Mateo 5:6 Paliwanag: Ikaw ba ay Isang Tao na Nagugutom at Nauuhaw sa Katuwiran?
Bible Verse of the Day Tagalog
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin”.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin” (Mateo 5:6). Bakit pinagpapala ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran? Paano sila mabubusog? Ano ang kaugnayan ng pananabik sa katuwiran at ng ating pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon? Ang mga tanong na ito ay nararapat pag-isipan at maranasan nang malalim. Basahin ang banal na kasulatan ngayon upang makakuha ng mga bagong kaalaman.
Ito ay isang malalim na kasulatan na nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagpapala ng Diyos sa mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran. Ang pananabik sa katuwiran ay sumasalamin ng pagkauhaw sa katarungan, paghahangad ng katotohanan, at umaayon sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang pagpapakita ng pananabik ng kaluluwa para sa salita ng Diyos at isang paghahangad ng espirituwal na buhay. Ang mga taong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran ay hindi nabubuhay sa isang kalagayan ng sariling kasiyahan; madalas nilang nararamdaman ang kakulangan sa pag-unawa sa Diyos. Bilang resulta, mapagpakumbabang hinahanap nila ang katotohanan, hinahanap ang puso ng Diyos, at nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan. Sa paghahangad na ito, ang kanilang mga puso ay puno ng pagpapakumbaba at pananabik. Ang gayong mga indibiduwal ay maaaring tumanggap ng mga pagpapala at patnubay ng Diyos. Ito ay tulad ng sabi ng Diyos, “Lahat ng nasa harapan Ko na taimtim na naghahanap sa Akin, na may mga pusong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran—liliwanagan Kita, maghahayag Ako sa iyo, tutulutan Kitang makita Ako ng iyong sariling mga mata at maunawaan ang Aking kalooban nang personal; tiyak na ihahayag sa iyo ang Aking puso, upang maunawaan mo”. Itinala ng Bibliya na si Pedro ay isang taong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran. Madalas siyang nakikinig sa mga turo ng Panginoong Jesus at natagpuan ang katotohanan at buhay sa Kanyang mga salita. Nakatanggap siya ng espirituwal na pampalusog at nakatagpo ng kasiyahan sa kanyang kaluluwa. Kaya naman masasabi niyang, “Panginoon, kanino kami magsisiparoon? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan” (Juan 6:68). Sa kabilang banda, ang mga Hudyong Pariseo, mga punong saserdote, at mga eskriba, sa kabila ng kanilang pagiging pamilyar sa Kasulatan at madalas na pagpapaliwanag tungkol dito, ay hindi mga taong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran. Hindi nila hinahanap ang katotohanan o ang kalooban ng Diyos; sa halip, nakatuon lamang sila sa kaalaman sa Bibliya, mga teolohikal na teorya, at sa kanilang mga panlabas na gawa upang ipakita ang kanilang mga sarili at makuha ang paghanga ng iba. Kaya naman, nang marinig nila ang mga turo ng Panginoong Jesus, hindi nila nagpakumbabang hanapin ang katotohanan. Hindi lamang sila nabigo na makilala ang tinig ng Diyos, kundi nilalabanan din nila at kinondena ang Panginoong Jesus, na sinasabing, “Nagsalita Siya ng kapusungan: ano pa ang kailangan natin ng mga saksi? narito, ngayo'y narinig ninyo ang kapusungan” (Mateo 26:65). Sa pagbubulay-bulay sa mga halimbawang ito, dapat nating suriin ang ating mga sarili: Tayo ba ay mga taong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran?
Tayo ay kasalukuyang nasa huling yugto ng mga huling araw, isang mahalagang sandali para salubungin ang ikalawang pagparito ng Panginoon. Ang pagkagutom at pagkauhaw sa katuwiran ay pinakamahalaga para sa atin sa pagsalubong sa Panginoon. Maraming tao ang nagpapatotoo ngayon na ang Panginoon ay nagbalik na at nagpahayag ng maraming katotohanan upang gabayan ang mga tao sa lahat ng katotohanan, na umaakay sa kanila sa ganap na kaligtasan at makapasok sa kaharian sa langit. Tinutupad nito ang mga salita ni Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12-13). Yaong mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sa pamamagitan ng mapagpakumbabang paghahanap sa gawain ng nagbalik na Panginoon at pakikinig sa Kanyang mga salita, ay narinig ang tinig ng Diyos at tinanggap ang Panginoon at kumakaing kasama Siya. Gayunpaman, ang ilang tao ay hindi mapagpakumbabang naghahanap o nagsisiyasat sa mga salita at gawain ng nagbalik na Panginoon, at sa halip ay nilalabanan at kinukondena Siya. Iniisip nila na ang kanilang malawak na kaalaman sa Bibliya at ang kanilang kakayahang ipaliwanag ito sa iba ay nagpapasaya sa kanilang sarili. Naniniwala sila sa kanilang sarili na sila ang mga taong nakakuha ng pagsang-ayon ng Diyos, na may lugar sa kaharian ng langit, at pinaka-karapat-dapat na sumalubong sa Panginoon. Ang iba ay nagtitiwala sa mga pastor at nakatatanda lamang, masunurin lamang sa kanilang mga salita, nang hindi naghahangad na marinig ang mga salita ng nagbalik na Panginoon. Ang mga taong ito ba ay tunay na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran? Matatanggap ba nila ang pagsang-ayon ng Diyos at magagawa nilang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Ang mga tanong na ito ay nararapat na pagnilayan nang malalim.
Mga kaibigan, nawa'y panghawakan nating mabuti ang magandang pangakong ito ng Panginoong Jesus, “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin” (Mateo 5:6).
Gawin natin ang pangakong ito bilang layunin ng ating buhay. Nawa'y linangin natin ang isang pusong nananabik sa katuwiran at patuloy na naghahanap ng katotohanan mula sa Diyos nang may pagpapakumbaba, nakikinig nang mabuti sa Kanyang tinig. Sa mahalagang sandali na ito ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, maging mga tao tayong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, upang magtagumpay tayong muling makasama ang Panginoon at makapanirahan magpakailanman sa Kanyang presensya.
Kung talagang ninanais niyong maging isang taong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran at mapagpakumbabang naghahangad na makinig sa tinig ng Diyos, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng online chat window sa ibaba ng aming website. Ikalulugod naming ibahagi ang salita ng Diyos at makipag-usap sa inyo online.