Menu

Susunod

Tagalog Christian Testimony Video | "Pagbibigay ng Aking Puso sa Diyos"

4,121 2021-08-15

Habang nakikibahagi siya sa isang pagtatanghal ng koro ng simbahan, puno ng sigasig ang bida at ginawa ang lahat ng kanyang makakaya sa mga pag-iinsayo noong una. Pero nang italaga siya sa hilera sa likuran kung saan hindi siya makikita, nagsimula siyang gumawa lang nang kaunti nang ni hindi iyon napagtatanto, at sa mga pag-iinsayo ay wala siyang sigla sa ginagawa nang hindi ito sinasamahan ng puso. Nang matapos lang ang pagsasapelikula niya napagtanto na wala siyang nagawang anumang pakinabang para sa kanyang pagpasok sa buhay, at nagsimula siyang makaramdam ng pagkabalisa at nagnilay-nilay sa kanyang sarili. Nagkamit siya ng ilang pagkaunawa sa kanyang tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos, pagkatapos ay nakaramdam siya ng pagsisisi at pagkakonsiyensiya para sa mga pagkabigo niyang gawin nang maayos ang kanyang tungkulin. Makalipas ang ilang buwan, kinailangan nilang gumawa ng ilang karagdagang pagsasapelikula. Paano niya hinarap ang mga pag-iinsayo noon? Ano ang nakamit niya sa huli?

Mag-iwan ng Tugon