Beatitudes in Tagalog
Ang mga turo ng Panginoon tungkol sa mga Pinagpala ay nakatala sa Mateo 5:1–12. Sa katunayan, ito ang lahat ng Kanyang mga inaasahan at kinakailangan para sa atin at ang paraan ng pagsasagawa para matanggap natin ang mga pangako ng Diyos. Nakamit mo na ba ang mga pagpapalang ito? Ang mga sumusunod na talata sa Bibliya at ang mga inirerekomendang video ay magsasabi sa iyo kung paano isabuhay ang mga salita ng Panginoon sa totoong buhay at matamo ang Kanyang pagpapala.
Kaugnay na mga Talata sa Biblia:
Mateo 5:3
Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit.
Mateo 5:4
Mapapalad ang nangahahapis: sapagka’t sila’y aaliwin.
Mateo 5:5
Mapapalad ang maaamo: sapagka’t mamanahin nila ang lupa.
Mateo 5:6
Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin.
Mateo 5:7
Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka’t sila’y kahahabagan.
Mateo 5:8
Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Diyos.
Mateo 5:9
Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka’t sila’y tatawaging mga anak ng Diyos.
Mateo 5:10
Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit.
Mateo 5:11–12
Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka’t malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka’t gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
Inirerekomenda: