I
Mundo ng tao'y madilim
kung walang Diyos sa puso niya;
walang pag-asa sa kanyang hungkag na buhay.
Nais panatilihin ang pagsulong ng tao,
ngunit kung Diyos ay wala, tao'y hungkag pa rin.
Walang maaaring maging buhay ng tao,
walang teorya, siyensiya,
kaalamang magpapakalma sa kanya.
Tao'y magkakasala't dadaing sa kaapihan.
'Di nito pinipigil pagnanasa niyang magsiyasat.
Kailangan ng tao'y higit sa patas na lipunan
kung sa'n busog lahat at malaya.
Ang kaligtasa't probisyon ng buhay mula sa Diyos,
ito ang mga kailangan ng tao.
'Pag tanggapin lang ng tao'ng mga 'to mula sa Diyos
pangangailangan niya'y masisiyahan;
ang nais niyang magsiyasat at kahungkagang espirituwal,
ito'y maaaring malutas.
II
Lahat ng 'to ay dahil gawa ang tao ng Diyos.
Sakripisyong walang saysay, pagsisiyasat
dala'y pagkabalisa, palagiang pagkatakot.
'Di alam pa'no harapin ang bukas o ang landas,
takot sa siyensiya't kaalaman at kahungkagan.
Nakatira man sa bansang malaya o hindi,
walang makakatakas sa tadhana ng tao.
'Di nila matatakasan ang pagnanasang
destinasyo'y siyasatin, hiwaga ng tao,
at 'di makalayo sa malalim na kahungkagan.
Pangyayaring 'to'y karaniwan, nguni't
walang makalutas sa problema ng tao.
Pagka't tao'y tao, at buhay at posisyon
ng Diyos 'di mapapalitan ninuman.
Kung ang tao'y 'di tumatanggap ng pagliligtas ng Diyos,
nagtutungo sila sa dilim,
at sila'y lilipulin ng Diyos.
Kailangan ng tao'y higit sa patas na lipunan
kung sa'n busog lahat at malaya.
Ang kaligtasa't probisyon ng buhay mula sa Diyos,
ito ang mga kailangan ng tao.
'Pag tanggapin lang ng tao'ng mga 'to mula sa Diyos
pangangailangan niya'y masisiyahan;
ang nais niyang magsiyasat at kahungkagang espirituwal,
ito'y maaaring malutas.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin