"Ang Paggising ng Isang Alipin ng Salapi" Tagalog Christian Testimony Video
Sa mundo ngayon, ang mga kasabihan na tulad ng "Una ang pera," at "Pera ang nagpapaikot sa mundo," ay pinaniniwalaan bilang pangkalahatang mga katotohanan at mga alituntuning dapat sundin. Sa video na ito, talagang pinaniniwalaan ng tapagsalaysay na si Chen Min ang mga ito. Para kumita ng pera at yumaman, araw-gabi siyang nagpapakahirap sa iba't ibang trabaho, pinapagod ang kanyang katawan at sinisira ang kanyang kalusugan. Kahit noong siya ay ma-diagnose na may kanser, hindi siya tumigil sa pagpupumilit kumita ng pera, sa halip ay nagpatuloy sya sa pagtatrabaho habang nagpapagamot. Makalipas ang mga taon, nakamit na niya sa wakas ang pangarap niyang maging mayaman, magkaroon ng bahay at sasakyan, at makuha ang respeto at paghanga ng mga nakapaligid sa kanya. Pero sa proseso, ang kanyang katawan ay napinsala ng sakit at kapaguran, na dahilan ng kanyang palagiang paghihirap. Matapos niyang sumampalataya sa Diyos at mabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natauhan na siya sa wakas at napagtanto na ang pera ay isa lang patibong na ginagamit ni Satanas para gawing tiwali at lasunin ang sangkatauhan. Natutuhan niya na ang paghahabol sa pera ay hindi tamang landas, at na ang tanging paraan para magkaroon ng kabuluhan ang buhay ng tao ay hanapin ang katotohanan at gawin ang tungkulin ng isang nilikha. Sa sandaling maayos ang kanyang mga pananaw sa kung ano ang dapat niyang hangarin sa buhay, ang kanyang kalusugan ay milagrong bumuti, at ang kanyang buhay ay nagsimulang magbago…