"Ang Pananalig Ba sa Bibliya ay Pareho ng Pananalig sa Diyos?" Tagalog Testimony Video
Ang pangunahing tauhan, na isang tapat na mananampalataya, ay nag-aasam sa pagdating ng Panginoon. Nalaman niya sa Facebook kalaunan na nagpapatotoo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Gusto niyang siyasatin iyon, pero dahil sinasabi ng pastor niya na ang daang ipinapangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lagpas sa Biblia at na anumang lumalayo sa Biblia ay maling pananampalataya, nag-atubili siya at hindi nangahas na siyasatin iyon. Matapos manalangin, napagtanto niya na ang pagdating ng Panginoon ay hindi isang maliit na bagay at hindi pwedeng sumunod lang siya sa karamihan ng mga tao. Para makita niya mismo, binisita niya ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung saan nakakita siya ng iba't ibang video na nagpapatotoo sa Diyos. Praktikal at nakapagbibigay-liwanag ang pagbabahagi ng Iglesia tungkol sa katotohanan at nilutas noon ang ilang taon na niyang pagkalito at hirap. Natutunan niya rin mula sa mga video na ito na ang Diyos ang Panginoon ng paglikha at may karapatan Siyang lumagpas sa Biblia sa Kanyang gawain, at napagtanto niyang ang pananalig sa Biblia ay hindi pananalig sa Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang pagsisiyasat, nakatiyak siya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya tinanggap niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at sumunod sa mga yapak ng Cordero.