Mula sa panahon na ang tao ay unang nagkaroon ng araling panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Doon ang agham at kaalaman ay naging kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman sa kawalang pag-asa. At kaya lumitaw ang maraming mga panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng teorya ng araling panlipunan, ang teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging lalo pang kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay mas lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng dominyon sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang inaako mismo ang paghanap kung saan ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ngayon, o hanapin kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang patutunguhan ng tao. At sa ganitong paraan, hindi namamalayan ng sibilisasyon ng tao na sila’y nawalan ng kakayanang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at mayroon pang maraming tao na nakararamdam na, sa pamumuhay sa gayong sanlibutan, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang karaingan. Sapagka’t kung walang patnubay ng Diyos, gaano man karami ang mga pinuno at mga sosyolohista na mag-isip nang malalim mapanatili lamang ang sibilisasyon ng tao, ito ay walang kabuluhan. Walang sinuman ang makapupuno ng kawalan sa puso ng tao, dahil walang sinuman ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa kawalang siya ay namimighati. Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, paglilibang, kaginhawaan, ang mga ito ay isa lamang pansamantalang pahinga. Kahit na sa mga bagay na ito, ang tao ay hindi maiiwasang magkasala at managhoy sa kawalang katarungan ng lipunan. Hindi mababawasan ng mga bagay na ito ang pagnanasa at hangarin ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang walang katuturang mga sakripisyo at mga pagtuklas ng tao ay maaari lamang humantong sa mas lubusang pagkabagabag. Ang tao ay iiral sa patuloy na kalagayan ng pagkatakot, na hindi malalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan, o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap. Darating ang panahon na kahit ang agham at kaalaman ay katatakutan ng tao, at higit na kakatakutan ang pakiramdam ng kawalan sa kaloob-looban niya. Sa mundong ito, hindi alintana kung ikaw ay nakatira sa isang malayang bayan o sa isang walang mga karapatang pantao, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Kahit na ikaw ay ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga misteryo, at patutunguhan ng sangkatauhan. Lalo nang wala kang kakayahang takasan ang nakalilitong pakiramdam ng kawalan. Ang nasabing pangyayari, na kung saan pangkaraniwan sa lahat ng sangkatauhan, ay tinatawag na panlipunang pangyayari ng mga sosyolohista, ngunit wala pang dakilang tao ang dumarating upang lutasin ang naturang mga problema. Ang tao, kung sabagay, ay tao. Ang posisyon at buhay ng Diyos ay hindi maaaring mapalitan ng sinumang tao. Ang sangkatauhan ay hindi lang basta nangangailangan ng isang makatarungang lipunan kung saan lahat ng tao ay kumakain nang tama at pantay-pantay at malaya, ngunit ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang paglalaan ng buhay sa kanila. Kapag natatanggap na ng mga tao ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang paglalaan ng buhay sa kanila saka lamang malulutas ang mga pangangailangan, matinding pagnanasang maggalugad, at espirituwal na kawalan ng tao. Kung ang mga tao ng isang bayan o ng isang bansa ay hindi makatatanggap ng kaligtasan at pag-aalaga ng Diyos, kung gayon ay tatahakin ng naturang bansa o nasyon ang landas tungo sa pagkawasak, patungo sa kadiliman, at lilipulin ng Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao