10 Mga Kanta ng Panalangin sa Umaga upang Mapalapit Ka sa Diyos
Ang panalangin sa umaga ay tumutulong sa atin na patahimikin ang ating mga puso sa harap ng Diyos, tunay na makipag-usap sa Diyos, at makamit ang kaliwanagan at patnubay ng Diyos. Ang mga napiling 10 awit ng panalangin sa umaga ay makakatulong sa atin na makapasok sa tunay na mga panalangin at bumuo ng isang normal na relasyon sa Diyos.
- Quick Navigation
- Ibinibigay ng Diyos sa Tao ang Kailangan Nila Ayon sa Kanilang mga Pagsamo
- Dalanging Tunay
- Paano Pumasok sa Tunay na Pagdarasal
- Ang Kahulugan ng Dasal
- Ang Epekto ng Dalanging Tunay
- Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos
- Sana Maantig Muli ng Diyos ang Ating mga Espiritu
- Dapat Mong Tiyakin na Patahimikin ang Puso Mo sa Harap ng Diyos
- Pagtahimik sa Harap ng Diyos
- Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik ng Iyong Puso sa Harap ng Diyos
1. Tagalog Gospel Song | "Ibinibigay ng Diyos sa Tao ang Kailangan Nila Ayon sa Kanilang mga Pagsamo"
I
Matapos likhain ng Diyos ang tao,
pinagkalooban Niya sila ng mga espiritu,
at sinabi sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Kanya,
sila'y malalayo sa Kanyang Espiritu,
at ang “makalangit na pagsasahimpapawid”
ay hindi matatanggap sa lupa.
Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,
ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.
Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila,
pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila.
Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,
at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas
para maglaro ayon sa gusto nito.
II
'Pag wala ang Diyos sa espiritu ng tao,
isang bakanteng upuan ang naiiwan.
Sinasamantala ni Satanas na pumasok.
Ngunit kapag nakipag-ugnayan sila sa Diyos sa kanilang puso,
si Satanas ay natataranta at nagmamadaling tumakas.
Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,
ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.
Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila,
pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila.
Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,
at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas
para maglaro ayon sa gusto nito.
III
Kung tao'y laging nakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos,
'di mangangahas si Satanas na humadlang.
Kung wala ang paghadlang ni Satanas,
ang mga tao'y mamumuhay nang normal,
at makakikilos ang Diyos sa kanila
nang walang anumang sagabal.
Sa ganitong paraan, ang nais gawin ng Diyos
ay makakamit sa pamamagitan ng sangkatauhan.
Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,
ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.
Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila,
pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila.
Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,
at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas
para maglaro ayon sa gusto nito.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
2. Tagalog Christian Song With Lyrics | "Dalanging Tunay"
Ang dalanging tunay ay mula sa puso.
Ito ay batay sa kalooban at salita ng Diyos.
Pakiramdam mo'y napakalapit mo sa Kanya,
at tila Siya ay kaharap mo.
Ibig sabihin nito'y marami kang masasabi sa Diyos,
puso mo'y umaalab na parang araw,
ika'y napupukaw ng kariktan ng Diyos,
ang mga nakakarinig ay naluluguran.
Ang dalanging tunay ay magdadala ng kapayapaa't kagalakan,
ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas,
ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama;
at lahat ito'y magiging patunay na dalangin mo'y tunay.
Ang dalanging tunay ay walang pormalidad
at di lang pagbibigkas.
Ito ay hindi panggagaya ng iba.
Sambitin mo ang nasa iyong puso at nang pukawin ka ng Diyos.
Upang maging mabisa ang mga dalangin mo,
salita ng Diyos ay dapat mong basahin.
Makikita lamang ang kaliwanagan
kung salita Niya'y batayan ng dalangin.
Dalanging tunay ay napapakita ng pusong
nagnanais ng nais ng Diyos,
kagustuhang ito'y mangyari, at pagkamuhi sa mga ayaw Niya.
At batay sa alam mo,
malinaw lahat ang katotohanang sinasabi ng Diyos,
may matibay na pananampalataya
at paraan upang ito’y isabuhay.
Ito lamang ang dalanging tunay.
Oo, ito lamang ang dalanging tunay.
Ang dalanging tunay ay magdadala ng kapayapaa't kagalakan,
ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas,
ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama;
at lahat ito'y magiging patunay na dalangin mo'y tunay.
Oo, ang mga dalangin mo ay tunay.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
3. Tagalog Christian Song With Lyrics | "Paano Pumasok sa Tunay na Pagdarasal"
I
Sa pagdarasal kailangan mong pumayapa,
at maging tapat.
Sa Diyos tunay na makipagniig.
'Wag Siyang lokohin sa magandang salita.
Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos.
At sa paligid na inayos para sa 'yo,
sarili'y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan.
Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos,
at magiging mapagmahal ka,
mapagmahal sa Diyos,
magiging mapagmahal ka sa Diyos.
II
Pagdarasal isentro sa matatapos Niya ngayon.
Hilinging mas malinawan ka,
dalhin problema mo sa Kanya
at iparating ang iyong pasiya.
Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos.
At sa paligid na inayos para sa 'yo,
sarili'y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan.
Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos,
at magiging mapagmahal ka,
mapagmahal sa Diyos,
magiging mapagmahal ka sa Diyos.
III
Pagdarasal di para sumunod sa proseso
kundi hanapin ang Diyos.
Hilinging puso mo'y ingatan Niya.
Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos.
At sa paligid na inayos para sa 'yo,
sarili'y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan.
Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos,
at magiging mapagmahal ka,
mapagmahal sa Diyos,
magiging mapagmahal ka sa Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
4. Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal"
I
Ang panalangin ay isa sa mga paraan
kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,
upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag.
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag.
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
II
Kaya ang mga hindi nananalangin ay patay na walang espiritu.
Hindi sila maaaring maantig ng Diyos,
hindi masusunod ang gawain ng Diyos.
Ang mga taong hindi nananalangin
ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay,
may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan.
Ang mga taong hindi nananalangin
ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay,
may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan.
III
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
5. Ang Epekto ng Dalanging Tunay
I
Lumakad nang may katapatan,
at manalangin na mawala
ang malalim na panlilinlang sa 'yong puso.
Manalangin, para malinis ang sarili;
manalangin, para maantig ng Diyos.
Kung gayon, ang disposisyon mo'y magbabago.
Ang disposisyon ng tao'y nagbabago habang sila'y nananalangin.
Mas kumikilos ang Espiritu, mas susunod sila,
mas magiging aktibo sila.
At ang puso nila'y dahan-dahang dadalisay
dahil sa dalanging tunay.
II
Ang tunay na espiritwal na buhay ay buhay ng panalangin,
sang buhay na may pag-antig ng Diyos.
Pag inantig ka ng Diyos,
'yon ang paraan para ka magbago
at maaaring magbago ang 'yong disposisyon.
Ang disposisyon ng tao'y nagbabago habang sila'y nananalangin.
Mas kumikilos ang Espiritu, mas susunod sila,
mas magiging aktibo sila.
At ang puso nila'y dahan-dahang dadalisay
dahil sa dalanging tunay.
III
Kung ang isang buhay ay walang pag-antig ng Espiritu,
ang buhay ay walang iba kundi isang relihiyon lamang.
Ngunit 'pag nabigyan ng liwanag ng Diyos,
laging naaantig Niya,
mamumuhay ka ng isang espiritwal na buhay.
Ang disposisyon ng tao'y nagbabago habang sila'y nananalangin.
Mas kumikilos ang Espiritu, mas susunod sila,
mas magiging aktibo sila.
At ang puso nila'y dahan-dahang dadalisay
dahil sa dalanging tunay,
dadalisay dahil sa dalanging tunay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
6. Tagalog Christian Song | "Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos"
I
Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono,
inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos
ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,
na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon.
Nawa'y bigyang liwanag ng Diyos ang mga nagbabantay
at naghihintay na makita ang pagdating ng Manunubos.
Nawa'y kumawala ang sangkatauhan
sa gapos ng kanilang paniniwala,
sa ganoo'y hanapin nila at suriin ang tunay na daan.
Ang lahat ng mga pinili ng Diyos
nawa'y sumunod sa mga yapak ng Kordero.
Nawa'y makamtan ng sangkatauhan ang pagtustos
ng salita ng Diyos ng hindi na mauhaw ang kanilang espiritu.
Nawa'y matutunan ng sangkatauhan
na magkaroon ng pagkaunawa
at nang hindi na malinlang ng mga kasinungalingan ni Satanas.
Nawa'y patnubayan tayo ng Diyos upang maipangaral
ang ebanghelyo at magpatotoo sa Kanya.
Nawa'y palaging kasama ng Diyos ang Kanyang bayan,
panatilihin tayong nabubuhay sa Kanyang pagmamahal.
II
Nawa'y bigyang liwanag tayo ng Diyos,
nang maunawaan natin ang Kanyang salita
at malaman ang Kanyang kalooban.
Nawa'y pakamahalin ng mga tao
ang salita ng Diyos at isabuhay ito.
Nawa'y lagi tayong hatulan at disiplinahin ng Diyos,
nang matapat nating matupad ang ating tungkulin.
Nawa'y bigyan pa tayo ng Diyos ng mas maraming pagsubok,
nang ang ating mga disposisyon ay magbago.
Nawa'y malaman ng lahat ng tao ang mabuti sa masama,
isagawa ang katotohanan at sundin ang Diyos.
Nawa'y parusahan ng Diyos ang mga gumagawa ng masama,
upang maging payapa ang buhay sa iglesia.
Nawa'y perpektuhin ng Diyos ang mas maraming tao
upang maging kaisa ng Kanyang puso
at kaisa ng Kanyang isipan.
Nawa'y lahat ng tao ay mag-alay ng tunay
na pagmamahal sa kaibig-ibig na Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos ang lahat ng nagbabalik sa Kanya,
upang lahat tayo ay mabuhay sa liwanag.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
7. Tagalog Christian Song With Lyrics | "Sana Maantig Muli ng Diyos ang Ating mga Espiritu"
I
O Diyos! Sana ang Iyong Espiritu ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa mundo,
upang ang aking puso ay lubos na bumaling sa Iyo, upang maantig ang aking espiritu,
at maaari kong makita ang Iyong kagandahan sa aking espiritu at sa aking puso,
at silang nasa mundo ay maaaring makita ang Iyong ganda.
O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu.
Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan at hindi ito kailanman magbabago.
O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, o Diyos.
Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan.
at hindi ito kailanman magbabago, o Diyos!
II
Ang unang ginagawa ng Diyos ay subukin ang ating mga puso.
Aantigin Niya ang ating mga espiritu kapag ibinubuhos natin ang ating mga puso sa Kanya.
Tanging sa espiritu natin maaaring makita na ang Diyos ay dakila,
Siya ay napakaganda at kataas-taasan.
Ito ang landas ng Espiritu sa tao.
O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu.
Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan at hindi ito kailanman magbabago.
O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, o Diyos.
Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan at hindi ito kailanman magbabago.
O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu.
Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan at hindi ito kailanman magbabago.
O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, o Diyos.
Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan
at hindi ito kailanman magbabago, o Diyos, o Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
8. Tagalog Christian Song | "Dapat Mong Tiyakin na Patahimikin ang Puso Mo sa Harap ng Diyos"
I
Ang pusong tunay na tahimik sa harap ng Diyos
ay di magagambala ng anuman sa mundo,
kahit ng tao, pangyayari o bagay;
maging tahimik sa harap ng Diyos.
Lahat ng negatibo'y nawawala,
ito ma’y pagkaintindi o masamang isip, pilosopiya, maling ugnayan sa tao;
pumayapa sa harap ng Diyos.
Tumahimik sa harap Niya, namnamin ang Kanyang salita,
umawit ng himno at purihin ang Kanyang pangalan.
Bigyan mo Siya ng pagkakataong gumawa sa'yo;
gusto Niya'y maperpekto ka.
Sumunod sa gabay ng Banal na Espiritu
at mamuhay sa harap ng Diyos, sa gayon mabibigyang-kaluguran mo Siya.
Maging tahimik sa harap Niya.
II
Yamang ikaw ay laging nagninilay sa salita ng Diyos,
ang iyong puso'y lumalapit sa Kanya,
pinupuno ka nito ng lahat ng Kanyang tunay na salita.
Ang mga positibong bagay ay hindi nagbibigay ng puwang para sa mga lumang pag-iisip at ginagawa.
Huwag ng magtuon ng pansin sa negatibo;
hindi na kailangang magpakahirap at kontrolin ang mga ito.
Mamuhay sa Kanyang salita at mas makipagtalastasan sa Kanya.
Maliwanagan at pagliwanagin ka ng Kanyang Espiritu.
Habang ito'y iyong ginagawa,
ang iyong paniwala at pagmamataas ay mawawala.
At malalaman mo kung paano ibigay ang lahat,
magmahal at bigyang-kaluguran ang Diyos,
hindi namamalayang nakakalimutan ang lahat ng bagay na labas sa Kanya.
III
Tumahimik sa harap Niya, namnamin ang Kanyang mga salita,
umawit ng himno at purihin ang Kanyang pangalan.
Bigyan mo Siya ng pagkakataong gumawa sa'yo;
gusto Niya'y maperpekto ka.
Ang gusto Niya'y mapasa-Kanya ang 'yong puso;
inaantig ng Kanyang Espiritu ang iyong puso.
Sumunod sa gabay ng Banal na Espiritu
at mamuhay sa harap ng Diyos, sa gayon mabibigyang-kaluguran mo Siya.
Maging tahimik sa harap Niya.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
9. Tagalog Christian Song With Lyrics | "Pagtahimik sa Harap ng Diyos"
I
Pag kausap ang iba o naglalakad,
sinasabi mo, "Malapit ang puso ko sa Diyos.
Di ako nakatuon sa mga panlabas na bagay."
Kaya tahimik ka sa harap ng Diyos.
Huwag makipag-ugnayan sa mga bagay
na humihikayat sa'yong puso sa labas.
Huwag makipag-ugnayan sa mga tao
na nagpapalayo sa'yong puso sa Diyos.
Kung 'di Diyos ang hahabulin mo,
walang pagkakataong magawang perpekto.
Silang nakakarinig ngayon ng salita N'ya
pero di matahimik sa presensya N'ya,
sila'y 'di nagmamahal sa katotohanan,
sila'y 'di nagmamahal sa Diyos.
Kung 'di mo iniaalay ang sarili mo ngayon,
kailan mo iaaalay ang lahat-lahat mo?
Bitawan anumang umaagaw ng pansin mo
mula sa pagiging malapit sa Diyos, o lumayo rito.
Mas mabuti 'yan para sa'yo.
Gawa ng Banal na Espiritu'y dakila,
Diyos Mismo'ng nagpeperpekto sa tao ngayon.
Kung 'di mo kayang tumahimik sa harap ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos.
II
Ang payapain ang puso sa harap ng Diyos
ay tunay na pag-aalay.
Silang tunay na nag-aalay ng puso nila
magagawang ganap ng Diyos.
Di natitinag, napakitunguhan man o napungos,
naharap sa siphayo o kabiguan,
ang puso mo'y dapat pa ring manatiling,
laging tahimik sa harap ng Diyos.
Bitawan anumang umaagaw ng pansin mo
mula sa pagiging malapit sa Diyos, o lumayo rito.
Mas mabuti 'yan para sa'yo.
Gawa ng Banal na Espiritu'y dakila,
Diyos Mismo'ng nagpeperpekto sa tao ngayon.
Kung 'di mo kayang tumahimik sa harap ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos.
III
Paanuman ang pagtrato ng tao sa'yo,
patahimikin puso mo sa harap ng Diyos.
Sa lahat ng kapaligirang hinaharap mo,
pag-uusig o pagdurusa,
anumang pagsubok ang hinaharap mo,
patahimikin puso mo sa harap ng Diyos.
Para magawang perpekto, ito ang paraan.
Para magawang perpekto, ito ang paraan.
Bitawan anumang umaagaw ng pansin mo
mula sa pagiging malapit sa Diyos, o lumayo rito.
Mas mabuti 'yan para sa'yo.
Gawa ng Banal na Espiritu'y dakila,
Diyos Mismo'ng nagpeperpekto sa tao ngayon.
Kung 'di mo kayang tumahimik sa harap ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos,
di ka nakabalik sa trono ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
10. Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik ng Iyong Puso sa Harap ng Diyos
Ⅰ
Upang tanggapin ang salita ng Diyos,
dapat ka munang tumahimik sa harap Niya.
Kapag tahimik ka lang,
ika'y liliwanagan N'ya, sayo'y ipapaunawa.
Mas tahimik ang tao sa harap ng Diyos,
mas maraming kaliwanagan ang nakakamtan.
Tao'y dapat may kabanala't pananalig—
ang tanging daan sa kasakdalan.
Tanging 'pag tunay kang tahimik
sa harap ng Diyos
ay mauunawaan mo'ng salita N'ya ngayon,
at tamang maisagawa'ng kaliwanagan ng Espiritu,
kayang maunawaan ang layunin ng Diyos,
na may malinaw na direksyon sa paglilingkod,
unawain ang pagkilos at paggabay
ng Banal na Espiritu,
kayang mamuhay
sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu.
Ito'ng mga bunga ng pagiging tahimik
sa harap ng Diyos.
Ⅱ
Ang susi sa espirituwal na buhay
ay ang maging tahimik sa harap ng Diyos.
Lahat ng pagsasanay ay magiging mabisa,
kung ika'y lalapit nang tahimik sa Kanya.
Kung 'di tahimik ang puso mo
sa harap ng Diyos,
ay 'di mo matatanggap
ang gawain ng Banal na Espiritu.
Tanging 'pag tunay kang tahimik
sa harap ng Diyos
ay mauunawaan mo'ng salita N'ya ngayon,
at tamang maisagawa'ng kaliwanagan ng Espiritu,
kayang maunawaan ang layunin ng Diyos,
na may malinaw na direksyon sa paglilingkod,
unawain ang pagkilos at paggabay
ng Banal na Espiritu,
kayang mamuhay
sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu.
Ito'ng mga bunga ng pagiging tahimik
sa harap ng Diyos.
Ⅲ
Kapag sa tao'y di malinaw ang salita ng Diyos,
walang pagsasagawa't
'di maunawaan ang layunin ng Diyos,
at 'pag tao'y walang prinsipyo ng pagsasagawa,
ito'y dahil puso nila'y
'di tahimik sa harap ng Diyos.
Tanging 'pag tunay kang tahimik sa harap ng Diyos
ay mauunawaan mo'ng salita N'ya ngayon,
at tamang maisagawa'ng kaliwanagan ng Espiritu,
kayang maunawaan ang layunin ng Diyos,
na may malinaw na direksyon sa paglilingkod,
unawain ang pagkilos
at paggabay ng Banal na Espiritu,
kayang mamuhay
sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu.
Ito'ng mga bunga ng pagiging tahimik
sa harap ng Diyos.
Ang layunin ng pagiging tahimik
ay upang maging masigasig at makatotohanan,
maging malinaw tungkol
sa salita ng Diyos at sa huli,
maunawaan ang katotohanan
at makilala ang Diyos.
Hango sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao