Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos" | Sipi 100

723 2020-08-22

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” | Sipi 100
Ang buhay na isinabuhay ni Jesus sa lupa ay isang karaniwang buhay ng katawang-tao. Siya ay namuhay sa karaniwang pagkatao ng Kanyang katawang-tao. Ang Kanyang awtoridad—na gawin ang gawain ng Diyos at sambitin ang salita ng Diyos, o pagalingin ang maysakit at magpalayas ng mga demonyo, para gawin ang ganoong hindi-pangkaraniwang mga bagay—ay hindi nakita, sa pinakamalaking bahagi, hanggang sa Siya ay nagsimula ng Kanyang ministeryo. Ang Kanyang buhay bago ang edad na dalawampu’t siyam, bago Niya ginampanan ang Kanyang ministeryo, ay sapat na patunay na Siya ay isa lamang karaniwang tao. Dahil dito, at dahil hindi pa Siya nakapagsisimula ng Kanyang ministeryo, ang mga tao ay walang nakitang banal sa Kanya, walang nakitang higit sa isang normal na tao, isang karaniwang tao—gaya noong pinaniniwalaan Siya ng ilang mga tao bilang anak ni Jose. Ang akala ng mga tao ay anak Siya ng ordinaryong tao, walang ibang paraan para maihayag na Siya ang katawang-taong Diyos; kahit na noong, sa pagdaan nang pagganap ng Kanyang ministeryo, Siya ay gumawa ng maraming milagro, karamihan sa mga tao ay nagsabi pa rin na anak Siya ni Jose, sapagka’t Siya ay ang Cristo na may panlabas na anyo ng normal na pagkatao. Ang Kanyang karaniwang pagkatao at Kanyang gawain ay parehong umiral upang tuparin ang kahalagahan ng unang pagkakatawang-tao, na nagpapatunay na ang Diyos ay ganap na naging laman, naging isang lubos na ordinaryong tao. Na Siya ay nagkaroon ng karaniwang pagkatao bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain ay patunay na Siya ay isang ordinaryong laman; at ang Kanyang paggawa pagkatapos nito ay pagpapatunay na Siya ay isang payak na laman, sapagka’t Siya ay gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo sa katawan ng karaniwang tao. Ang dahilan na kaya Niyang gumawa ng mga milagro ay dahil ang Kanyang katawang-tao ay mayroong awtoridad ng Diyos, na ang katawang-tao kung saan ang Espiritu ng Diyos ay binihisan. Siya ay nagtataglay nitong awtoridad dahil sa Espiritu ng Diyos, at hindi ibig sabihin nito na Siya ay hindi isang katawang-tao. Ang pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ay ang gawain na kailangan Niyang gampanan sa Kanyang ministeryo, isang pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao, at kahit anong mga palatandaan ang Kanyang ipinakita o paano Niya pinatunayan ang Kanyang awtoridad, Siya pa rin ay namuhay sa karaniwang pagkatao at isa pa ring normal na katawang-tao. Hanggang dumating sa puntong Siya ay muling nabuhay pagkatapos mamatay sa krus, Siya ay nanahan sa isang normal na katawang-tao. Ang pagkakaloob ng biyaya, pagpapagaling ng maysakit, at pagpapalayas ng mga demonyo ay bahaging lahat ng Kanyang ministeryo, lahat ay gawaing ginampanan Niya sa Kanyang karaniwang katawang-tao. Bago Siya pumunta sa krus, hindi Siya kailanman umalis sa Kanyang karaniwang katawang-tao, anuman ang Kanyang ginagawa. Siya ay ang Diyos Mismo, ginagawa ang sariling gawain ng Diyos, datapwa’t dahil Siya ay nagkatawang-taong Diyos, kumain Siya ng pagkain at nagsuot ng damit, nagkaroon ng karaniwang pangangailangan ng tao, nagkaroon ng karaniwang katuwiran ng tao at karaniwang pag-iisip ng tao. Ang lahat ng ito ay patunay na Siya ay isang normal na tao, kung saan pinatunayan na ang katawang-tao ng Diyos ay isang laman na may karaniwang pagkatao, hindi isang higit-sa-karaniwan. Ang Kanyang tungkulin ay upang kumpletuhin ang gawa ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos, upang tuparin ang ministeryo ng unang pagkakatawang-tao. Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na ang isang payak, at normal na tao ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo; iyon ay, na ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang pagka-Diyos na gawain sa pagkatao at sa gayong paraan ay tinatalo si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang laman, iyon ay, ang Diyos ay nagiging laman; ang gawain na ginagawa Niya sa laman ay ang gawain ng Espiritu, na naging tunay sa laman, ipinahayag sa pamamagitan ng laman. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang maaaring tumupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos; iyon ay, katawang-tao ng Diyos lamang, itong karaniwang katauhan—at walang sinumang iba pa—ang makakapagpahayag ng banal na gawain. Kung, noong panahon ng Kanyang unang pagdating, ang Diyos ay hindi nagkaroon ng karaniwang pagkatao bago ang edad na dalawampu’t siyam—kung sa sandali na Siya ay ipinanganak ay nakagagawa na Siya ng mga himala, kung sa sandali na Siya ay natutong magsalita Siya ay nakapagsalita ng wika ng langit, kung sa sandali ng unang pagtapak Niya sa lupa ay naintindihan agad Niya ang lahat ng makamundong mga bagay, nababatid ang bawa’t pag-iisip at mga intensyon ng bawa’t tao—sa gayon ay hindi Siya matatawag na isang normal na tao, at ang Kanyang laman ay hindi matatawag na laman ng tao. Kung ito ang naging katayuan kay Cristo, samakatwid ang kahulugan at kakanyahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay mawawala. Na Siya ay nagtataglay ng karaniwang pagkatao ay nagpapatunay na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katunayan na Siya ay sumailalim sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay higit pang nagpapakita na Siya ay isang normal na laman; at bukod doon, ang Kanyang gawa ay sapat na patunay na Siya ay salita ng Diyos, Espiritu ng Diyos, na nagiging laman. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao dahil sa mga pangangailangan ng gawain; sa madaling salita, itong yugto ng gawain ay kailangang matupad sa laman, matupad sa karaniwang pagkatao. Ito ang unang kailangan para sa “ang Salita ay nagiging laman,” para sa “ang Salitang nagpapakita sa laman,” at ito ay ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Maaaring maniwala ang mga tao na ang buong buhay ni Jesus ay may kasamang mga himala, na mula sa simula hanggang sa katapusan ng Kanyang gawain sa lupa hindi Siya nagpakita ng karaniwang pagkatao, na hindi Siya nagkaroon ng normal na pangangailangan ng tao o mga kahinaan o mga emosyon ng tao, hindi nangailangan ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay o maglibang sa karaniwang pag-iisip ng tao. Payak nilang iniisip na mayroon Siyang higit-sa-karaniwang pag-iisip, isang nangingibabaw na katauhan. Naniniwala sila na dahil Siya ay Diyos, hindi Siya dapat mag-isip at mamuhay tulad ng ginagawa ng karaniwang tao, na isang normal na tao lamang, isang tunay na nilalang, ang kayang mag-isip ng pangkaraniwang mga kaisipan ng tao at mamuhay ng isang normal na pantaong buhay. Ang lahat ng mga ito ay mga ideya ng tao, at mga paniwala ng tao, na salungat sa orihinal na mga hangarin ng gawain ng Diyos. Ang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa normal na pantaong katuwiran at normal na pagkatao; ang normal na pagkatao ay sumusuporta sa normal na tungkulin ng katawang-tao; at ang normal na tungkulin ng katawang-tao ay nagpapagana sa normal na buhay ng katawang-tao sa kabuuan nito. Tanging sa pamamagitan lamang ng paggawa sa ganoong katawang-tao maaaring matupad ng Diyos ang layunin ng Kanyang pagkakatawang-tao. Kung ang nagkatawang-taong Diyos ay nagtaglay lamang ng panlabas na balat ng laman, nguni’t hindi nag-isip ng normal na mga kaisipan ng tao, kung gayon ang lamang ito ay hindi magtataglay ng katuwiran ng tao, lalo pa ang tunay na pagkatao. Paanong ang isang laman na tulad nito, na walang pagkatao, ay tutupad sa ministeryo na dapat gampanan ng nagkatawang-taong Diyos? Ang normal na isipan ay nagpapanatili ng lahat ng aspeto ng buhay ng tao; kung walang normal na isipan, ang isa ay hindi magiging tao. Sa madaling salita, ang taong hindi nag-iisip ng normal na mga kaisipan ay may sakit sa pag-iisip. At ang Cristo na walang pagkatao kundi tanging pagka-Diyos lamang ay hindi masasabing laman ng nagkatawang-taong Diyos. Kaya, paanong ang laman ng nagkatawang-taong Diyos ay mawawalan ng normal na pagkatao? Hindi ba kalapastanganan ang sabihing si Cristo ay walang pagkatao? Lahat ng gawain na sinasangkapan ng normal na mga tao ay umaasa sa pagtakbo ng isang normal na isipan ng tao. Kung wala ito, ang mga tao ay kikilos nang hindi karaniwan; hindi man lamang nila masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng itim at puti, mabuti at masama; at hindi sila magkakaroon ng mga mabuting asal na pantao at mabuting mga panuntunan. Katulad nito, kung ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi nag-isip gaya ng normal na tao, kung gayon ay hindi Siya magiging tunay na katawang-tao, isang normal na katawang-tao. Ang ganitong di-nag-iisip na laman ay hindi makakayang gumanap ng banal na gawain. Hindi Niya makakayang sumangkap sa mga karaniwang gawain ng katawang-tao, lalo pa ang mamuhay kasama ang mga tao sa lupa. At kaya ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang tunay na diwa ng pag-aanyo ng Diyos sa katawang-tao, ay mawawala. Ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ay umiiral para manatili ang normal na banal na gawain sa katawang-tao; ang Kanyang normal na pantaong pag-iisip ay sumusuporta sa Kanyang karaniwang pagkatao at sa lahat ng Kanyang normal na mala-pisikal na gawain. Maaaring sabihin ng isa na ang Kanyang normal na pag-iisip bilang tao ay umiiral upang ipagpatuloy ang lahat ng mga gawain ng Diyos sa katawang-tao. Kung itong katawang-tao ay hindi nagtaglay ng isang normal na isipan ng tao, ang Diyos ay hindi makakagawa sa katawang-tao, at ang kailangan Niyang gawin sa katawang-tao ay hindi kailanman magaganap. Kahit ang katawang-taong Diyos ay nagtataglay ng normal na isipan ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng pantaong kaisipan; isinasabalikat Niya ang gawain sa katauhan na may normal na isipan, sa ilalim ng patiunang-kundisyon na nagtataglay Siya ng pagkatao na may isipan, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na pag-iísíp ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala ng tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binuo ng isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi direktang pagpapahayag ng banal na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang tuparin, at wala dito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pantaong isipan, hindi matatamo ng kahit sinong tao na may pantaong isipan. Gayundin, ang mapanlupig na gawa ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos, nguni’t hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawain na dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawain na walang kahit sinong tao ang may kaya. Kaya ang nagkatawang-taong Diyos ay dapat nagtataglay ng isang karaniwang isipan ng tao, dapat nagtataglay ng karaniwang pagkatao, dahil dapat Niyang gampanan ang Kanyang gawain sa katauhan na may normal na isipan. Ito ay ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon