Alam Mo ba ang Misteryo sa Likod ng Pangalan ng Diyos?
Ang pangalan ng Diyos ay Jehova, gaya ng nakatala sa Lumang Tipan, “Ako, sa makatuwid baga’y ako, Jehova; at liban sa akin ay walang tagapagligtas” (Isaias 43:11). “Ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15). Gayunman, nakatala sa Bagong Tipan, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). Mula sa mga bersikulo na ito, makikita na parehong mga pangalan ng Diyos ang Jehova at Jesus. Tinawag na Jehova ang Diyos sa Lumang Tipan, ngunit tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Ano ang kahulugan ng Kanyang mga pangalan? Talakayin natin ang aspetong ito ng katotohanan nang magkakasama.
Minsan kong nabasa ang isang sipi sa isang aklat, na nagbigay sa akin ng kaunawaan tungkol sa kahulugan ng pangalang Jehova. Sinasabi ng sipi, “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. … Ibig sabihin, si Jehova lamang ang Diyos ng mga taong hinirang sa Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao sa Israel. Kaya nga, sa kasalukuyang kapanahunan, lahat ng Israelita, maliban sa mga Judio, ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar at naglilingkod sa Kanya sa templo na suot ang balabal ng mga saserdote. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. … Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan at ito ang pamimitagan na ipinantawag ng mga tao ng Israel sa Diyos na kanilang sinamba” (“Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’”).
Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos ang pangalang Jehova base sa Kanyang gawain ng pagpapahayag ng mga batas at sa disposisyon na ipinahayag Niya. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na may pangalang Jehova. Pinahayag niya ang mga batas at kautusan sa pamamagitan ni Moises at opisyal na pinangunahan ang buhay ng pagbubuhat ng sangkatauhan sa mundo. Hiningi niya sa mga tao na mahigpit na sumunod sa mga batas at matutong sumamba sa Kanya, at parangalan Siya bilang dakila. Ang mga pagpapala at biyaya ay susunod sa sinuman na nagtaguyod ng batas; sinuman na lumabag sa batas ay babatuhin hanggang sa mamatay o susunugin sa pamamagitan ng apoy sa langit. Ang pangalang Jehova ay kumakatawan sa ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan sa panahon na iyon: Ang disposisyon ng kamahalan, galit, sumpa at awa. Ito ang dahilan kaya pinagtibay at ginawa iyon ng mga Israelita na nanirahan sa ilalim ng kautusan ni Jehova bilang banal. Lahat sila ay sinamba ang Diyos na Jehova, nanalangin sa Kanya, pinuri Siya, at naghandog ng mga sakripisyo sa Kanya sa altar. Nanirahan sila sa ilalim ng paggabay ni Jehova sa loob ng ilang libong taon, hanggang sa natapos ang Kapanahunan ng Kautusan.
Kung ganoon ay bakit naging Jesus ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya? Anong ibig sabihin ng pangalan na Jesus? Tungkol sa mga tanong na ito, malinaw na sinasabi sa sipi sa aklat na, “Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. … Si Jesus lamang ang Manunubos ng sangkatauhan, at Siya ang handog dahil sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at ipinahihiwatig ang Kapanahunan ng Biyaya” (“Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’”).
At sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil lalong nagiging masama at makasalanan ang sangkatauhan, imposible para sa kanila na patuloy na pagtibayin ang kautusan. Bilang resulta, sila ay patuloy na nanganib na parusahan dahil sa paglabag sa batas. Samakatuwid, upang iligtas ang sangkatauhan, ang Diyos ay personal na nagkatawang-tao sa lupa upang gawin ang gawain ng pagtubos. Inumpisahan niya ang Kapanahunan ng Biyaya gamit ang pangalang Jesus at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, nagdadala sa sangkatauhan ng mayaman at saganang biyaya, nagpapahayag ng disposisyon ng awa at pag-ibig, at pagtubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Ang ibig sabihin ng pangalang Jesus ay: puno ng pag-ibig, puno ng awa, at handog na kasalanan na kayang tubusin ang sangkatauhan. Kaya, sa Kapanahunan ng Biyaya, hangga’t nagdadasal, nangungumpisal at nagsisisi tayo sa ngalan ng Panginoon, kung ganoon ay mapapagaling ang ating mga sakit at mapapatawad ang ating mga kasalanan, at matapos nating tanggapin ang pangalan ng Panginoong Jesus, mararamdaman natin ang presensiya ng Panginoon, makakaramdam ng kapayapaan at kaligayahan sa ating mga espiritu, at tatamasahin ang masaganang pagpapala at biyaya ng Diyos. Ang pangalang Jesus ay para lamang sa Kapanahunan ng Biyaya. Kumakatawan ito sa gawain ng Diyos at sa disposisyon na ipinahayag Niya sa Kapanahunan ng Biyaya.
Tanging sa pamamagitan lamang ng pagbabalik-tanaw sa dalawang naunang yugto ng gawain ng Diyos natin mapagtatanto na ang Diyos ay gumagawa ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang kapanahunan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at na ang pangalang ginagamit Niya sa bawa’t kapanahunan ay mayroong sariling kinikilalang kinatawan—parehong kinakatawan ang Kanyang gawain at ang disposisyon na inihahayag Niya habang nasa kapanahunang iyon. Inuumpisahan ng Diyos ang bagong kapanahunan at pinapalitan ang kapanahunan sa pamamagitan ng Kanyang pangalan. Ibig sabihin, sa tuwing magbabago ang kapanahunan at kapag nagbago ang Kanyang gawain, babaguhin ng Diyos ang Kanyang pangalan. Iyon ang dahilan kung bakit ang pangalan ng Diyos ay nagbago sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa puntong ito, maaaring tanungin ito ng ilang kapatid: “Dahil nagbago ang pangalan ng Diyos, bakit sinasabi sa Biblia na ‘Ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi’?”
May ilang mga salita sa aklat na malinaw na ibinibigay sa atin ang sagot sa tanong na ito: “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay hindi nagbabago. Ito ay tama, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nagbabagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling salita, ang Diyos ay palaging magiging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi nagbabago ang Diyos magpakailanman, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, magagawa ba Niyang akayin ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit nagawa na Niya ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay hindi tumitigil sa pagsulong, na ang ibig sabihin ay unti-unti Niyang ibinubunyag sa tao ang Kanyang disposisyon, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at sadyang walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya. Dahil dito, ginagamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit ang pagkilos sa ganitong pamamaraan ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito ang kaso kung saan ang disposisyon ng Diyos ay patuloy na nagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil sa ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkakaiba, ang Kanyang likas na disposisyon, sa kabuuan nito, ay unti-unti Niyang ibinubunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos o kaya ay unti-unting nagbago ang Kanyang disposisyon sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganoong pagkaunawa ay hindi tama. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas at partikular na disposisyon—kung ano Siya—ayon sa paglipas ng mga kapanahunan; ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos. At dahil dito, ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi nagbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya. Anupaman, hindi mo maaaring ibatay ang anim na libong taong gawain sa iisang punto, o limitahan ito gamit ang mga patay na salita. Ganito ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi kasingpayak ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatagal sa isang kapanahunan lamang. Ang pangalang Jehova, halimbawa, ay hindi maaaring laging kumatawan sa pangalan ng Diyos; maaari ding gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa pangalan na Jesus. Isa itong tanda na ang gawain ng Diyos ay laging kumikilos nang pasulong” (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)”).
Ang mga salitang ito ay hinahayaan tayong malaman na ang mga salitang “magpakailan man” at “sa lahat ng mga lahi” sa Biblia ay tinutukoy ang disposisyon at diwa ng Diyos, at hindi tinutukoy ang pangalan ng Diyos. Lumutang ang mga pangalan ng Diyos dahil sa Kanyang plano ng pamamahala sa pagliligtas sa sangkatauhan: ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan gamit ang pangalang Jehova, at inumpisahan Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya gamit ang pangalang Jesus. Ngunit kahit paano pa nagbabago ang kapanahunan at paano nagbabago ang pangalan ng Diyos, ang diwa ng Diyos ay hindi kailanman magbabago, at ang Diyos ay laging Diyos, na hindi maipagkakaila. Noong panahong nagkatawang-tao muli ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ang mga Fariseo ay nagmatigas na kumapit sa mga salitang, “Tanging si Jehova ang Diyos; bukod kay Jehova ay walang Tagapagligtas,” dahil hindi nila nakilala na si Jesus ang matagal na nilang hinihintay na Mesiyas. Hindi nila sinaliksik ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ngunit, sa kabaligtaran, galit na galit nilang nilabanan at hinatulan Siya, at nakipagsabwatan pa sa gobyero ng Romano upang ipako Siya, gumagawa ng napakalaking kasalanan. Bilang resulta, tinanggap nila ang sumpa ng Diyos, nagdadala ng 2000 taong pagsupil sa buong Israel. Nararapat talagang pag-isipan ng husto ang kanilang kabiguan! Sinasabi sa Biblia, “Hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka’t ang titik ay pumapatay, datapuwa’t ang espiritu ay nagbibigay ng buhay” (2 Corinto 3:6). Kaya kung hindi natin magagawang intindihin ng tama ang mga Kasulatan, ngunit naiintindihan lamang ang kanilang literal na kahulugan, kung ang mga naniniwala kay Jehova ay pinagtitibay ang pangalang Jehova habambuhay, at ang mga naniniwala sa Panginoong Jesus ay pinagtitibay ang pangalang Jesus habambuhay, at kung hindi natin maintindihan ang kahulugan ng paggamit ng Diyos ng Kanyang pangalan upang baguhin ang kapanahunan, magagawa natin ang pagkakamaling katulad ng sa mga Fariseo—ikinukulong ang ating mga sarili sa lumang gawain ng Diyos, bulag na hinahatulan ang bagong gawain ng Diyos, at dahilan upang hindi makita ang bagong gawain ng Diyos at maiiwang pagsisisi lamang ang mayroon.
Ngayon ay ang mga huling araw at ang pinakamahalagang oras para sa pagtanggap sa pagdating ng Panginoon. Ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya na Siya ay darating muli, kung ganoon ay tatawagin pa rin kayang Jesus ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik? Hinuhulaan sa Aklat ng Pahayag na, “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). Malinaw na isinasaad ng taludtod na ito na magkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos. Ang isang bagong pangalan ay siguradong hindi pa nagamit noon, kaya iyon tinawag na bagong pangalan. Kaya babaguhin ba ng Diyos ang kanyang pangalan kapag nagbalik Siya, at hindi na Niya gagamitin ang Jesus? Sinasabi ng Pahayag 1:8, “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.” At sinasabi ng Pahayag 11:16-17, “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.” Maliban sa mga taludtod na ito, sa Pahayag, maraming iba pang mga taludtod ang nagbanggit ng pangalang “ang Makapangyarihan.” Ayon sa mga propesiyang ito, malaki ang posibilidad na tatawaging ang Makapangyarihan ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik. Kapag nagbago muli ang pangalan ng Diyos, sa paanong paraan natin lalapitan ang bagong pangalan ng Diyos at paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon?