Menu

Susunod

Tagalog Christian Testimony Video | "Paano Dapat Pahalagahan ng Isang tao ang Kanyang Tungkulin"

12,089 2020-06-01

Tagalog Christian Testimony Video | "Paano Dapat Pahalagahan ng Isang tao ang Kanyang Tungkulin"

Sinasabi nila na "Daig ng mautak ang malakas," at ang pagsisikap na mamukod-tangi at tingalain ang hangad ng karamihan. Ang pangunahing tauhan sa video na ito ay hindi naiiba. Isang dating estudyante sa kolehiyo, matapos siyang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, lagi niyang hinangad na gumawa ng tungkulin sa iglesia na nagtutulot sa kanya na mamukod-tangi at hangaan nang lubos ng iba. Kapag binibigyan siya ng mga tungkuling hindi kapansin-pansin, naiinis siya at nagiging negatibo, pakiramdam niya ay nasisira ang kanyang katayuan at magandang reputasyon, at hindi siya makasunod at makapagpasakop. Paano niya nakita ang ugat ng kanyang paghihirap sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos? At paano niya natanto na mali ang kanyang mga pananaw tungkol sa paghahangad, at mapayapang natanggap ang bawat tungkuling itinalaga sa kanya? Kung madalas na nakikita mo ang iyong sarili na di makawala sa ganitong uri ng paghihirap, panoorin ang pagsasalaysay ng pangunahing tauhan tungkol sa kanyang mga karanasan at alamin kung paano niya ito napagtagumpayan.

Mag-iwan ng Tugon