Gawain ng salita'y ginagawa ng Diyos sa mga huling araw,
Siyang nagkatawang-tao'y nagsasalita ngayo't
mga salitang ito'y sa Espiritu,
pagka't Siya'y Espiritu't kayang maging tao.
Maraming tao ang naniniwalang
salita ng Espiritu'y dapat bumaba
mula sa langit patungong tainga ng tao.
Ganitong mag-isip 'di alam gawain ng Diyos.
Sa katotohanan, ang nagkatawang-taong Diyos ay winiwika ang salita ng Banal na Espiritu.
Wika ng Espiritu sa mga simbahan,
hayaang marinig niyang may tainga.
Narinig niyo na ba'ng salita ng Banal na Espiritu?
Dumating na'ng salita ng Diyos, naririnig niyo ba?
Naririnig niyo ba?
Silang nagkakaila sa naging taong Diyos ay 'di alam
prinsipyo Niya sa gawain o Espiritu Niya.
Silang nag-iisip na panahon na ng Banal na Espiritu,
pero bagong gawai'y ayaw, paniniwala'y malabo.
Hinding-hindi nila makakamit
tunay na gawain ng Banal na Espiritu.
Silang humihiling sa gawai't salita ng Espiritu
ngunit 'kinakaila'ng sa nagkatawang-taong Diyos,
'di sila makakatapak sa bagong kapanahunan,
hindi maililigtas nang ganap.
Wika ng Espiritu sa mga simbahan,
hayaang marinig niyang may tainga.
Narinig niyo na ba'ng salita ng Banal na Espiritu?
Dumating na'ng salita ng Diyos, naririnig niyo ba?
Naririnig niyo ba?
Espiritu'y 'di magsasalitang direkta sa tao,
hindi ito ginawa ni Jehova,
kahit sa Panahon ng Kautusan.
Malayo Niyang gawin ito ngayon.
Dapat ay maging tao Siya upang makapagsalita,
o hindi Niya makakamit layunin Niya,
ang layunin Niya.
Wika ng Espiritu sa mga simbahan,
hayaang marinig niyang may tainga.
Narinig niyo na ba'ng salita ng Banal na Espiritu?
Dumating na'ng salita ng Diyos, naririnig niyo ba?
Naririnig niyo ba? Naririnig niyo ba? Naririnig niyo ba?
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin