I
Diyos ay naging tao na sa panahong 'to
upang tapusin ang gawain Niyang 'di natapos,
hatulan at tapusin ang panahong 'to,
makasalana'y iligtas sa mundo ng kirot
at lubos silang baguhin.
Maraming gabing walang tulog ang Diyos para sa gawain ng tao.
Sa taas hanggang sa kalaliman, Siya'y bumaba na
sa impyernong buhay upang makasama ang tao.
Nanlilimahid na mundo'y wala Siyang reklamo,
'di sinisisi'ng pagsuway ng tao,
bagkus kahihiya'y Kanyang tinitiis habang ginagawa Niya ang gawain.
II
Pa'no'ng Diyos ay ginugol ang buhay sa impyerno?
Ngunit upang tao'y agad makapahinga,
tinitiis na Niya'ng kahihiya't kawalang-katarungan
nang maparito sa lupa't pumasok sa "impyerno,"
para maligtas ang tao.
Ano'ng nagkwakwalipika sa taong labanan ang Diyos?
Pa'no nakakareklamo'ng tao laban sa Kanya?
O may tapang na tumingin sa Diyos?
Diyos na galing sa langit ay dumating na sa maruming lupain,
'di kailan nagbubulalas ng mga hinaing o nagrereklamo tungkol sa tao.
III
Tahimik Niyang tinatanggap ang pang-aapi't pang-aabuso ng tao,
'di kailan tumutol sa hinihingi ng tao
o humingi ng mga 'di makatwirang bagay;
walang reklamo Niyang ginagawa'ng kailangan ng tao.
Alin sa mga hakbang Niya'ng 'di para sa tao?
Siya'y nagbibigay-liwanag, nagpipino sa salita;
nang-aaliw, naghahatol at naghahayag.
Kahit naalis na Niya'ng kapalaran ng tao,
lahat ay para sa pananatiling buhay ng tao,
at para sa paglaya niya sa hirap at sa kadiliman.
Sino'ng inuunawa ang puso ng Diyos,
na tulad ng sa isang inang mapagmahal?
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin