Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 59

1,019 2020-06-04

Si Job Pagkatapos ng Kanyang mga Pagsubok

Job 42:7–9 At nangyari, na pagkatapos na masabi ni Jehova ang mga salitang ito kay Job, sinabi ni Jehova kay Eliphaz na Temanita, Ang Aking poot ay nag-aalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagkat hindi kayo nangagsalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng Aking lingkod na si Job. Kaya’t magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa Aking lingkod na si Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng Aking lingkod na si Job: sapagkat siya’y Aking tatanggapin, baka kayo’y Aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagkat hindi kayo nangagsasalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng Aking lingkod na si Job. Sa gayo’y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jehova: at nilingap ni Jehova si Job.

Job 42:10 At inalis ni Jehova ang pagkabihag ni Job, nang kanyang idalangin ang kanyang mga kaibigan; at binigyan ni Jehova si Job na makalawa ang higit ng dami kaysa sa tinatangkilik niya dati.

Job 42:12 Sa gayo’y pinagpala ni Jehova, ang huling wakas ni Job na higit kaysa sa kanyang pasimula: at siya’y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.

Job 42:17 Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan.

Ang mga Natatakot sa Diyos at Lumalayo sa Kasamaan ay Tinitingnan ng Diyos nang may Pagtatangi, Habang ang mga Hangal ay Mababa sa Paningin ng Diyos

Sa Job 42:7–9, sinabi ng Diyos na si Job ay Kanyang lingkod. Ang Kanyang paggamit ng salitang “lingkod” upang tukuyin si Job ay nagpapakita ng kahalagahan ni Job sa Kanyang puso; bagama’t hindi tinawag ng Diyos si Job gamit ang mas mataas na titulo, ang pangalang ito ay walang kinalaman sa kahalagahan ni Job sa loob ng puso ng Diyos. Ang “Lingkod” dito ay palayaw ng Diyos para kay Job. Ang pagtukoy ng Diyos kay Job bilang “Aking lingkod na si Job” nang maraming beses ay nagpapakita ng Kanyang pagkalugod kay Job, at kahit hindi sinabi ng Diyos ang ibig sabihin ng salitang “lingkod,” ang kahulugan ng Diyos sa salitang “lingkod” ay makikita sa Kanyang mga salita sa siping ito na galing sa kasulatan. Unang sinabi ng Diyos kay Eliphaz na Temanita: “Ang Aking poot ay nag-aalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagkat hindi kayo nangagsalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng Aking lingkod na si Job.” Ang mga salitang ito ay ang unang pagkakataon na ang Diyos ay lantarang nagsabi sa mga tao na tinanggap Niya ang lahat nang sinabi at ginawa ni Job matapos ang mga pagsubok sa kanya ng Diyos, at ang unang pagkakataon na Siya ay lantarang nagpatibay sa kawastuhan at katumpakan ng lahat ng ginawa at sinabi ni Job. Ang Diyos ay nagalit kay Eliphaz at sa iba dahil sa kanilang mali, at wala sa katwirang diskurso, dahil, gaya ni Job, hindi nila nakikita ang anyo ng Diyos o naririnig ang mga salitang sinabi Niya sa kanilang buhay, subalit si Job ay may tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos, samantalang sila ay bulag na nanghula lamang tungkol sa Diyos, lumalabag sa kalooban ng Diyos at sinusubukan ang Kanyang pasensya sa lahat ng kanilang ginawa. Dahil dito, kasabay ng pagtanggap sa lahat ng ginawa at sinabi ni Job, ang Diyos ay napoot sa iba, sapagkat wala Siyang nakita na anumang realidad ng takot sa Diyos, at wala rin Siyang narinig tungkol sa takot sa Diyos sa kanilang mga sinabi. At dahil dito, ang sumunod na ginawa ng Diyos ay ang utusan sila: “Kaya’t magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa Aking lingkod na si Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng Aking lingkod na si Job: sapagkat siya’y Aking tatanggapin, baka kayo’y Aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan.” Sa siping ito, ang Diyos ay nagsabi kay Eliphaz at sa iba pa na gawin ang isang bagay na tutubos sa kanilang mga kasalanan, dahil ang kanilang kamangmangan ay isang kasalanan laban sa Diyos na si Jehova, at ganoon na nga, sila ay kailangang maghanda ng mga handog na susunugin upang malunasan ang kanilang mga pagkakamali. Ang mga sinunog na handog ay mga kadalasan nang iniaalay sa Diyos, ngunit ang hindi pangkaraniwan tungkol sa mga sinunog na handog na ito ay ang pag-aalay ng mga ito kay Job. Si Job ay tinanggap ng Diyos dahil nagpatotoo siya sa Diyos sa panahon ng kanyang mga pagsubok. Samantala, ang mga kaibigan na ito ni Job, ay naibunyag sa panahon ng kanyang mga pagsubok; dahil sa kanilang kamangmangan, sila ay nahatulan ng Diyos, at inudyok nila ang poot ng Diyos, at dapat silang parusahan ng Diyos—parusahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga handog na susunugin sa harap ni Job—pagkatapos nito, ipinanalangin sila ni Job upang ilayo sa kanila ang kaparusahan at poot ng Diyos. Ang layunin ng Diyos ay upang magdala ng kahihiyan sa kanila, sapagkat sila ay mga taong walang takot sa Diyos at hindi lumayo sa kasamaan, at hinatulan nila ang katapatan ni Job. Sa isang banda, sinabi sa kanila ng Diyos na hindi Niya tinanggap ang kanilang mga kilos ngunit lubos Niyang tinanggap at ikinatuwa si Job; sa isa pa, sinabi sa kanila ng Diyos na ang pagtanggap ng Diyos sa tao ay pagtataas sa tao sa harap ng Diyos, na ang tao ay kinamumuhian ng Diyos dahil sa kanyang kamangmangan, at nagkakasala sa Diyos dahil dito, at mababa at marumi sa paningin ng Diyos. Ito ang mga kahulugan na ibinigay ng Diyos sa dalawang uri ng mga tao, ito ang mga saloobin ng Diyos sa dalawang uring ito ng mga tao, at ito ang mga salita ng Diyos tungkol sa halaga at katayuan ng dalawang uring ito ng mga tao. Kahit na tinawag ng Diyos si Job na Kanyang lingkod, sa mata ng Diyos ang lingkod na ito ay minamahal, at binigyan ng awtoridad na manalangin para sa iba at patawarin sila sa kanilang mga pagkakamali. Itong “lingkod” na ito ay maaaring makipag-usap at ganap na makalapit sa Diyos, at ang kanyang katayuan ay mas mataas at mas marangal kaysa sa iba. Ito ay ang tunay na kahulugan ng salitang “lingkod” na sinabi ng Diyos. Si Job ay binigyan nitong natatanging karangalan dahil sa kanyang takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, at ang dahilan kung bakit hindi tinawag ang iba na mga lingkod ng Diyos ay dahil hindi sila natakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang dalawang maliwanag na magkaibang uri ng mga saloobin ng Diyos ay ang Kanyang mga saloobin sa dalawang uri ng mga tao: Ang mga taong may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan ay tinatanggap ng Diyos, at nakikita bilang mahalaga sa Kanyang mga mata, habang ang mga taong hangal na hindi natatakot sa Diyos, ay hindi nakakayanang lumayo sa kasamaan, at hindi maaaring tumanggap ng pabor sa Diyos; sila ay madalas na kinapopootan at hinahatulan ng Diyos, at mababa sa paningin ng Diyos.

Ang Diyos ay Nagbibigay ng Awtoridad kay Job

Si Job ay nanalangin para sa kanyang mga kaibigan, at pagkatapos nito, dahil sa mga panalangin ni Job, hindi na sila pinakitunguhan ng Diyos ayon sa kanilang kamangmangan—hindi Niya sila pinarusahan o ginawan ng anumang pagganti. At bakit ganoon? Dahil umabot sa Kanyang tainga ang mga panalangin para sa kanila ng lingkod ng Diyos, na si Job; pinatawad sila ng Diyos dahil tinanggap Niya ang mga panalangin ni Job. At ano ang nakikita natin dito? Kapag pinagpapala ng Diyos ang isang tao, Siya ay nagbibigay sa kanila ng maraming gantimpala, at hindi lamang mga materyal na pagpapala: Ang Diyos ay nagbibigay din sa kanila ng awtoridad, at ginagawa silang karapat-dapat na manalangin para sa iba, at kinakalimutan ng Diyos, at pinapalampas ang mga paglabag ng mga taong iyan dahil naririnig Niya ang mga panalanging ito. Ito mismo ang awtoridad na ibinigay ng Diyos kay Job. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni Job upang ihinto ang pagkokondena sa kanila, nagdala ang Diyos na si Jehova ng kahihiyan sa hangal na mga taong ito—na, natural lamang, ay siya ring natatanging kaparusahan Niya para kay Eliphaz at sa iba pa.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Mag-iwan ng Tugon