Ang pamumuhay sa pahinga'y nangangahulugan ng isang buhay na walang digmaan,
walang dumi, walang namamalaging kawalan ng katuwiran,
wala nang mga paggambala ni Satanas,
wala nang mga katiwalian ni Satanas,
kung saan ang Diyos ay walang oposisyon,
kung saan lahat ay nasa tamang posisyon
upang sumamba sa Panginoon ng sangnilikha,
kung saan ang langit at lupa ay ganap na payapa.
Ito'ng ibig sabihin ng buhay sa kapahingahan, oh, buhay sa kapahingahan.
I
'Pag namamahinga ang Diyos, ang mundo'y wala nang kasamaan,
pati mga kaaway na sumasalakay;
tao'y papasok sa bagong kaharian,
na hindi nagawang tiwali ni Satanas,
kundi sa halip isang sangkatauhan na ligtas sa katiwalian.
Ang araw ng pahinga ng sangkatauhan ay magiging kapareha ng sa Diyos,
na nawala Niya dahil ang sangkatauhan
ay 'di makapasok sa kapahingahan.
Ang pagpasok sa pahinga'y 'di nangangahulugan
ng pagtigil ng lahat ng paggalaw o lahat ng pag-unlad.
Hindi ibig sabihin na tumitigil ang Diyos sa paggawa.
Hindi ibig sabihin humihinto buhay ng mga tao.
Pahinga'y magsisimula kapag nawasak na si Satanas,
at ang lahat ng sumali sa paggawa nito ng masama
ay naparusahan na at napawi na,
at wala nang kaaway ang Diyos.
Ang pamumuhay sa pahinga'y nangangahulugan ng isang buhay na walang digmaan,
walang dumi, walang namamalaging kawalan ng katuwiran,
wala nang mga paggambala ni Satanas,
wala nang mga katiwalian ni Satanas,
kung saan ang Diyos ay walang oposisyon,
kung saan lahat ay nasa tamang posisyon
upang sumamba sa Panginoon ng sangnilikha,
kung saan ang langit at lupa ay ganap na payapa.
Ito'ng ibig sabihin ng buhay sa kapahingahan, oh, buhay sa kapahingahan.
II
Ang pagpasok ng Diyos sa pahinga'y mangangahulugang natapos na Niya
ang pagliligtas Niya sa sangkatauhan.
Kapag tao'y pumapasok sa pahinga,
lahat mamumuhay sa liwanag ng Diyos,
pinagpala, normal ang pamumuhay, at wala na sa kamay ni Satanas.
'Pag ang Diyos at tao'y nagsisimula nang magkasamang magpahinga,
ibig sabihin sangkatauha'y naligtas na,
at si Satanas ay nawasak na,
at kumpleto na ang gawain ng Diyos,
at wala na sa kamay ni Satanas ang sangkatauhan.
Hindi na magiging abala ang Diyos,
ang mga tao'y 'di na magiging aligaga;
ang Diyos at mga tao'y magkasabay na papasok sa kapahingahan.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin