Talaga bang Magbabalik ang Panginoon na Sakay ng Isang Ulap?
Nakakakita tayo ng sunud-sunod na sakuna, at laganap sa mundo ang mga pandemya. Ang mga mananampalataya ay sabik na naghihintay na bumalik ang Panginoon na sakay ng isang ulap at na dalhin sila sa alapaap, para iligtas sila mula sa madilim na mundong ito at mula sa mga sakuna, at dalhin sila sa kaharian ng langit. Nakatingala sila sa alapaap at walang tigil sa pagdarasal, naghihintay na makita ang Panginoon na sakay ng isang ulap, hindi naglalakas-loob na lumingat ng tingin, natatakot na darating ang Panginoon at itatapon sila sa sakuna. Ngunit nakapanlulumo sa kanilang makita na dumating na ang mga sakuna, ngunit hindi pa rin nila nasasalubong ang Panginoong Jesus na pababa mula sa alapaap. Marami ang napapaisip kung paparito nga ba talaga ang Panginoong Jesus. Hindi mapalagay ang ilan, iniisip na siguro’y isinadlak na sila ng Panginoon sa mga sakuna. Dahil tila wala na silang magagawa, maraming pastor ang nagbabago ng kanilang mga kuwento, nagsasabi na ang Panginoon ay darating sa kalagitnaan o pagkatapos ng mga sakuna. Naglalakas-loob pa nga ang iba na sabihin na paparito ang Panginoon sa taong 2028 o sa taong 2030. Ang mga interpretasyong ito ng Kasulatan ay maaaring madala ang mga mananampalataya sa mga sakuna, ngunit nang may kasiguraduhang magiging maayos ang lahat. Ngunit gaano man sila katagal na mayroong pananampalataya o gaano man sila nagsipag, hindi pa nila nasasalubong ang Panginoon. Naiisip natin kung gaano kahirap ito. Alam ng lahat ng taong nananampalataya kung ano ang sinasabi ng Biblia, at na ang pagkakasadlak sa sakuna na tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin ay isang tanda ng kahihiyan, samantalang ang tagumpay o pagkabigo sa inyong pananampalataya ay nakasalalay sa pagsalubong sa Panginoon bago ang mga sakuna. Kung gayon, bakit hindi pa nasasalubong ng mga nasa mundo ng relihiyon ang Panginoon, at sa halip ay nasadlak na sila sa mga sakuna? Maaari kayang ang Panginoon ay hindi matapat, kaya hindi pa Siya nagpapakita? Hinding-hindi. Ang kabiguan ng mundo ng relihiyon na salubungin ang Panginoon ay hindi nangangahulugan na hindi pa Siya nagbabalik. Sa katunayan, matagal na Siyang nagbalik sa katawang-tao, nagpapakita at gumagawa bilang ang Anak ng tao. Maraming tao sa lahat ng denominasyon ang narinig na ang tinig ng Diyos at sumalubong na sa Panginoon. Ngunit ang mga relihiyosong tao na kumakapit sa ideya na paparito Siyang sakay ng isang ulap ay hindi pa nasasalubong ang Panginoon. Noong 1991, nagsimulang magpatotoo ang Kidlat ng Silanganan sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Iyon ang kanilang patotoo sa loob ng buong tatlong dekada. Nagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong salita at ang mga tao sa lahat ng denominasyon na nagmamahal sa katotohanan ay nabasa na ang Kanyang mga salita, nakilala ang mga ito bilang dalisay na katotohanan, natanto na nila na naririnig nila ang tinig ng Diyos, at lumalapit sila sa harapan ng Makapangyarihang Diyos, at sinasalubong ang Panginoon. Ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay matagal nang online, nagniningning mula Silangan patungong Kanluran tulad ng isang malaking liwanag, tinatanglawan ang buong mundo, na lubos na tumutupad sa mga salita ng Panginoong Jesus na: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). Ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay yumanig sa buong mundo, samantalang ang mga anticristong puwersa ng mundo ng relihiyon ay humuhusga, kumokondena, at lumalaban sa Kidlat ng Silanganan nang hindi man lang pinag-aaralan ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Ang tanging batayan nila ay ang sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito na sakay ng isang ulap ay huwad, at ang Panginoong nagkatawang-tao ay isang huwad na Cristo. Nakikita nating lahat na hindi pa nasasalubong ng mundo ng relihiyon ang Panginoon, kundi nasadlak ito nang lubos sa sakuna dahil hindi pa nila sinusunod ang propesiya ng Panginoong Jesus na salubungin Siya, at sa halip ay pinagbatayan nila ang kanilang mga sariling haka-haka, wala sa katwirang nagpapasya na ang Panginoon ay dapat na bumalik na sakay ng isang ulap. Inaasam nila na pumarito ang Panginoon at dalhin sila nang diretso sa makalangit na kaharian nang hindi nila isinasagawa ang sariling mga salita ng Panginoon. Ang paggawa ng napakalaking pagkakamaling ito sa usapin na kasinghalaga ng pagsalubong sa Panginoon ay nangangahulugan na nawala sa kanila ang pagkakataon na marapture, at mauuwi sila sa pagkakasadlak sa mga sakuna, na tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Tinutupad nito ang mga salita ng Diyos na: “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Hosea 4:6).
Para malaman kung ang Panginoong Jesus ay paparitong sakay ng isang ulap o kung magpapakita Siya para gumawa bilang ang nagkatawang-taong Anak ng tao, una, kailangan nating huminga nang malalim at pag-isipang mabuti ang ilang propesiya ng Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang ikalawang pagparito, at maaari nating makita ang ating mga sarili na talagang nabigyang-liwanag. Tingnan natin ang ilang talata. “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya” (Mateo 25:6). “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo” (Pahayag 3:3). “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). Kung seryoso nating pag-aaralan ang mga ito, madali nating makikita na ang mga propesiya ng Panginoon tungkol sa Kanyang pagbabalik ay palaging bumabanggit sa “ang Anak ng tao,” “ang pagparito ng Anak ng tao,” “ang Anak ng tao ay darating,” “ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan,” “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” Napakaraming beses na sinabi ng Panginoong Jesus ang “pagparito ng Anak ng tao,” na napakahalaga sa ating pagsalubong sa Panginoon sa mga huling araw. Ano ang tinutukoy ng “ang Anak ng tao”? Walang dudang tinutukoy nito ang Espiritu ng Diyos na nabibihisan ng laman bilang ang Anak ng tao. Patungkol lamang ito sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Maraming beses ding sinabi ng Panginoon na babalik Siya na “gaya ng magnanakaw.” Ano ang ibig sabihin ng “gaya ng magnanakaw”? Ibig sabihin nito’y paparito ang Panginoon nang tahimik at palihim—kung kailan hindi alam ng mga tao, magkakatawang-tao ang Diyos bilang ang Anak ng tao, palihim na bababa para magsalita at gumawa. Makakatiyak tayong ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay bilang ang Anak ng tao, at magaganap ito bago ang mga sakuna, ibig sabihin, kapag ang mundo ay nasa pinakamadilim nitong kalagayan. “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya” (Mateo 25:6). Nagpapatotoo na ang Kidlat ng Silanganan sa Makapangyarihang Diyos mula pa noong 1991, hanggang ngayong 2021, at sa loob ng 30 taong iyon, dumanas na sila ng hibang na pagsupil, pag-aresto, at pamiminsala ng CCP. Ginamit pa nga ng CCP ang mga makinarya nito ng propaganda sa buong bansa, ikinakalat ang pangalang “Makapangyarihang Diyos” na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan sa buong mundo, ginagawa itong kilalang pangalan na pamilyar sa lahat. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus na: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Matapos magpatotoo ng Kidlat ng Silanganan sa Makapangyarihang Diyos sa loob ng maraming taon, ang mga tao mula sa lahat ng denominasyon na nagmamahal sa katotohanan ay nabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakilala ang mga ito bilang katotohanan, bilang ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Narinig nila ang tinig ng Diyos, at nagagalak nilang tinanggap ang Makapangyarihang Diyos. Sila ang matatalinong dalaga na itinaas sa harapan ng trono ng Diyos at dumadalo sa piging ng Panginoon. Napakarami pa ngang tao na humahatol at kumokondena noon sa Makapangyarihang Diyos, ang nagbasa ng Kanyang mga salita kalaunan at sa huli’y narinig nila ang tinig ng Diyos at lumapit sa harapan ng Diyos. Pagkatapos noon ay napuspos sila ng pagsisisi sa paglaban at pagkondena nila sa Makapangyarihang Diyos. Ang matatalinong dalaga na ito na dumadalo sa piging ng kasal ng Cordero ay nagpapatotoo na ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita at ang pagbaba ng Anak ng tao sa mga huling araw. Subalit ang mga kumakapit sa literal na Kasulatan, at tumatangging tanggapin ang lahat ng hindi pagparito ng Panginoon na sakay ng isang ulap, ay mga hangal na dalaga na nasasadlak sa sakuna. Ang hinihintay lamang nila ay ang makita ang Panginoong Jesus na nagpapakita na sakay ng isang ulap pagkatapos ng malalaking sakuna. Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sinasalubong ng mga taong ito ang Panginoon ay dahil naniniwala lamang sila sa mga propesiya sa Biblia na mula sa mga tao, ngunit hindi sa mga propesiya na mula mismo sa bibig ng Panginoong Jesus. Ang tatanggapin lamang nila ay ang pagparito ng Panginoon na sakay ng isang ulap, ngunit tinatanggihan nila ang katotohanan ng pagpapakita at paggawa ng Diyos na nagkatawang-tao bilang ang Anak ng tao. Labis ang kanilang pagkaligaw at kahangalan! Binanggit ng Panginoon ang “Anak ng tao” nang maraming beses noong magsalita Siya tungkol sa Kanyang pagbabalik, ngunit napakaraming “matatalino” at “marurunong” na pastor at mga iskolar ng Biblia ang nagpagulo sa ideya tungkol sa Anak ng tao, na isang napakalaking pagkakamali. Sila’y mga biktima ng sarili nilang katalinuhan! Nagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan, ngunit tumatanggi pa rin sila na makita Siya bilang ang Anak ng tao. Hindi ba’t pagiging bulag lamang iyon? Kung hindi Siya ang nagkatawang-taong Diyos, paanong nakakapagpahayag Siya ng napakaraming katotohanan? Kumakapit pa rin sila sa ideya na ang matatanggap lamang nila ay ang pagparito ng Panginoong Jesus na sakay ng isang ulap, at ito ang dahilan kung bakit nawawala sa kanila ang pagkakataon na marapture, at sa halip ay nasasadlak sila sa sakuna. Walang hanggan nila itong pagsisisihan.
Nakikita nating lahat na nagbalik na ang Panginoon bilang ang nagkatawang-taong Anak ng tao para gumawa. Ito’y isang katotohanang hindi mapag-aalinlanganan at hindi posibleng maipagkaila ng sinuman. Pero maraming tao ang nagtatanong tungkol sa “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap” sa Pahayag 1:7, iniisip na ang ibig sabihin nito’y bababa ang Panginoon na sakay ng isang ulap. At hindi ba’t ang pagsasabi na paparito Siyang sakay ng mga ulap, at ang pagsasabing paparito Siya bilang ang Anak ng tao ay magkasalungat? Parang ganoon nga, pero ang totoo ay walang pagsasalungatan dito. Isa lang itong hamon sa pag-unawa ng tao. Ang anumang mga propesiya sa Biblia ay tiyak na matutupad, ngunit may partikular na proseso, at mayroong mga hakbang. May pagkakasunud-sunod din ang pagpapakita ng Anak ng tao at ang pagparito ng Panginoon na sakay ng isang ulap. Magkakatawang-tao muna ang Panginoon at paparito nang palihim para gumawa, at pagkatapos ay hayagan Siyang magpapakita na sakay ng isang ulap. Bakit iyon nagaganap sa dalawang hakbang? Samantala, ano ang nangyayari? Mayroong mga misteryong napapaloob dito. Tingnan muna natin kung ano ang ipinropesiya ng Panginoong Jesus. Sabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Pakabanalin Mo sila sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17). “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Ang nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol. … At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagka’t Siya’y Anak ng tao” (Juan 5:22, 27). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17). Ang propesiya ng Panginoong Jesus ay lubos na natupad. Dumating ang Anak ng tao nang palihim noong pinakahindi ito inaasahan ng sangkatauhan at nagpahayag na Siya ng napakaraming katotohanan, ginagawa ang gawain ng paghatol ng mga huling araw. Siya ang Espiritu ng katotohanan na gumagabay sa hinirang na mga tao ng Diyos tungo sa lahat ng katotohanan at nakakumpleto na ng isang grupo ng mga mananagumpay bago pa ang mga sakuna. Ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay lumaganap na rin sa bawat bansa sa mundo. Ipinapakita nito na natalo na ng Makapangyarihang Diyos si Satanas at nakamit na Niya ang lahat ng kaluwalhatian. Ngayong nagsimula na ang malalaking sakuna, nakumpleto na ng Diyos ang isang grupo ng mga mananagumpay at ang Kanyang dakilang gawain ay kinukumpleto na. Pagkatapos ng mga sakuna, hayagang magpapakita ang Diyos na sakay ng isang ulap sa lahat ng tao at lahat ng bansa. Sa puntong ito, ang propesiyang magpapakita ang Anak ng tao at ang pagparito ng Panginoon na sakay ng isang ulap ay lubusang matutupad. Mula nang magpakita ang Makapangyarihang Diyos at magsimula ng Kanyang paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, ang mga tumanggap sa Makapangyarihang Diyos ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos araw-araw, at sa pamamagitan ng pagtanggap sa paghatol at paglilinis sa kanila ng Diyos, unti-unti nilang natatakasan ang kasalanan at ang mga puwersa ni Satanas. Ginawa na sila ng Diyos na mga mananagumpay bago pa ang mga sakuna, at sila ang mga unang bunga. Lubos nitong tinutupad ang mga propesiya sa Pahayag na: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). “Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero” (Pahayag 14:4). Buong tatlong dekada na mula nang pumarito nang palihim ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag na Siya ng napakaraming katotohanan, inihahayag ang lahat ng misteryo ng Biblia at ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Napakarami na Niyang sinabi para hatulan at ilantad ang tiwaling diwa ng tao, at ang mga salitang ito ang daan ng katotohanan na nagbibigay sa atin ng kakayahang iwaksi ang kasalanan at ang mga puwersa ni Satanas, at lubos na maligtas. Ang hinirang na mga tao ng Diyos ay hinahatulan, kinakastigo, tinatabasan, iwinawasto, sinusubok, at dinadalisay ng Makapangyarihang Diyos, malinaw nilang nakikita ang sarili nilang katiwalian, nahihiya sila na wala nang mapagtaguan, at yumuyuko sila sa harapan ng Diyos, na puno ng pagsisisi, na kinamumuhian at kinasusuklaman ang kanilang sarili. Nakikita rin nila na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi kukunsinti sa anumang paglabag at nagkakaroon sila ng paggalang sa Diyos, unti-unting natatakot sa Diyos at iwinawaksi ang kasamaan, tunay na nagsisisi at nagbabago. Nakumpleto na ng Makapangyarihang Diyos ang isang grupo ng mga mananagumpay bago pa ang mga sakuna at nakamit ang mga unang bunga. Ang mga patotoo ng mga mananagumpay na ito ay ginawa nang mga video at pelikula na mapapanood online, na lubos na nakakakumbinsi sa lahat ng nakakakita sa mga ito. Wala nang lilinaw pa na ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw! Nagpahayag na ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at gumawa na ng napakadakilang gawain, na hindi lamang yumayanig sa buong mundo, kundi sa buong sansinukob. Binago na ng Makapangyarihang Diyos ang mundo, winawakasan ang lumang kapanahunan, at sinisimulan ang bagong kapanahunan. Nagsimula na ang Kapanahunan ng Kaharian. Pinatutunayan nito na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Anak ng tao, ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nagpakita na ang ating Tagapagligtas at Siya’y gumagawa! Ang gawain ng paghatol na sinisimulan sa sambahayan ng Diyos ay halos tapos na at dahil doon ay dumating na ang malalaking sakuna. Masasabi nating nagsimula na ang mga sakuna at lalala lamang ang mga ito. Ang lahat ng gumagawa ng masama at puwersa ng kasamaan na lumalaban sa Diyos ay paparusahan at wawasakin sa mga sakuna, habang ang mga nalinis sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay mapoprotektahan at iingatan ng Diyos sa gitna ng mga sakuna. Kapag natapos na ang mga sakuna, ang masamang mundong ito ni Satanas ay wawasakin, at pagkatapos ay hayagang magpapakita ang Diyos na sakay ng isang ulap sa lahat ng tao. Ito ang magiging katuparan ng propesiya sa Pahayag 1:7: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.” Bakit tatangis ang lahat ng angkan? Dahil nagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan at gumawa na ng napakadakilang gawain, at hindi lamang sila tumangging siyasatin ito, kundi Siya’y kinondena, hinatulan, at nilapastangan nila kasama ng mga anticristong puwersa ng mundo ng relihiyon. Nilabag nila ang disposisyon ng Diyos at nasadlak sila sa mga sakuna. Mauuwi lamang sila na hinahampas ang kanilang dibdib, tumatangis, at nagngangalit ang mga ngipin, na magiging katuparan ng malungkot na propesiya sa Pahayag na “ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.” Ang mga nalinis at nagawang perpekto sa pamamagitan ng pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos ay mamamalas ang hayagang pagpapakita ng Diyos at sasayaw nang may hindi mapigil na kagalakan, pinupuri ang pagiging makapangyarihan sa lahat, ang karunungan, at ang pagiging matuwid ng Diyos. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang awa Ko ay inihahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatatwa ng kanilang mga sarili. Samantala, ang kaparusahang sumasapit sa masasama ay mismong patunay ng matuwid na disposisyon Ko at, higit pa, patotoo sa poot Ko. Kapag sumapit ang sakuna, lahat ng sumasalungat sa Akin ay mananangis habang sila’y binibiktima ng taggutom at salot. Silang nakagawa na ng lahat ng uri ng kasamaan, ngunit sumunod na sa Akin nang maraming taon, ay hindi makatatakas sa pagbabayad para sa kanilang mga kasalanan; sila rin ay mahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita sa loob ng milyon-milyong taon, at mamumuhay sila na palaging may sindak at takot. At yaong mga tagasunod Ko na nakapagpakita na ng katapatan sa Akin ay magagalak at pupurihin ang kapangyarihan Ko. Mararanasan nila ang di-mailarawang katiwasayan at mabubuhay sa gitna ng kagalakang kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong yaman ang mabubuting gawa ng tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong simulang pangunahan ang sangkatauhan, masugid na Akong umaasa na makamit ang isang pangkat ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Samantala, hindi Ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi Ko kaisa sa pag-iisip; lagi Ko silang kinasusuklaman sa puso Ko, hinihintay ang pagkakataong gantihan Ko sila, na maiibigan Kong makita. Ngayon ay dumating na sa wakas ang araw Ko, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!” (“Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan para sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang lubusang malinis at maligtas ang sangkatauhan. Ito ang nag-iisa at natatanging pagkakataon ng sangkatauhan na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos, at minsan lamang ito darating sa buhay. Nagsimula nang dumating ang malalaking sakuna. Ang mga gumigising at nagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos nang hindi nagpapaliban ay makakaabot sa oras, dahil sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap” (“Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Makikita natin na ang ilang tao ay maririnig ang tinig ng Diyos at makikita ang Kanyang mga gawa, lalapit sa harapan ng Diyos, at makakamit ang Kanyang pagliligtas sa gitna ng mga sakuna. Ito ang pagiging narapture mula sa mga sakuna at ito ang kanilang pinakahuling pagkakataon, gayundin ang dakilang awa ng Diyos para sa sangkatauhan. Alam ng matatalino kung ano ang pipiliin. Ang mga may pananabik na naghihintay na pumarito ang Panginoon na sakay ng isang ulap ay hahantong sa isang maliwanag na katapusan. Tignan natin ang huling sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ngayon. “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng paghatol. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mayabang, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (“Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).