Lahat ng dumarating sa mundong ito ay kailangang magdaan sa buhay at kamatayan, at karamihan sa kanila ay nagdaan na sa paulit-ulit na kamatayan at muling pagsilang. Yaong mga nabubuhay ay malapit nang mamatay, at ang patay ay malapit nang magbalik. Lahat ng ito ay ang landas ng buhay na isinaayos ng Diyos para sa bawat buhay na nilalang. Ngunit ang landas at siklong ito ay ang katotohanan na mismong nais ng Diyos na makita ng tao: na ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay walang hanggan, hindi mapipigilan ng katawan, panahon, o kalawakan. Ito ang hiwaga ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, at patunay na ang buhay ay nagmula sa Kanya. Bagama’t maaaring maraming hindi naniniwala na ang buhay ay nagmula sa Diyos, hindi maiiwasan na tamasahin ng tao ang lahat ng nagmumula sa Diyos, naniniwala man sila o hindi sa Kanyang pag-iral. Kung sakaling dumating ang araw na biglang magbago ang puso ng Diyos at naisin Niyang bawiin ang lahat ng umiiral sa mundo at ang buhay na naibigay Niya, mawawala na ang lahat. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para tustusan ang lahat ng bagay, kapwa buhay at walang buhay, na dinadala ang lahat sa magandang kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay isang katotohanan na walang makakaisip o makakaunawa, at ang mga katotohanang hindi maunawaan ang siya mismong pagpapakita, at katibayan, ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayo’y may lihim Akong sasabihin sa iyo: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay di-maarok ng sinumang nilalang. Gayon ito ngayon, tulad noon, at magkakagayon pagdating ng panahon. Ang pangalawang lihim na sasabihin Ko ay ito: Ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng nilikha ay ang Diyos, gaano man ang kanilang pagkakaiba sa anyo o kayarian; ano mang uri ka ng buhay na nilalang, hindi ka maaaring sumalungat sa landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Gayunman, ang nais Ko lang ay maunawaan ito ng tao: Kung walang pangangalaga, pag-iingat, at panustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, gaano man katindi ang kanyang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay at ng diwa ng kahulugan ng buhay. Paano matutulutan ng Diyos na sayangin ng tao ang halaga ng Kanyang buhay, na walang inaalala? At tulad ng nasabi Ko dati: Huwag kalimutan na ang Diyos ang pinagmumulan ng iyong buhay. Kapag nabigo ang tao na itangi ang lahat ng naipagkaloob ng Diyos, hindi lamang babawiin ng Diyos ang ibinigay Niya sa simula, kundi ay pagbabayarin Niya ang tao nang doble ng halaga ng lahat ng naibigay Niya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao
Ang Buhay ng Lahat ng Nilalang na Nilikha ay Nagmumula sa Diyos
I
Ang buhay na 'pinagkaloob ng Diyos sa tao'y walang hanggan, 'di napipigilan ng katawan, panahon, o kalawakan. Gan'to ang misteryo ng buhay na 'pinagkaloob ng Diyos sa tao, at patunay na ang buhay ay mula sa Kanya. Kahit marami man ang 'di naniniwala na nagmula sa Diyos ang buhay, tao'y 'di naiiwasang tamasahin ang lahat ng mula sa Diyos, naniniwala man sila o hindi sa pag-iral Niya. Kung may biglaang pagbabago ng puso ang Diyos at hilinging mabawi ang lahat ng umiiral sa mundo at bawiin ang buhay na Kanyang ibinigay na, samakatuwid mawawala na'ng lahat, samakatuwid mawawala na'ng lahat.
II
Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay upang tustusan ang lahat ng bagay, kapwa may buhay at wala, dinadala'ng lahat sa mabuting kaayusan sa bisa ng kapangyarihan at awtoridad Niya. Ito'ng katotohanang hindi kayang maisip o maunawaan ng sinuman, at ito'ng mga 'di kayang maunawaang katotohana'y mismong pagpapakita at testamento sa puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayon may sikretong gustong sabihin sa'yo ang Diyos: Ang kadakilaan ng buhay ng Diyos at ang kapangyarihan ng buhay Niya'y 'di maarok ng sinumang nilalang. Gayon ito ngayon, katulad noon, at magkakagayon pagdating ng panahon.
III
Ito ang pangalawang lihim na dapat ipabatid ng Diyos: Ang pinagmulan ng buhay para sa mga nilikha'y mula sa Diyos, ga'no man ang pagkakaiba nila sa anyo o kayarian; anumang uri ng buhay na nilalang ka, 'di ka maaaring sumalungat sa landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Gayunman, ang nais lang ng Diyos ay maunawaan ito ng tao: Kung walang pangangalaga, pag-iingat, at panustos ng Diyos, tao'y 'di makatatanggap ng lahat ng dapat niyang matanggap, ga'no man ang pagsisikap o pagpupunyagi niya. Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay, kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay, at ng diwa ng kahulugan ng buhay. Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay, kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay, at ng diwa ng kahulugan ng buhay.
IV
Gayunman, ang nais lang ng Diyos ay maunawaan ito ng tao: Kung walang pangangalaga, pag-iingat, at panustos ng Diyos, tao'y 'di makatatanggap ng lahat ng dapat niyang matanggap, ga'no man ang pagsisikap o pagpupunyagi niya. Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay, kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay, at ng diwa ng kahulugan ng buhay, at ng diwa ng kahulugan ng buhay.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin