Menu

3 Paraan para Mapagtagumpayan ang mga Tukso sa Labanang Espirituwal

Sumainyo nawa ang kapayapaan ng Panginoon! Kadalasan, ang lahat ng mga uri ng digmaang espirituwal ay magaganap sa buong panahon ng ating pananampalataya sa at pagsunod sa Diyos. May mga tukso na may kinalaman sa salapi, katayuan at pangalan, at mga tukso sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, gayundin ang paninirang-puri ng mga hindi mananampalataya, paghadlang at paniniil mula sa mga mahal sa buhay, gayundin ang pagtugis at pag-uusig ng isang mala-satanas na rehimen. Minsan ang mga kalamidad ay sumasapit sa atin nang ganap na hindi inaasahan. Sinasabi ng Biblia: “Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (1 Pedro 5:8). “Sa lupa, ang lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang-katapusang gumagala-gala sa paghahanap ng lugar upang magpahinga, at hindi humihinto sa paghahanap ng mga bangkay ng mga tao upang kainin”. Wala ni isang saglit na wala sa tabi natin si Satanas, nag-iisip nang husto upang gamitin ang sinumang tao, pangyayari, o bagay upang tuksuhin, subukin, at usigin tayo, sinusubukang ilublob tayo sa kasamaan, sa sakuna at upang ilayo ang ating mga sarili sa Diyos, ang pagtaksilan Siya upang sa bandang huli ay lulunin tayo nito nang buo. Kung wala tayong katotohanan, wala din tayong pagkilala; kung hindi natin nakikita nang malinaw ang digmaang espirituwal, kung hindi tayo mananatiling matatag sa mga salita ng Diyos, malamang na hahabulin natin ang makalamang mga pakinabang at mga pagpipilian, mahuhulog sa sapot ni Satanas at mawawala ang ating patotoo. Bilang mga Kristiyano, mahalagang matutuhan kung paano makilala ang panlilinlang ni Satanas. Kaya ano ang magagawa natin upang tulutan ang ating mga sariling makita nang malinaw ang panlilinlang ni Satanas sa gitna ng digmaang espirituwal at at maging saksi sa Diyos? Nais kong talakayin sa inyo ang ilang pagbabahagi sa tatlong landas para magtagumpay sa mga tukso ni Satanas.

Una, sa harap ng panunukso ni Satanas, dapat kang manalangin sa Diyos at lalong hangarin ang katotohanan upang maunawaan ang kalooban ng Diyos at huwag maging biktima sa mga panlilinlang ni Satanas.

Si Satanas ay masama at mabangis sa pinakamataas na antas. Inaabuso ng lahat ng mga panunukso nito sa mga tao ang kanilang mahihinang bahagi, ang kanilang mahahalagang kahinaan. Nagsisimula ito kung saan man pinakamarupok ang isang tao, kagaya lamang sa panunukso kay Eba na kumain sa punongkahoy sa pagkakilala sa mabuti at masama. Palaging sa ganoong pagkakataon madalas naihahayag ng mga tao kung ano ang kanilang kalikasan, ang sundin ang pansariling mga kagustuhan at mga pagpipilian sa kanilang mga pagkilos—napakadali para sa kanila na tamaan ng mga panlilinlang ni Satanas. Kung kaya, kapag nakasasagupa tayo ng digmaang espirituwal, dapat muna tayong maging mahinahon sa harap ng Diyos, manalangin, hangarin ang Kanyang kalooban at mga kinakailangan, kung ano ang dapat nating gawin upang sumaksi at mapalugod ang Diyos, at kung anong pinsala at mga kahihinatnan ang sasapit kung mapalulugod natin ang laman. Sa sandaling maunawaan natin ang katotohanan, likas nating malalansag ang panlilinlang ni Satanas at mapagtatagumpayan ang tukso. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin(Mateo 21:22). Sinasabi din ng mga salita ng Diyos: “Pagkatapos na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at binigyan sila ng mga espiritu, iniutos Niya sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Diyos, kung gayon hindi sila makakaugnay sa Kanyang Espiritu at kaya hindi matatanggap sa daigdig ang ‘telebisyong satelayt’ mula sa langit. Kapag wala na ang Diyos sa mga espiritu ng mga tao mayroong isang walang-lamang upuan ang naiiwang bukas para sa ibang bagay, at iyan ang kung paano sinasamantala ni Satanas ang pagkakataon na makapasok. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga puso, kaagad na natataranta si Satanas at nagmamadali upang tumakas. Sa pamamagitan ng mga pagsamo ng sangkatauhan ay ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos ang kanilang pangangailangan, nguni’t hindi Siya ‘naninirahan’ sa loob nila sa simula. Palagi lamang Siyang nagkakaloob sa kanila ng tulong dahil sa kanilang mga pagsamo at nakakamtan ng mga tao ang tibay mula sa kalakasang panloob kaya hindi nangangahas si Satanas na pumunta rito para “maglaro” ayon sa gusto nito. Sa ganitong paraan, kung palaging nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Espiritu ng Diyos, hindi nangangahas si Satanas na manggambala”.

tukso sa labanang espirituwal

Nakasulat sa Biblia na kapwa nawala ni Job ang kanyang kayamanan at mga anak sa pamamagitan ng pagsubok ni Satanas ngunit hindi siya umimik, ni nagtawag siya ng mga tao upang labanan ang mga magnanakaw upang bawiin ang kanyang mga pag-aari. Sa halip, lumapit siya sa harap ng Diyos upang manalangin at maghangad at sa pamamagitan ng gayon naunawaan niya na ang lahat ng kanyang natamo ay hindi sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kakayahan bagkus ang lahat ay ipinagkaloob ng Diyos. Ang kanyang sinapit na mga kabiguan sa panahong iyon ay ipinahintulot ng Diyos, at dahil ang lahat ng mga pangyayari at ang lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, dapat magpakita ng pagkamasunurin ang sangkatauhan. Kung kaya sinabi ni Job: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Si Job ay naging saksi para sa Diyos at nagdulot ng kahihiyan kay Satanas. Makikita natin sa ating totoong mga buhay na ang ilan na naniwala sa Diyos at gumawa sa gawain ng iglesia ay mayroong pamilya at mga kaibigan na nanghihikayat sa kanila sa pamamagitan ng mga salita ng mga pagnanasa sa laman, sa paggawa ng kapalaran, at bilang resulta tinalikuran nila ang Diyos upang magpayaman. Dumadalo sila sa mga pagtitipon at padalang nang padalang na binabasa ang mga salita ng Diyos, at sa bandang huli ganap na binihag ng masasamang kalakaran. Kapag nasasagupa ng tunay na mga mananampalataya ang mga bagay na ito, humaharap din sila sa labanang panloob, ngunit nakalalapit sila sa harap ng Diyos at nananalangin, upang hangarin ang Kanyang kalooban at mga kinakailangan, at upang makaunawa sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na ang mga kasiyahan ng laman—kung ano ang kanilang kinakain, kung ano ang kanilang isinusuot—ay pansamantalang lahat. Gaano man kalaki ang kagalakan, ang mga ito ay walang kahulugan at mga kahungkagan lamang at pagdurusa, at kapag ang mga tao ay naging masyadong komportable, ito ay napakadaling mahulog sa masasamang paraan. Natatanto rin nila na dinala tayo ng Diyos sa mundo na may isang misyon, na kailangan nating isakatuparan. Dapat nating pagtuunan ng pansin ang paghahangad ng katotohanan, pagsasagawa sa mga salita ng Diyos, at pagtupad sa ating tungkulin. Kagaya ng nakasulat sa Biblia, tayo ay mga dayuhan, tayo ay mga panauhin sa mundo, kaya bilang mga Kristiyano dapat tayong makuntento sa pagkakaroon ng damit na maisusuot at ng pagkain sa ating mga hapag. Sa sandaling maunawaan ng isang tao ang kalooban ng Diyos, hindi na sila magagapos sa mga alalahanain ng kayamanan at magkakaroon na ng wastong pananampalataya at matutupad ang kanilang tungkulin bilang nilalang. Maliwanag mula rito na kung gusto nating magtagumpay laban kay Satanas sa digmaang espirituwal, mas lalo tayong dapat manalangin sa at manalig sa Diyos. Kung tunay nating nauunawaan ang katotohanan saka lamang tayo makapananaig sa mga panlilinlang ni Satanas at magiging saksi para sa Diyos.

Ikalawa, kapag nahaharap sa tukso mula kay Satanas dapat mong makita ang katotohanan na ang digmaang espirituwal ay ang pagsalakay ni Satanas sa mga hinirang ng Diyos at pakikipagpustahan sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng matibay na paninindigan sa panig ng Diyos ka magiging matagumpay.

Si Satanas ay ang mahigpit na kaaway ng Diyos at kinasusuklaman nito ang Diyos, nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, at lalo nitong kinasusuklaman ang mga naniniwala sa Diyos, ang natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Kung kaya kapag natatamo ng isang tao ang pananampalataya at bumabaling sa Diyos, ginagawa nito ang lahat sa kanyang kapangyarihan upang sila ay tuksuhin, hadlangan, at gambalain. Ginagamit nito ang lahat ng mga tao, mga pangyayari, at lahat ng mga bagay, upang isakatuparan ang mga panlilinlang nito upang ang mga tao ay maging negatibo at mahina, tanggihan ang Diyos at lumayo sa Kanya, at bumabalik pa sa kampo ni Satanas. Kagaya lamang nang sinubok si Job, makikita ng mga tao sa kanilang mga mata na ang mga magnanakaw ang kumulimbat sa mga ari-arian ni Job at na ang kanyang bahay ay bumagsak at kasamang namatay ang kanyang mga anak, ngunit ang totoo, sa likod ng lahat ng iyon ay ang digmaang espirituwal. Si Satanas ito na nakikipagpustahan sa Diyos. Kung hindi natin malinaw na makikita ang katotohanan sa likod ng digmaang espirituwal ngunit sinusuri ito at tinitingnan ito mula sa pananaw ng isang tao, tinitimbang ang mga tama at ang mga kamalian, magiging biktima tayo sa mga panlilinlang ni Satanas, magiging malayo sa at pagtataksilan ang Diyos. Ang nahayag sa mga salita ng Diyos ay ito: “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinumang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din ni Satanas, nakabuntot sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin lahat ni Satanas ang makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gagamitin ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang gawain ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na mataglay ng Diyos ang sinuman; nais nito ang lahat ng nais ng Diyos, ang sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang napakasamang layunin ni Satanas? Sa karaniwan, madalas ninyong sinasabi na si Satanas ay napakabuktot, napakasama, subalit nakita ba ninyo ito? Ang nakikita lamang ninyo ay kung gaano kasama ang tao at hindi pa ninyo nakikita sa realidad kung gaano talaga kasama si Satanas…. Si Satanas ay nakikipagdigma sa Diyos, sumusunod-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, sakupin at kontrolin ang mga nais ng Diyos, ganap na puksain ang mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa sila kung gayon ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito”.

Sa ngayon sa mga huling araw, ang Diyos ay gumawa ng isang hakbang ng gawain ng paghatol na nagsimula sa tahanan ng Diyos. Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kakaunting mga tao ang nakasagupa ng ilang mahihirap na bagay. Halimbawa, pagkatapos kamtin ang pananampalataya ay nakasagupa ang mga kapatid ng hadlang at panunupil mula sa kanilang mga pamilya; ang ilan ay binantaan ng diborsiyo ng kanilang mga asawa upang pilitin sila na talikuran ang tunay na daan. Ang ilang mga kapatid ay bigla na lamang nagkasakit, nagdanas ng hindi inaasahang mga kalamidad, o sumapit sa kanilang mga pamilya ang ilang nakalulungkot na mga bagay. Maraming mga tao ang nakabuo ng mga pagkaunawa sa harap ng mga bagay na ito. “Naniniwala ako sa Panginoong Jesus noong una at ang lahat ay payapa at maayos, ngunit hindi na ngayon. Mali na ba ang aking pananampalataya ngayon? Kung naniwala ako sa tunay na Diyos ang lahat ng mga bagay ay dapat maging maayos!” Bilang resulta, ang ilang mga tao ay naging negatibo at mahina, ang ilang mga tao ay nakabuo ng mga pagdududa tungkol sa gawain ng Diyos, at tinalikuran pa ng ibang mga tao ang kanilang pananampalataya. Ang totoo nito ang mga katayuang ito ay bumabangon sa mga tao sapagkat hindi nila nakita ang katotohanan ng digmaang espirituwal at wala silang pagkilala sa mga panlilinlang ni Satanas. Sa katunayan, ang pagsagupa sa mga usaping ito ay tiyak na siyang paghadlang at paggambala ni Satanas—nalalaman ni Satanas na naniniwala tayo sa tunay na Diyos at lalong alam niya na dumating ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Natatakot ito na ang lahat ng mga tao ay maniniwala sa at susunod sa Diyos at pagkatapos ay wala ng sinumang susunod pa sa kanya. Kung kaya nagsumikap ito nang husto upang gamitin ang lahat ng mga uri ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay upang gumawa ng mga kalamidad upang antalain at lituhin ang mga tao upang hindi nila makita ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang totoo at huwad, at binibitawan nila ang tunay na daan. Ito ang nakapangangambang layunin ni Satanas at ito ang katotohanan sa likod ng digmaang espirituwal. Ito ang panahon upang makita kung anong mga uri ng mga pagpili ang ginagawa ng mga tao. Kung titingin lang tayo sa panlabas na anyo ng mga bagay at pananatilihin ang ating makalamang mga interes, madadala tayo sa mga panlilinlang ni Satanas at pagtataksilan ang Diyos. Kung nagagawa nating makita ang katotohanan ng digmaang espirituwal, mayroong isang makapangyarihang pagnanais para sa Diyos at mananatiling matatag sa panig Niya, kung makapaninindigan tayo sa ating pananampalataya, susundin ang Diyos, at makatutugon sa mga kinakailangan Niya kahit na mawala sa atin ang lahat ng ating pag-aari sa laman, kung gayon ang mga kamay ni Satanas ay maigagapos—ito ay mapapahiya at magagapi habang tayo ay magiging saksi sa digmaang espirituwal na ito. Kagaya ng sinabi ng Diyos: “Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pakikipagtawaran na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at humihinging manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, pumupusta si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawa’t hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyong kalooban ay pakikipagtawaran ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na kinasasaklawan, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na panindigan ang testimonya” .

Ikatlo, kapag nasa harap ng tukso mula kay Satanas dapat kang manindigan sa mga salita ng Diyos, mamalagi sa pagsunod sa katotohanan at sa pagiging tapat sa Diyos upang makaganti laban sa mga panlilinlang ni Satanas, ganap na pinahihiya at tinatalo ito.

Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, isang katotohanan na pinakakapaki-pakinabang at nakatutulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kinakailangan ng inyong katawan, isang bagay na makatutulong sa inyong mapanumbalik ang inyong normal na pagkatao, isang katotohanan na dapat mailakip sa inyo. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong mas mabilis na mamumukadkad ang inyong buhay; habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, mas lalong magiging malinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong katayuan, makikita ninyo ang mga bagay sa espirituwal na mundo nang mas malinaw, at kayo ay lalong magiging mas makapangyarihan upang magtagumpay kay Satanas” . “Ang Aking bayan! Dapat kayong manatili sa loob ng Aking pagmamahal at pag-iingat. Huwag kailanmang kumilos nang imoral! Huwag kailanmang kumilos nang walang-ingat! Sa halip, ihandog mo ang iyong katapatan sa Aking tahanan, at kung mayroon lamang ng katapatan maaari kang maglunsad ng pagsalungat laban sa katusuhan ng diyablo” . Dapat nating malamang lahat na tanging ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, na kinakatawan ng mga ito ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano Siya, na ang katotohanan ay ang realidad ng lahat ng mga bagay na positibo, na sa labas ng mga salita ng Diyos ang lahat ng mga teorya ay hidwang pananampalataya, mala-satanas na mga pilosopiya, at walang anumang mapatutunayan. Hangga’t umaasa tayo sa mga salita ng Diyos sa ating mga pananaw sa mga bagay malalaman natin kung ano ang positibo at kung ano ang negatibo. Sa gayon lamang tayo magkakaroon ng pagkilala sa lahat ng mga hidwang pananampalataya at mga kasinungalingan ni Satanas, makagaganti sa mga panlilinlang nito, at hindi mawawala ang ating daan sa mga kahirapan o matatangay ni Satanas. Ang tatlong panunukso ni Satanas sa ating Panginoong Jesus ay nakatala sa Biblia. Gumamit ito ng mga salita mula sa Banal na Kasulatan upang tuligsain Siya, ginagamit pa ang mga kayamanan ng mundo upang tuksuhin Siya. Ngunit ginamit ng Panginoong Jesus sa sa bawat pagkakataon ang mga salita ng Diyos upang makaganti sa mga panlilinlang ni Satanas. Natakot ito at tumakas dahil sa kahihiyan at pagkabigo. Makikita natin mula rito na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ang mga ito ang pinakamahusay na sandata laban sa panlilinlang ni Satanas.

Sa mga huling araw, ang Diyos ay muli ngayong nagkatawang-tao, at bumigkas ng mga salita upang tapusin ang isang hakbang ng gawaing paghatol. Maraming mga kapatid ang nakarinig sa tinig ng Diyos at nakita na ang lahat ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, sa gayo’y pinagpapasyahan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Tinanggap nilang isa-isa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa panahong ito nakita rin ng ilang mga kapatid sa online ang mga kasinungalingan, paninira, at paninirang-puri ng pamahalaan ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at na hinatulan ng CCP ang iglesia ng maling pananampalataya, bilang isang kulto. At dinanas ng ilang mga kapatid ang paghadlang at paggambala ng mga pastor at ng matatanda sa kalipunan ng mga relihiyon, na siyang humatol sa pananampalatayang ito sa Makapangyarihang Diyos bilang pananampalataya lamang sa isang tao, sinasabi na ang Kanyang mga salita ay hindi nakasalig sa Biblia, at iba pa. Hinikayat din ng mga pastor at matatandang ito ang mga miyembro ng pamilya ng mga kapatid upang pigilan at hadlangan sila na bumaling sa Diyos. Ang ilang mga kapatid ay nakapanindigan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa gitna ng matinding digmaang espirituwal, napanatili nila ang kanilang panata sa Diyos, at nakapanindigan sa panig ng Diyos sapagkat nakita nila na ang lahat ng mga salita ng Diyos na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at na natuklasan nila ang lahat ng mga misteryo ng Biblia. Maaaring linisin ng mga salitang ito ang kasamaan ng sangkatauhan, maililigtas ang tao sa impluwensya ni Satanas, at ang mga ito mismo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Natukoy nila sa gayon na ang ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan sa mga huling araw, at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang totoo, kung mapatutunayan ng mga tao na ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos, gaano man karaming mga kasinungalingan ang ikalat ng pamahalaan ng CCP at ng relihiyosong mundo, hindi sila malilito. Ang katotohanan ay ang katotohanan at ang mga hidwang pananampalataya ay ang mga hidwang pananampalataya. Ang isang kasinungalingan na isinaad ng isanlibong beses ay isang kasinungalingan pa rin at hindi kailanman magiging katotohanan, Kagaya lamang nang ang Panginoong Jesus ay nagpakita at gumawa, lumikha ang mga lider sa pananampalatayang Hudyo ng lahat ng mga uri ng kasinungalingan tungkol sa Kanya, itinatanggi na Siya ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, hinahatulan na ang Panginoong Jesus ay nagsasalita ng kalapastanganan, sinasabi na Siya ay nakapagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub. Ngunit gaano man nila Siya hatulan, ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Tapagaligtas, at walang sinuman ang matagumpay na makatatanggi diyan. Sa panahong iyon, pinanindigan lamang ng mga tunay na naniniwala sa Panginoon at hindi nagpadala sa nakaliligaw na mga kasinungalingan at mga hidwang pananampalataya, at namalagi sa pagsunod sa Panginoong Jesus. Kagaya ng sinabi ni Pedro: “Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan. At kami'y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios” (Juan 6:68-69). Ngunit kung tayo ay magkakaroon ng mga pagdududa tungkol sa mga salita ng Diyos, kung hindi tayo makapaninindigan sa mga salita ng Diyos at hindi mapanatili ang ating katapatan sa Diyos, magkukulang tayo ng pagkilala sa mga panlilinlang ni Satanas at tiyak na mahuhulog sa mga panunukso nito. Hindi natin magagawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Malinaw mula rito na sa anumang uri ng espirituwal na pakikidigma, tanging kung matapat tayong maninindigan sa mga salita ng Diyos at mananatiling ganap na matapat sa Diyos ay lubos na magagawang talikuran si Satanas, maiwawaksi ang impluwensya nito, at maliligtas ng Diyos.

Sa totoong buhay ang digmaang espirituwal ay maaaring isagawa anumang oras. Kung hindi tayo lumalapit nang madalas sa harap ng Diyos at mananalangin sa Kanya, hindi natin makikita nang malinaw ang katotothanan ng digmaang espirituwal. Kung hindi tayo umaasa sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan sa ating pagkilala, madali tayong mabibiktima ng mga tukso ni Satanas at mawawala ang ating patotoo. Ang karunungan ng Diyos ay iiral batay sa mga panlilinlang ni Satanas—tinutulungan tayo ng Diyos na maunawaan ang katotohanan at magtamo ng pagkilala sa pamamagitan ng matinding digmaang espirituwal upang tayo ay lumago sa ating mga buhay. Sa kabuuan ng lahat ng mga uri ng digmaang espirituwal, hangga’t nagsasagawa tayo ayon sa tatlong mga prinsipyong nasa itaas, tiyak na tayo ay magtatagumpay laban sa mga panunukso ni Satanas at magiging saksi!

Mag-iwan ng Tugon