Pag-unawa sa Katotohanan sa Pamamagitan ng Panonood ng Mga Pelikula, Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon (II)
Paghahanap sa Kasagutan
Pinagpatuloy ko ang panood ng pelikula, lamang upang makita ang pagbabahagi ni Kapatid Wang, “Tungkol sa tinalakay nating isyu ngayong araw, magbabasa kami ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: ‘Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa sinundang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito?’ (‘Tungkol sa Biblia (4)’ sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“‘Ang Biblia ay isang makasaysayang aklat, at kung nakain at nainom mo ang Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya—kung naisagawa mo kung ano ang kinailangan sa oras ng Lumang Tipan noong Kapanahunan ng Biyaya—maaaring natanggihan ka ni Jesus, at nakondena ka; kung naipatupad mo ang Lumang Tipan sa gawa ni Jesus, naging isang Fariseo ka sana. … Sa panahon ni Jesus, pinamunuan ni Jesus ang mga Judio at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawa ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Biblia bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Biblia, ni naghanap Siya sa Biblia ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula sa kung saan Siya nagsimula ng gawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—isang salita kung saan lubusang walang nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Biblia, kundi Siya ay namuno rin sa bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman hindi Siya sumangguni sa Biblia kapag Siya ay nangangaral. Sa Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman ang nakagawa ng Kanyang mga himala ng pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Kaya, gayon din, ang Kanyang gawain, ang Kanyang mga turo at ang awtoridad at kapangyarihan ng Kanyang mga salita ay lampas sa sinumang tao noong Kapanahunan ng Kautusan. Basta lang ginawa ni Jesus ang Kanyang mas bagong gawain, at kahit na maraming tao ang kumondena sa Kanya gamit ang Biblia—at ginamit pa nga ang Lumang Tipan para ipako Siya sa krus—ang Kanyang gawain ay nahigitan ang Lumang Tipan; kung hindi, bakit ipinako Siya ng mga tao sa krus? Hindi ba ito dahil sa walang binanggit ang Lumang Tipan sa Kanyang turo, at ang Kanyang kakayahan na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo? Ang Kanyang gawain ay para manguna sa bagong daan, hindi ito para sadyang maghamon ng away laban sa Biblia, o para sadyang iwaksi ang Lumang Tipan. Siya ay basta lang dumating upang gampanan ang Kanyang ministeryo, upang dalhin ang mga bagong gawa sa mga naghahangad at naghahanap sa Kanya. Hindi Siya dumating upang ipaliwanag ang Lumang Tipan o itaguyod ang gawa nito. Ang Kanyang gawa ay hindi para pahintulutan ang Kapanahunan ng Kautusan na magpatuloy sa pagyabong, dahil ang Kanyang gawa ay hindi nagsaalang-alang kung ang Biblia ba ang batayan nito; basta lang dumating si Jesus upang gawin ang gawa na dapat Niyang gawin. … Pagkatapos ng lahat, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung mangingilin Siya sa araw ng Sabbath at magsasagawa ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, kundi sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya sinuway ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia!’” (‘Tungkol sa Biblia (1)’ sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Kalaunan si Kapatid Wang ay nagbigay ng pagbabahagi, nagsasabing, “Naintindihan natin sa mga salita ng Diyos na sa loob ng maraming taon, inihalo natin ang Diyos sa Bibliya. Inakala natin na dapat tayong maniwala sa Bibliya, at ang lahat ng tatalikod ay ’di pudeng tawagin na mananampalataya, maling paniniwala ’yun. Ang totoo, ang Bibliya’y naglalaman lang ng unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ito’y patotoo ng Kanyang dalawang yugto ng gawain ng paggabay at pagtubos pagkatapos Niyang likhain ang langit at lupa, lahat ng bagay, at sangkatauhan. Hindi ito kumakatawan sa gawain ng Diyos para magligtas. Napakalimitado ng mga salita ng Diyos na naitala sa Bibliya! Maliit na bahagi lang ito ng pagpapahayag ng Kanyang disposisyon,at hindi nito kinakatawan ang lahat ng bagay.Ang gawain ng Diyos ay hindi base sa Bibliya, at hindi ito tumutukoy sa Bibliya. at hindi rin Siya humahanap dito ng daan para gabayan ang mga tagasunod Niya. Laging pasulong ang gawain ng ating Diyos. Nagbubukas Siya ng bagong panahon at gumagawa ng bagong gawain. Nagbibigay Siya ng bagong landas para sa sangkatauhan, nagbibigay ng mas mataas na katotohanan at mas dakilang kaligtasan sa’tin! Hindi Niya gagabayan ang tao base sa lumang gawain Niya. Siya rin ay hindi gagawa base sa Bibliya dahil hindi lang siya ang Panginoon ng Sabbath kundi Panginoon din ng Bibliya! May karapatan Siyang lumabas sa panuntunan Nito, at gumawa ng bagong gawain ayon sa plano Niya at pangangailangan ng sangkatauhan! Kaya, ang gawain ng Diyos sa bagong panahon at sa lumang panahon na naitala sa Bibliya, ay hindi maaaring magkatulad. Kaya ang pagsasabi mo na ‘Ang paglihis sa Bibliya ay maling paniniwala’ ay wala talagang katuturan!”
Matapos mapanood ito, nahihiya ako. Naisip ko, “Oo. Ang gawain ng Diyos ay nauna at pagkatapos ay ang Bibliya. Ang Bibliya ay patotoo lamang sa dalawang nakaraang yugto ng gawain ng Diyos. Ang pagbabahagi na ito ay umaayon sa mga katotohanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain na ginawa ng Panginoong Jesus ay naiiba sa gawain na ginawa ni Jehova na Diyos noong panahon ng Lumang Tipan. Hindi ba ito nagsasabi sa atin na ang Diyos ang Panginoon ng nilikha, at may lahat ng karapatan na lumampas sa Bibliya upang maisagawa ang Kanyang gawain? Bakit ang simpleng katanungan na ito ay hindi dumating sa akin noon? Ngayon tila ang paniwala na ‘ang pag-alis mula sa Bibliya ay maling pananampalataya’ ay hindi mapang-hahawakan. Ako ay napaka-tanga at ignorante! Sa nakaraan, bulag akong nakinig sa mga salita ng mga pastor at matatanda, hangal akong sumunod nang walang pagkilatis. Bulag din akong kumapit sa aking sariling mga paniniwala, nilimitahan ko ang Diyos sa Bibliya, at pinalitan ang Diyos ng Bibliya. Bilang isang resulta, halos nawalan ako ng pagkakataon na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon at halos ako ay naging isang Pariseo sa modernong-araw na tumututol sa Diyos. Salamat sa Diyos sa hindi pagtalikod sa akin, at sa pagpapahintulot sa akin na maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan, kaya nagawa kong itapon ang aking mga maling pananaw.”
Pagsunod sa Mga Yapak ng Diyos, Pagtamo ng Suplay ng Buhay na Tubig ng Buhay
Isang araw, pinapanood ko ang pelikula na Lumabas sa Biblia, at ang pagbabahagi ni Kapatid Wang sa pelikula ay humila sa akin. “Walang buhay na walang hanggan sa Bibliya. Mahirap man pero isa itong katotohanang, hindi maitatanggi ng lahat ahil nang sawayin ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, binalaan Niya sila: ‘Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw kayong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay’ (Juan 5:39–40). Sinabi mismo ng Panginoong Jesus na walang buhay na walang hanggan sa Bibliya, at kung gusto nilang makamit ang buhay na walang hanggan gamit ito, mali iyon! Ang Bibliya’y sumasaksi lamang sa Diyos, pero kung gusto nilang makamit ang buhay at katotohanan sa pamamagitan ng Bibliya hindi iyon sapat. Ang pagkakamit ng katotohanan at buhay ay dapat manggaling kay Cristo!”
Matapos marinig ang pagbabahagi na ito, lubos akong nakumbinsi. Naisip ko, “Iyon pala matagal nang panahon na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na ang Bibliya ay hindi naglalaman ng buhay na walang hanggan, ito ay patotoo lamang ng Diyos. Hindi ito mabibigyan ng buhay na walang hanggan sa mga tao. Tanging ang Diyos ang katotohanan, daan, at buhay, at ang Diyos lamang ang makapagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Bakit hindi ako nakakakuha ng pag-iilaw nang mabasa ko ang Bibliya noon?”
Nagpatuloy ako sa panonood at nakita na sinabi ng mangangaral na, “Tingnan ulit natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos! ‘Yamang mayroong mas mataas na paraan, bakit mag-aaral ng mas mababa, makalumang paraan? Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawain, bakit mamumuhay sa gitna ng lumang makasaysayang mga talaan? Ang mga bagong pagbigkas ay maaaring makapaglaan sa inyo, na nagpapatunay na ito ang bagong gawain; ang mga lumang talaan ay hindi magagawang pagsawain ka, o tutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na kasaysayan ang mga ito, at hindi gawain ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na paraan ay ang pinakabagong gawain, at sa bagong gawain, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito pa rin ay kasaysayan ng mga pagninilay ng mga tao, at kahit gaano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito pa rin ay lumang landas. Kahit na ito ay naitala sa ‘banal na aklat,’ ang lumang landas ay kasaysayan; kahit na walang nakatala nito sa ‘banal na aklat,’ ang bagong landas ay ang dito at ngayon. Ang ganitong paraan ang maaaring magligtas sa iyo, at maaari kang mabago ng ganitong paraan, dahil ito ay gawain ng Banal na Espiritu’” (‘Tungkol sa Biblia (1)’ sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Pagkatapos, ay binahagi niya na, “Kahit na ang Kanyang mga gawain sa huling araw ay inihula lang sa Bibliya, at walang aktwal na tala nito, naka-base pa rin ito sa aktwal na pangangailangan ng tao, at ang gawaing ito ay mas pinatayog at pinalalim base sa Bibliya. Tulad na lang ng dumating ang Panginoong Jesus, kahit hindi siya gumawa ng naaayon sa Lumang Tipan, gumawa Siya ayon sa pangangailangan ng sangkatauhan at naaayon sa sariling plano ng Diyos. Natapos Niya ang yugto ng gawain ng pagtubos ayon sa pundasyon ng gawain ng kautusan, ibig sabihin, natapos Niya ang isang bago at matayog na yugto ng gawain sa pundasyon ng Lumang Tipan. Sa yugtong iyon, hindi Niya pinawalang-bisa ang lumang kautusan, kundi pinerpekto ito. Pati na rin sa mga huling araw ngayon, gumagawa ang Diyos ng mas matayog na gawain, sa pundasyon ng pagtubos ng Panginoong Jesus, base sa kung anong pangangailangan ng sangkatauhan, ayon sa plano ng pamamahala ng ating Diyos, bumibigkas ng maraming salita na kayang luminis at magligtas sa sangkatauhan. Isinisiwalat Niya rin ang lahat ng misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos.Ito ang mga bagay na hindi kailanman sinabi ng Diyos sa Panahon ng Kautusan at Biyaya. Ito rin ang balumbon, ang pitong selyo na bubuksan ng Diyos sa huling mga araw.
“Ito ang tutupad sa hula sa Aklat ng Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ (Pahayag 2:7). Nasusulat din ito sa Pahayag 5:1–5: ‘At nakita ko sa kanang kamay Niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.’ Ang mga hulang ito’y umiral matapos makumpleto ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain. Masasabi na, tunay ngang, ito ang mga gawain na ninanais isakatuparan ng Diyos, maging ang gawain ng pagliligtas na gagawin ng Diyos sa mga huling mga araw. Ngayon nagkatawang tao ang Diyos at bumigkas ng mga salita. Ginawa Niya ang yugto ng gawain ng paghatol at paglilinis, at bumigkas ng mga salita na makapagliligtas sa mga tao. Ang mga salitang ito’y wala sa Bibliya, ang lahat ng ito ay hindi roon matatagpuan. Ang mayabong na mga salitang ito ng buhay ang daan ng buhay na bigay ng Diyos sa’tin sa mga huling araw, at ang tanging landas sa ikaliligtas ng tao. Kung tatanggihan natin ito, hindi tayo madidiligan ng buhay na tubig na galing sa buhay ng Diyos, hindi natin kailanman makakamtan ang katotohanan o buhay mula sa Diyos.”
Sa panonood sa pelikula hanggang sa puntong ito, naunawaan ko na kung nais ng isang tao na magkaroon ng buhay, kailangan nilang lumabas sa Bibliya at sundin ang mga yapak ng Diyos. Tanging sa gayon lamang maaaring makakuha ang isa ng buong kaligtasan mula sa Diyos. Naintindihan ko din na ang gawain ng Diyos ay laging sumusulong. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang Diyos na Jehova ay naglabas ng mga batas upang gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa, na tinuturuan ang tao kung paano sambahin ang Diyos; sa Kapanahunan ng Biyaya, personal na nagkatawang-tao ang Diyos, at bilang batayan ang gawain ng kautusan, gumawa Siya ng isang yugto ng gawain ng pagtubos; sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay gumagawa ng gawain ng paghuhukom, ito ay mas bago at mas mataas na gawain na itinaguyod mula sa pundasyon ng gawain ng Diyos sa kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, ay hindi itinanggi ang Bibliya, sa halip, ito ang daan ng buhay na walang hanggan na ipinagkakaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw. Ngayon, Ang Iglesya ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, tanging kung makaka-sabay ako sa bagong gawain ng Diyos na maaari akong makakakuha ng suplay ng buhay na tubig ng buhay. Kung kakapit ako sa Bibliya at hindi makaka-sabay sa bagong gawain ng Diyos, masisira ako sa tag-gutom at tuluyang aalisin ng Diyos.
Kaagad, nakipag-ugnay ako sa mga kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinimulan ang mamuhay ng buhay sa iglesia. Sa pag-iisip sa nakaraan, dahil nalinlang ako ng mga maling mga pananaw na naipasok sa akin ng mga pastor at matatanda, nilimitahan ko ang mga salita at gawain ng Diyos sa Bibliya, na iniisip na ang pag-alis mula sa Bibliya ay maling pananampalataya. Nang narinig ko ang mga kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapa-totoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, hindi lamang na hindi ako nagsiyasat, pati na bulag akong nakinig sa mga salita ng mga pastor at matatanda, nangunyapit sa aking mga paniwala, tumanggi na tanggapin ang gawain ng Diyos at naging isang taong naniniwala sa Diyos habang sumasalungat sa Kanya. Gaano katanga at kabulag ako! Ang patnubay ng Diyos ang nagpapahintulot sa akin na marinig ang Kanyang tinig sa pamamagitan ng panonood ng mga pelikula ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at pinahintulutan akong maunawaan ang katotohanan, maisantabi ang aking mga paniwala, at masalubong ang pagpapakita ng Panginoon. Ito ang lahat ng biyaya at pagpapala ng Diyos. Salamat sa Diyos sa pagpapakita sa akin ng awa at pagligtas sa akin! Amen!