upang ibunyag tayo, at kung patuloy tayong nabubuhay sa loob ng isang komportableng kapaligiran at tinatamasa ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos, hindi tayo magiging malinaw sa kung gaano kalaki ang ating tayog, ni makikilala ang ating mga katiwalian. Kaya, kailangang gumamit ng Diyos ng mga mahihirap na kapaligiran upang pinuhin at baguhin tayo, tulad ng bakal na dapat na patigasin nang paulit-ulit upang maging de-kalidad na bakal.

Samakatuwid, kapag nahaharap sa mga hindi masasayang sitwasyon, dapat tayong tumuon sa pagdanas ng gawain ng Diyos at pagkilala sa ating iba’t ibang mga tiwaling disposisyon at maling pananaw sa pananampalataya. Sa ganitong paraan lamang tayo makakatanggap ng mga gantimpala mula sa paniniwala sa Diyos at paglago sa buhay.

Halimbawa, sa isang banda, ang isyu ng aking ina na nagkasakit ay ibinunyag na ang aking pagnanais na makakuha ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pananampalataya ay masyadong malakas; sa kabilang banda, ibinunyag nito na ang aking paniniwala sa Diyos ay masyadong kakaunti—takot ako na iwan kami ng aking ina at hindi naniniwala na ang kanyang karamdaman ay nasa kamay ng Diyos.

Pagkatapos, nanalangin ako sa Diyos at ipinagkatiwala ang aking ina sa mga kamay ng Diyos. Unti-unti, bumuti ang aking kalagayan at ang aking espiritu ay nakatamo ng kapahingahan at kalayaan. Sumulat din ako sa aking ina at sinabi sa kanya na manalangin, umasa sa Diyos at matuto ng mga aral sa kanyang karamdaman. Salamat sa Diyos! Nang ako ay tunay na lumapit sa Diyos at handang sumunod sa mga pagsasaayos ng Diyos anuman ang kalagayan ng aking ina, makalipas ang ilang araw ay nadischarge na ang aking ina at unti-unting gumaling.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, pinahalagahan ko na kapag may nangyayaring isang bagay na mahirap, hangga’t lumalapit tayo sa harapan ng Diyos nang may dalisay na puso, hinahanap ang kalooban Diyos at nagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos, mabubuhay tayo sa isang malaya at hindi napipigilang paraan.

Kapag nakakaranas ng mga sitwasyon ng pagdurusa, maaari kang magsanay alinsunod sa tatlong mga landas na ito. Naniniwala akong makakatamo ka rin ng patnubay ng Diyos, makakaalis sa mga sitwasyong ito at aani ng ilang mga resulta. Pagpalain ka sana ng Diyos, Amen!

Mag-iwan ng Tugon