Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 18

1,340 2020-05-27

Ang Panimula ng Pagkakaroon ng Takot sa Diyos ay Pagtrato sa Kanya Bilang Diyos

Kani-kanina lamang, mayroong nagtanong: Paano nangyari na kahit mas marami tayong alam tungkol sa Diyos kaysa kay Job, hindi pa rin tayo makapagpitagan sa Kanya? Natalakay na natin nang kaunti ang bagay na ito dati, hindi ba? Natalakay na rin natin talaga ang diwa ng tanong na ito noon, na totoo na bagamat hindi kilala ni Job ang Diyos noon, tinrato pa rin niya Siya bilang Diyos at itinuring Siya bilang Panginoon ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay. Hindi itinuring ni Job ang Diyos na isang kaaway; sa halip, sinamba niya Siya bilang Lumikha ng lahat ng bagay. Bakit matindi ang paglaban ng mga tao sa Diyos sa mga panahong ito? Bakit hindi nila nagagawang magpitagan sa Kanya? Ang isang dahilan ay lubha na silang nagawang tiwali ni Satanas, at sa gayong malalim na nakaugat at napakasamang likas na pagkatao, naging mga kaaway na sila ng Diyos. Sa gayon, kahit naniniwala sila sa Diyos at kinikilala nila ang Diyos, nagagawa pa rin nilang labanan Siya at kontrahin Siya. Ito ay ipinapasya ng likas na pagkatao ng tao. Ang isa pang dahilan ay na sa kabila ng kanilang paniniwala sa Diyos, hindi talaga Siya itinuturing ng mga tao bilang Diyos. Sa halip, itinuturing nila Siyang laban sa sangkatauhan, itinuturing Siyang kanilang kaaway, at pakiramdam nila ay hindi sila magkakasundo ng Diyos. Ganoon lang iyon kasimple. Hindi ba natalakay ang bagay na ito sa ating nakaraang sesyon? Pag-isipan ito: Hindi ba iyan ang dahilan? Maaaring mayroon kang kaunting kaalaman tungkol sa Diyos, ngunit ano ba ang kasama sa kaalamang ito? Hindi ba ito ang pinag-uusapan ng lahat? Hindi ba ito ang sinabi ng Diyos sa iyo? Pamilyar ka lamang sa teoretikal at doktrinal na mga aspeto nito—ngunit nalugod ka na ba sa tunay na mukha ng Diyos? Mayroon ka bang pansariling kaalaman? Mayroon ka bang praktikal na kaalaman at karanasan? Kung hindi pa nasabi sa iyo ng Diyos, malalaman mo ba iyon? Ang iyong teoretikal na kaalaman ay hindi kumakatawan sa tunay na kaalaman. Sa madaling salita, gaano man karami ang alam mo at paano mo man nalaman iyon, hangga’t hindi ka nagtatamo ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, magiging kaaway mo Siya, at hangga’t hindi mo talaga sinisimulang tratuhing Diyos ang Diyos, kokontrahin ka Niya, sapagkat ikaw ay isang sagisag ni Satanas.

Kapag kasama mo si Cristo, marahil ay maaari mo Siyang silbihan ng pagkain tatlong beses sa isang araw, o marahil ay silbihan Siya ng tsaa at asikasuhin ang Kanyang mga pangangailangan sa buhay; magmumukhang natrato mo na si Cristo bilang Diyos. Tuwing may nangyayari, palaging sumasalungat ang mga pananaw ng mga tao sa Diyos; laging hindi maunawaan at matanggap ng mga tao ang pananaw ng Diyos. Bagamat sa tingin ay maaaring kasundo ng mga tao ang Diyos, hindi ito nangangahulugan na kasundo nila Siya. Sa sandaling may mangyari, lumilitaw ang tunay na mukha ng pagsuway ng sangkatauhan, sa gayon ay napapatibay ang alitang umiiral sa pagitan ng mga tao at ng Diyos. Ang alitang ito ay hindi ang pagkontra ng Diyos sa mga tao o ang pagnanais ng Diyos na awayin sila, ni hindi Niya sila kinokontra at pagkatapos ay tinatrato silang ganoon. Sa halip, ito ay isang kaso ng salungat na diwang ito ukol sa Diyos na nakatago sa pansariling kalooban ng mga tao at sa likod ng kanilang isipan. Dahil itinuturing ng mga tao ang lahat ng nagmumula sa Diyos bilang mga pakay ng kanilang pagsasaliksik, ang kanilang tugon sa anumang nagmumula sa Diyos at sa lahat ng nauugnay sa Diyos, higit sa lahat, ay manghula, magduda, at pagkatapos ay agad magkaroon ng isang saloobin na salungat at kontra sa Diyos. Maya-maya pa, nagkakaroon sila ng negatibong pakiramdam sa mga pagtatalo o nakikipagtunggali sila sa Diyos, hanggang sa punto kung saan pinagdududahan pa nila kung nararapat nga bang sundin ang isang Diyos na ganoon. Sa kabila ng katotohanan na sinasabi sa kanila ng kanilang pagkamakatwiran na hindi sila dapat magpatuloy sa ganitong paraan, pipiliin pa rin nilang gawin iyon kahit ayaw nila, kaya magpapatuloy sila nang walang pag-aatubili hanggang sa pinakahuli. Halimbawa, ano ang unang reaksyon ng ilang tao kapag naririnig nila ang ilang tsismis o paninirang-puri tungkol sa Diyos? Ang una nilang reaksyon ay ang mag-isip kung totoo ang tsismis na ito o hindi at kung umiiral ang mga tsismis na ito o hindi, at pagkatapos ay hinihintay nila kung ano ang mangyayari. Pagkatapos ay nagsisimula silang mag-isip, “Walang paraan para mapatunayan ito. Talaga bang nangyari iyon? Totoo ba ang tsismis na ito o hindi?” Bagamat hindi ito ipinapakita ng mga taong ganito, nagsimula na silang magduda sa kanilang puso, at nagsimula nang ikaila ang Diyos. Ano ang diwa ng ganitong klaseng saloobin at ng gayong pananaw? Hindi ba ito pagkakanulo? Hangga’t hindi sila nahaharap sa bagay na ito, hindi mo makikita ang mga pananaw ng mga taong ito; tila hindi sila sumasalungat sa Diyos, at parang hindi nila Siya itinuturing na kaaway. Gayunman, sa sandaling maharap sila sa isang problema, agad silang kumakampi kay Satanas at lumalaban sa Diyos. Ano ang ipinahihiwatig nito? Ipinahihiwatig nito na magkasalungat ang mga tao at ang Diyos! Hindi naman sa itinuturing ng Diyos ang sangkatauhan bilang kaaway, kundi ang mismong diwa ng sangkatauhan ang salungat sa Diyos. Gaano man katagal nang nakasunod ang isang tao sa Kanya o gaano man kalaki ang halagang ibinayad nila, at paano man nila pinupuri ang Diyos, paano man nila pigilan ang kanilang sarili sa pagsuway sa Kanya, at gaano pa man nila hinihimok ang kanilang sarili na mahalin ang Diyos, hindi nila kailanman magagawang tratuhin ang Diyos bilang Diyos. Hindi ba ito ipinapasya ng diwa ng mga tao? Kung tinatrato mo Siya bilang Diyos at tunay kang naniniwala na Siya ay Diyos, maaari ka pa rin bang magkaroon ng anumang mga pagdududa sa Kanya? Maaari ka pa rin bang magkimkim ng anumang mga pagdududa tungkol sa Kanya sa puso mo? Hindi na maaari, hindi ba? Ang mga kalakaran ng mundong ito ay napakasama, at ang sangkatauhan ding ito; kaya, paano ka hindi magkakaroon ng anumang mga kuru-kuro tungkol sa mga ito? Ikaw mismo ay napakasama, kaya paano nangyari na wala kang mga kuru-kuro tungkol diyan? Gayunman, sa ilang tsismis lamang at ilang paninirang-puri ay maaaring magpasimula ng gayon kalalaking kuru-kuro tungkol sa Diyos, at humahantong sa iyong pagkakaroon ng napakaraming imahinasyon, na nagpapakita kung gaano kamusmos ang iyong tayog! Ang “paghugong” lamang ng ilang lamok at ilang nakakainis na mga langaw—sapat na ba iyan para malinlang ka? Anong klaseng tao ito? Alam mo ba kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa gayong mga tao? Ang saloobin ng Diyos ay talagang napakalinaw hinggil sa kung paano Niya sila tinatrato. Iyon ay na ang pagtrato ng Diyos sa mga taong ito ay ang balewalain lamang sila—ang Kanyang saloobin ay huwag silang pansinin, at huwag seryosohin ang mangmang na mga taong ito. Bakit ganoon? Ito ay dahil sa puso ng Diyos, hindi Niya kailanman binalak na tamuhin ang mga taong iyon na nangakong maging kagalit Niya hanggang sa pinakahuli at hindi kailanman nagbalak na hanapin ang daan ng pagiging kaayon Niya. Marahil ay maaaring masaktan ang ilang tao sa mga salitang nasambit Ko. Handa ba kayo na lagi Ko kayong saktan nang ganito? Handa man kayo o hindi, lahat ng sinasabi Ko ay ang katotohanan! Kung lagi Ko kayong sinasaktan at inilalantad ang inyong mga pilat nang ganito, makakaapekto ba ito sa matayog na larawan ng Diyos na inyong kimkim sa puso ninyo? (Hindi.) Sang-ayon Ako na hindi, sapagkat wala talagang Diyos sa puso ninyo. Ang matayog na Diyos na nasa puso ninyo—yaong masidhi ninyong ipinagtatanggol at pinoprotektahan—ay hindi talaga Diyos. Sa halip, siya ay isang kathang-isip ng imahinasyon ng tao; hindi talaga siya umiiral. Samakatuwid, mas mabuti pang ilantad Ko ang sagot sa bugtong na ito; hindi ba nito inilalantad ang buong katotohanan? Ang tunay na Diyos ay hindi ang iniisip ng mga tao. Sana ay matanggap ninyong lahat ang realidad na ito, at makatulong ito sa inyong kaalaman tungkol sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain

Mag-iwan ng Tugon