Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa" | Sipi 492

807 2020-09-23

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa” | Sipi 492
Ang gawaing ginawa ni Pablo ay ipinakita sa tao, nguni’t kung gaano kabusilak ang kanyang pag-ibig para sa Diyos, kung gaano kalaki ang kanyang pag-ibig para sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso—ang mga ito ay hindi kayang makita ng tao. Namamasdan lamang ng tao ang gawaing kanyang ginawa, kung saan alam ng tao na siya ay tiyak na kinasangkapan ng Banal na Espiritu, kaya’t iniisip ng tao na si Pablo ay mas magaling kaysa kay Pedro, na ang kanyang gawain ay mas dakila, dahil kinaya niyang magbigay sa mga iglesia. Ang tiningnan lamang ni Pedro ay ang kanyang mga personal na karanasan, at nakatamo lamang ng kaunting tao sa paminsan-minsan niyang gawain. Mula sa kanya ay mayroong mga kaunting di-gaanong-kilalang mga liham, nguni’t sino ang nakakaalam kung gaano kadakila ang kanyang pag-ibig sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso? Mula umaga hanggang gabi, gumawa si Pablo para sa Diyos: Hangga’t mayroong gawain na dapat gawin, ginawa niya ito. Naramdaman niya na sa ganitong paraan ay makakayanan niyang makamit ang korona, at makakayanang mapasaya ang Diyos, nguni’t hindi niya hinanap ang mga paraan upang baguhin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga gawa. Ang kahit anong bagay sa buhay ni Pedro na hindi nagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos ay bumabagabag sa kanya. Kung hindi nito natugunan ang kagustuhan ng Diyos, kung gayon makakaramdam siya ng taos na pagsisisi, at maghahanap ng isang angkop na paraan kung paano niya mapagsusumikapan na mapasaya ang puso ng Diyos. Sa kahit na pinakamaliit at pinaka-walang-kabuluhang aspeto ng kanyang buhay, kinailangan niya pa rin sa kanyang sarili na katagpuin ang ninanasa ng Diyos. Ganoon din siya katindi pagdating sa kanyang dating disposisyon, laging mahigpit sa kanyang mga kinakailangan sa kanyang sarili upang umusad nang mas malalim pa sa katotohanan. Hinangad lamang ni Pablo ang mababaw na reputasyon at estado. Hinangad niyang ipagyabang ang kanyang sarili sa harap ng tao, at hindi naghanap na sumulong nang mas malalim sa kanyang pagpasok sa buhay. Ang kanyang pinahalagahan ay ang doktrina, hindi ang pagkatotoo. Ani ng ibang tao, gumawa ng napakaraming gawain si Pablo para sa Diyos, bakit hindi siya ginunita ng Diyos? Gumawa lamang si Pedro ng kakaunting gawain para sa Diyos, at hindi nagbigay ng malaking ambag sa mga iglesia, pero bakit siya ginawang perpekto? Minahal ni Pedro ang Diyos hanggang sa isang tiyak na punto, na siyang kinakailangan ng Diyos; ang mga ganoong klase lamang ng tao ang mayroong testimonya. At ano naman ang kay Pablo? Hanggang saang antas minahal ni Pablo ang Diyos, alam mo ba? Para sa kapakanan ng ano ang gawa ni Pablo? At para sa kapakanan ng ano ang gawa ni Pedro? Hindi masyadong gumawa ng gawain si Pedro, pero alam mo ba kung ano ang nasa kaibuturan ng kanyang puso? Ang gawain ni Pablo ay may kaugnayan sa pagtutustos sa mga iglesia, at sa pagtulong ng mga iglesia. Ang naranasan ni Pedro ay mga pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay; naranasan niya ang pagmamahal ng Diyos. Ngayong alam mo na ang mga pagkakaiba sa kanilang mga katangian, nakikita mo kung sino, sa kahuli-hulihan, ang totoong naniwala sa Diyos, at sino ang hindi tunay na naniwala sa Diyos. Ang isa sa kanila ay totoong nagmahal sa Diyos, at ang isa ay hindi tunay na nagmahal sa Diyos; ang isa ay sumailalim sa mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at ang isa ay hindi; ang isa ay sinamba ng mga tao, at naging dakila sa paningin ng mga tao, at ang isa naman ay mapagpakumbabang naglingkod, at hindi madaling napansin ng mga tao; ang isa ay naghanap ng kabanalan, at ang isa ay hindi, at kahit na hindi siya marumi, hindi siya nag-angkin ng isang busilak na pagmamahal; ang isa ay nag-angkin ng totoong pagkatao, at ang isa ay hindi; ang isa ay nag-angkin ng katinuan ng isang nilalang ng Diyos, at ang isa ay hindi. Ang mga iyon ay ang mga pagkakaiba sa mga substansya nina Pablo at Pedro. Ang landas na tinahak ni Pedro ay ang landas ng tagumpay, na siya ring landas ng pagkakamit ng pagbabawi sa normal na pagkatao at tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Kinakatawan ni Pedro ang lahat niyaong mga matagumpay. Ang landas na tinahak ni Pablo ay ang landas ng kabiguan, at kinakatawan niya ang lahat niyaong nagpapasakop lamang at ginugugol ang kanilang sarili nang paimbabaw, at hindi tunay na nagmamahal sa Diyos. Kinakatawan ni Pablo ang lahat niyaong hindi nag-aangkin ng katotohanan. Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, hinanap ni Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinanap na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Nang wala ni katiting na reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, kung saan wala sa mga nabanggit ang makapagbabago ng kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Ang pagkastigo, paghatol, at kapighatian—may kakayanan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ay ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang pagiging-busilak ng pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha. Ipagpalagay mo na kaya mong gumawa para sa Diyos, nguni’t hindi ka sumusunod sa Diyos, at hindi ninyo kayang tunay na magmahal sa Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang hindi natupad ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, kung hindi maisusumpa pa ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na hindi kayang sumunod sa Diyos, at isang suwail sa Diyos. Pinahahalagahan mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi pinahahalagahan ang pagsasagawa ng katotohanan, o pagkilala sa iyong sarili. Hindi mo naiintindihan o nakikilala ang Lumikha, at hindi sumusunod o nagmamahal sa Lumikha. Ikaw ay taong likas na suwail sa Diyos, at kaya ang mga taong ganoon ay hindi mahal ng Lumikha.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Landas ng Pananalig sa Diyos Ay ang Landas ng Pag-ibig sa Kanya

Ang pananalig sa Diyos ay pagmamahal sa Kanya. Kung nananalig ka, dapat mahalin mo Siya.

Pag-ibig sa Diyos ay ‘di pagsukli lang, ni dahil sa konsensiya, kundi wagas na pag-ibig sa Diyos. Konsiyensya’y di pupukaw ng pag-ibig. Pag nadama mong kaibig-ibig Siya, espiritu mo’y inaantig Niya, konsiyensya mo’y gagana. Pag-ibig na totoo nagmumula sa puso. Diyos ay mamahalin mo pag Siya ay kilala mo.

Pag tao’y inantig ng Diyos, pag puso’y nakaalam, mamahalin nila ang Diyos nang may konsiyensya matapos ‘tong maranasan. Dikta ng konsiyensya ay ‘di mali, ngunit mababaw, biyaya ng Diyos binibigyang-hustisya lang, ngunit di mapipilit pagpasok ng tao. Pag-ibig na totoo nagmumula sa puso. Diyos ay mamahalin mo pag Siya’y kilala mo.

Pag Espiritu’y gumana, at pag-ibig ng Diyos ay nadama, pag Diyos ay kilala nila, tunay nilang mamahalin Siya. Pag nakita nilang Diyos, ay dapat na mahalin, dahil kaibig-ibig Siya, mamahalin nila Siya. Pag-ibig na totoo nagmumula sa puso. Diyos ay mamahalin mo pag Siya’y kilala mo.

Yaong ‘di makaunawa sa Diyos, mamahalin lang ang Diyos ayon sa pagkaunawa’t gusto nila; ‘di taos-puso, ‘di totoo. Pag Diyos ay naunawaan niya, puso’y bumaling na sa Kanya. Pagmamahal sa puso niya, tunay at wagas. Siya lamang ang tao na ang Diyos ay nasa puso. Pag-ibig na totoo nagmumula sa puso. Diyos ay mamahalin mo pag Siya ay kilala mo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon