Menu

Susunod

Tagalog Christian Testimony Video | Ang Pagsasabuhay ng Kaunting Kawangis ng Tao ay Tunay na Dakila

2,650 2020-07-01

Tagalog Christian Testimony Video | Ang Pagsasabuhay ng Kaunting Kawangis ng Tao ay Tunay na Dakila

Ang Pagsasabuhay ng Kaunting Kawangis ng Tao ay Tunay na Dakila ay ang pagpapatotoo ng isang Kristiyanong nakaranas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Tinanggap ng pangunahing tauhan ang tungkulin ng pagiging direktor ng pelikula sa kanyang iglesya at, matapos makitang magkamit ang kanyang trabaho ng kaunting resulta, pakiramdam na niya ay napakahalaga niyang talento. Lalong naging mapagmataas ang disposiyon niya: Gusto niyang siya lagi ang masusunod sa tungkulin niya at ayaw niyang makinig sa mga suhestiyon ng mga kapatid. Mapanghamak din siyang magsalita sa kapwa, mahigpit sa mga kapatid niya at nakakagambala sa gawain ng iglesya. Matapos maalis sa kanyang tungkulin, naunawaan niya nang kaunti ang masama at likas niyang pagmamataas at kapalaluan sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Diyos at pagninilay sa sarili, at hindi na siya kasing-arogante ng dati. Kapag may hinaharap siyang mga problema, nilalayon niyang hanapin ang katotohanan at pakinggan ang opinyon ng iba, at sa wakas ay isinasabuhay ang kaunting kawangis ng tao. Naranasan niya mismo na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay ang Kanyang tunay pag-ibig at pagliligtas sa sangkatauhan.

Mag-iwan ng Tugon