Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 417

2,768 2020-09-11

Paano pumapasok ang isang tao sa tunay na panalangin?

Habang nagdarasal, kailangan ay tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, at kailangan kang magkaroon ng pusong tapat. Tunay kang nakikipagniig at nagdarasal sa Diyos—hindi mo dapat subukang linlangin ang Diyos gamit ang mga salitang magandang pakinggan. Dapat ay nakasentro ang panalangin doon sa nais isakatuparan ng Diyos ngayon mismo. Hilingin mo sa Diyos na pagkalooban ka ng higit na kaliwanagan at pagtanglaw, dalhin ang tunay na mga kalagayan at suliranin mo sa Kanyang presensya kapag nagdarasal ka, pati na ang pagpapasyang ginawa mo sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi tungkol sa pagsunod sa pamamaraan; tungkol ito sa paghahanap sa Diyos nang taos-puso. Hilingin mo sa Diyos na protektahan ang puso mo, upang madalas itong maging tahimik sa Kanyang harapan; na sa kapaligiran kung saan ka Niya inilagay, makilala mo ang iyong sarili, kamumuhian mo ang iyong sarili, at tatalikdan mo ang iyong sarili, sa gayon ay magkaroon ka ng normal na ugnayan sa Diyos at tunay na maging isang tao kang nagmamahal sa Diyos.

Ano ang kabuluhan ng panalangin?

Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan ng pagtawag ng tao sa Diyos, at ito ang proseso kung saan inaantig ng Espiritu ng Diyos ang tao. Masasabi na yaong mga hindi nagdarasal ay mga patay na walang espiritu, na nagpapatunay na wala silang kakayahan na maantig ng Diyos. Kung walang panalangin, imposibleng magkaroon ng normal na espirituwal na buhay, lalong hindi nila masusundan ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang hindi pagdarasal ay pagputol ng ugnayan sa Diyos, at magiging imposibleng makamtan ang papuri ng Diyos. Bilang isang mananampalataya sa Diyos, habang lalong nagdarasal ang isang tao, habang lalo siyang inaantig ng Diyos, lalo siyang mapupuno ng kapasyahan at lalo siyang makatatanggap ng bagong kaliwanagan mula sa Diyos. Dahil dito, ang ganitong klaseng tao ay maaaring gawing perpekto ng Banal na Espiritu nang napakabilis.

Ano ang epektong inaasahang makamtan ng panalangin?

Maaaring naisasagawa ng mga tao ang pagdarasal at nauunawaan ang kabuluhan ng panalangin, ngunit ang pagiging mabisa ng panalangin ay hindi isang simpleng bagay. Ang panalangin ay hindi lamang basta makatapos ka, o masunod ang pamamaraan, o mabigkas ang mga salita ng Diyos. Ibig sabihin, ang pagdarasal ay hindi pag-uulit ng ilang salita at paggaya sa iba. Sa panalangin, kailangang marating ng isang tao ang kalagayan kung saan maibibigay niya ang kanyang puso sa Diyos, na binubuksan ang puso niya para maantig ito ng Diyos. Para maging mabisa ang panalangin, dapat itong ibatay sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagdarasal mula sa mga salita ng Diyos magagawa ng isang tao na tumanggap ng higit na kaliwanagan at pagtanglaw. Ang mga palatandaan ng isang tunay na panalangin ay: Pagkakaroon ng pusong nasasabik sa lahat ng hinihingi ng Diyos, at bukod pa riyan ay naghahangad na isakatuparan ang Kanyang mga hinihingi; pagkasuklam sa kinasusuklaman ng Diyos at pagkatapos, mula sa pundasyong ito, pagtatamo ng kaunting pagkaunawa tungkol dito, at pagkakaroon ng kaunting kaalaman at kalinawan tungkol sa mga katotohanang ipinaliliwanag ng Diyos. Kapag nagkaroon ng pagpapasya, pananampalataya, kaalaman, at isang landas ng pagsasagawa kasunod ng panalangin, saka lamang ito matatawag na tunay na pananalangin, at ang ganitong uri ng panalangin lamang ang maaaring maging mabisa. Subalit kailangang itatag ang panalangin sa pagtatamasa sa mga salita ng Diyos, kailangan itong itatag sa pundasyon ng pakikipagniig sa Diyos sa Kanyang mga salita, at kailangang magawa ng puso na hanapin ang Diyos at maging tahimik sa Kanyang harapan. Ang ganitong uri ng panalangin ay nakapasok na sa yugto ng tunay na pakikipagniig sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Paano Pumasok sa Tunay na Pagdarasal

Sa pagdarasal kailangan mong pumayapa, at maging tapat. Sa Diyos tunay na makipagniig. 'Wag Siyang lokohin sa magandang salita. Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos. At sa paligid na inayos para sa 'yo, sarili'y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan. Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos, at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos, magiging mapagmahal ka sa Diyos.

Pagdarasal isentro sa matatapos Niya ngayon. Hilinging mas malinawan ka, dalhin problema mo sa Kanya at iparating ang iyong pasiya. Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos. At sa paligid na inayos para sa 'yo, sarili'y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan. Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos, at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos, magiging mapagmahal ka sa Diyos.

Pagdarasal di para sumunod sa proseso kundi hanapin ang Diyos. Hilinging puso mo'y ingatan Niya. Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos. At sa paligid na inayos para sa 'yo, sarili'y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan. Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos, at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos, magiging mapagmahal ka sa Diyos.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon