Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paghatol sa mga Huling Araw | Sipi 92

428 2020-11-09

Ang gawain ng panlulupig na ginawa sa inyong mga tao ang may pinakamalalim na kabuluhan: Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing perpekto ang isang grupo ng mga tao, ibig sabihin, upang gawin silang perpekto, para maging isang grupo sila ng mga mananagumpay—bilang unang grupo ng mga tao na nagawang ganap, ibig sabihin ay mga unang bunga. Sa kabilang banda, ito ay upang hayaang matamasa ng mga nilalang ang pagmamahal ng Diyos, matanggap ang lubos at pinakadakilang pagliligtas ng Diyos, at matamasa hindi lamang ang awa at mapagmahal na kabaitan ng Diyos, kundi ang mas mahalaga ay ang pagkastigo at paghatol. Mula nang likhain ang mundo hanggang ngayon, lahat ng nagawa ng Diyos sa Kanyang gawain ay pagmamahal, na walang anumang pagkapoot sa tao. Kahit ang pagkastigo at paghatol na nakita mo ay pagmamahal din, isang mas totoo at mas tunay na pagmamahal, isang pagmamahal na umaakay sa mga tao patungo sa tamang landas ng buhay ng tao. Sa isa pang banda, iyon ay upang magpatotoo sa harap ni Satanas. At sa isang banda pa rin, iyon ay upang magtatag ng isang pundasyon para sa pagpapalaganap ng gawain ng ebanghelyo sa hinaharap. Lahat ng gawaing Kanyang nagawa ay para sa layunin ng pag-akay sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang mabuhay bilang normal na mga tao, sapagkat hindi alam ng mga tao kung paano mamuhay, at kung wala ang ganitong pag-akay, magiging hungkag ang iyong buhay; mawawalan ng halaga o kabuluhan ang iyong buhay, at lubos kang mawawalan ng kakayahang maging normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao. Lahat kayo ay mga inapo ni Moab; kapag isinagawa sa inyo ang gawain ng panlulupig, dakilang pagliligtas iyan. Lahat kayo ay naninirahan sa isang lupain ng kasalanan at kahalayan, at lahat kayo ay mahalay at makasalanan. Ngayon ay hindi lamang ninyo nakikita ang Diyos, kundi ang mas mahalaga, natanggap ninyo ang pagkastigo at paghatol, natanggap ninyo ang tunay na malalim na pagliligtas, ibig sabihin, natanggap ninyo ang pinakadakilang pagmamahal ng Diyos. Sa lahat ng Kanyang ginagawa, totoong mapagmahal ang Diyos sa inyo. Wala Siyang masamang layon. Dahil sa inyong mga kasalanan kaya Niya kayo hinahatulan, upang suriin ninyo ang inyong sarili at tanggapin ang napakalaking pagliligtas na ito. Lahat ng ito ay ginagawa para gawing ganap ang tao. Mula simula hanggang wakas, ginagawa na ng Diyos ang Kanyang buong makakaya upang iligtas ang tao, at wala Siyang hangaring ganap na wasakin sa Kanyang sariling mga kamay ang mga taong Kanyang nilikha. Ngayon, naparito Siya sa inyo upang gumawa, at hindi ba mas dakila pa ang pagliligtas na ito? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawa pa ba Siya ng gayon kalaking gawain upang personal kayong gabayan? Bakit Niya kailangang magdusa nang gayon? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o wala Siyang anumang masamang layon sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang pagmamahal ng Diyos ang pinakatotoong pagmamahal. Dahil lamang sa suwail ang mga tao kaya Niya sila kailangang iligtas sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi dahil dito, imposible silang mailigtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay at ni wala kayong malay kung paano mabuhay, at dahil kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lupaing ito at kayo mismo ay mahalay at maruming mga diyablo, hindi Niya matiis na hayaan kayong maging mas masama, hindi Niya matiis na makita kayong nabubuhay sa maruming lupaing ito tulad ngayon, na tinatapak-tapakan ni Satanas kung kailan nito gusto, at hindi Niya matiis na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lamang Niyang maangkin ang grupong ito ng mga tao at lubusan kayong iligtas. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawain ng panlulupig sa inyo—para lamang ito sa pagliligtas. Kung hindi mo makita na lahat ng ginawa sa iyo ay pagmamahal at pagliligtas, kung iniisip mo na isa lamang itong pamamaraan, isang paraan upang pahirapan ang tao, at isang bagay na hindi mapagkakatiwalaan, mas mabuti pang bumalik ka na sa iyong mundo upang magdanas ng pasakit at paghihirap! Kung handa kang mapasama sa daloy na ito, at masiyahan sa paghatol na ito at sa napakalawak na pagliligtas na ito, at matamasa ang lahat ng pagpapalang ito, mga pagpapalang hindi matatagpuan saanman sa mundo ng tao, at matamasa ang pagmamahal na ito, mabuti kung gayon: Mamalagi sa daloy na ito para tanggapin ang gawain ng panlulupig upang magawa kang perpekto. Ngayon, maaaring nagdaranas ka ng kaunting pasakit at pagpipino dahil sa paghatol ng Diyos, ngunit may halaga at kabuluhan ang pagdanas ng pasakit na ito. Bagama’t pinipino at walang-awang inilalantad ang mga tao sa pagkastigo at paghatol ng Diyos—na ang layon ay parusahan sila para sa kanilang mga kasalanan, parusahan ang kanilang laman—wala sa gawaing ito ang nilayong isumpa ang kanilang laman hanggang sa mawasak. Ang matitinding pagsisiwalat ng salita ay para lahat sa layunin na akayin ka sa tamang landas. Personal na ninyong naranasan ang napakarami sa gawaing ito at, malinaw, hindi kayo naakay nito sa isang masamang landas! Lahat ay upang maisabuhay mo ang normal na pagkatao, at magagawa ang lahat ng ito ng iyong normal na pagkatao. Bawat hakbang ng gawain ng Diyos ay batay sa iyong mga pangangailangan, ayon sa iyong mga kahinaan, at ayon sa iyong aktwal na tayog, at walang pasaning ibinigay sa inyo na hindi ninyo kakayanin. Hindi ito malinaw sa iyo ngayon, at pakiramdam mo ay parang pinahihirapan kita, at totoong palagi kang naniniwala na kaya kita kinakastigo, hinahatulan at pinagagalitan araw-araw ay dahil kinamumuhian kita. Ngunit kahit ang dinaranas mo ay pagkastigo at paghatol, ang totoo ay pagmamahal ito sa iyo, at ito ang pinakamalaking proteksyon. Kung hindi mo maunawaan ang mas malalim na kahulugan ng gawaing ito, imposibleng magpatuloy ka pa sa iyong nararanasan. Ang pagliligtas na ito ay dapat maghatid sa iyo ng ginhawa. Huwag kang tumangging patinuin ang iyong pag-iisip. Dahil malayo na ang iyong narating, dapat mong malinawan ang kahalagahan ng gawain ng panlulupig, at wala ka na dapat mga opinyon tungkol dito sa anumang paraan!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 4

Mag-iwan ng Tugon