Menu

Natupad Na Ang Mga Propesiya ng Bagong Pangalan ng Diyos sa Pahayag

Tala ng Patnugot:

Pagdating sa kung ang Panginoon ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik, maaaring sinasabi mo: “Nakatala sa Biblia: ‘Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man’ (Mga Hebreo 13:8). ‘At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas’ (Mga Gawa 4:12). Ipinapakita nito na ang Panginoong Jesus ay tatawagin pa ring Panginoong Jesus at ang Kanyang pangalan ay hindi magbabago.”

Napagnilayan mo ba kung bakit ang pangalang Jehova ay naging Jesus kung ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago? Yamang ang Panginoong Jesus ay kumuha ng isang bagong pangalan noong Siya ay gumawa, kung gayon hindi ba Siya maaaring magkaroon ng isang bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw? Sa katunayan, ang Aklat ng Pahayag ay matagal nang ipinropesiya na ang Panginoong Jesus ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik. Hindi lamang natin napansin ito. Halina’t ifellowship natin at tuklasin ang usaping ito sa ibaba.

Ang Aklat ng Pahayag ay Ipinopropesiya Na Ang Panginoong Jesus ay Magkakaroon ng Isang Bagong Pangalan Sa Kanyang Pagbabalik

Bagong Pangalan ng Diyos

Malinaw na ipinropesiya ng Pahayag na ang Panginoong Jesus ay magkakaroon ng isang bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik. Halimbawa, sinasabi nito sa Pahayag 3:12: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.” “Ang Aking Sariling Bagong Pangalan” na binanggit dito ay nangangahulugan na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoong Jesus sa Kayang pagbabalik sa mga huling araw. Yamang ito’y bagong pangalan, hindi na Siya maaaring tawaging Jesus muli—ito ay tiyak. Pinatutunayan nito na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay magbabago sa Kanyang pagbabalik.

Marahil ang ilang mga tao ay sasabihin: “Yamang ang Panginoong Jesus ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik, kung gayon paano natin uunawain ang talatang ito sa Biblia: ‘Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man’ (Mga Hebreo 13:8)?” Kung nais nating maunawaan ang katanungang ito, tingnan muna natin kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay hindi nagbabago. Ito ay tama, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nagbabagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling salita, ang Diyos ay palaging magiging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi nagbabago ang Diyos magpakailanman, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, magagawa ba Niyang akayin ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit nagawa na Niya ang gawain sa dalawang kapanahunan? … Ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi nagbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya. Anupaman, hindi mo maaaring ibatay ang anim na libong taong gawain sa iisang punto, o limitahan ito gamit ang mga patay na salita. Ganito ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi kasingpayak ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatagal sa isang kapanahunan lamang. Ang pangalang Jehova, halimbawa, ay hindi maaaring laging kumatawan sa pangalan ng Diyos; maaari ding gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa pangalan na Jesus. Isa itong tanda na ang gawain ng Diyos ay laging kumikilos nang pasulong.

Mula sa sipi na ito, maiintindihan natin na ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi nagbabago” ay tumutukoy sa Kanyang hindi nababagong disposisyon, Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at hindi nangangahulugang ang Kanyang pangalan ay hindi nagbabago. Bagaman ang Diyos ay nagsasagawa ng iba’t ibang mga gawain at gumamit ng iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang kapanahunan sa buong panahon ng Kanyang pagliligtas ng sangkatauhan, kahit tinawag man ang Diyos na Jehova, Jesus, o ang bagong pangalan sa mga huling araw na ipinropesiya sa Pahayag, ang diwa ng Diyos ay hindi nagbabago at ang Diyos ay magpakailanman na iisang Diyos—hindi ito magbabago. Ito’y dahil ang gawain ng Diyos ay laging sumusulong at umuunlad at ang Kanyang pangalan ay nagbabago nang naaayon, sapagkat Siya ay palaging nagbabago at laging bago. Gumagamit ang Diyos ng iba’t ibang mga pangalan upang kumatawan at ilarawan ang iba’t ibang kapanahunan. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos ang pangalang Jehova. Ang lahat ng mga tao ay nagtaglay ng pangalan ni Jehova bilang banal at kumapit lamang sa pangalang ito hanggang sa natapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Nang dumating ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos sa ilalim ng pangalan ni Jesus, itinatag ang Kapanahunan ng Biyaya at tinatapos ang Kapanahunan ng Kautusan, ang pangalang Jehova ay hindi na nabanggit. Ang bawat isa ay nagsimulang igalang ang pangalang Jesus bilang banal at tanging sa pamamagitan ng pagdarasal sa pangalan ng Panginoong Jesus ay maaaring makamit ng mga tao ang kaligtasan ng Diyos. Gayunpaman, ang mga Fariseo noon na lumaban sa Panginoong Jesus ay nabigong maunawaan na ang pangalan ng Diyos ay nagbago sa pagbabago ng mga kapanahunan at pagbabago ng gawain ng Diyos, at kumapit sila sa pangalang Jehova. Nang binago ng Diyos ang Kanyang pangalan at ginamit ang pangalang Jesus upang gampanan ang Kanyang gawain, hindi sila naghanap at nag-imbestiga bagkus sadyang hinusgahan, kinondena at nilapastangan ang Panginoong Jesus. At ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus at sa gayon ay isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Gayundin, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magkakaroon Siya ng bagong pangalan. Tungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, samakatuwid, dapat tayong maging maingat at magkaroon ng isang pusong mapagpakumbabang naghahanap. Napakahalaga nito.

Ang Aklat ng Pahayag ay Malinaw na Ipinopropesiya Kung Ano ang Magiging Bagong Pangalan ng Panginoong Jesus sa Pagbabalik Niya

Ngayon alam natin na ang Panginoong Jesus ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, kaya ano ang Kanyang bagong pangalan? Sa totoo lang, naipropesiya ito sa Pahayag noon.

Sinasabi sa Aklat ng Pahayag: “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat(Pahayag 1:8). “At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat(Pahayag 19:6). “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios, ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari(Pahayag 11:16–17). Bukod sa mga talatang ito, ang Pahayag 4:8, 15:3, 16:7, 16:14, 19:6, 21:22 at marami pang ibang mga propesiya sa Biblia ay lahat binabanggit ang “Makapangyarihan.” Ipinapakita nito na gagamitin ng Panginoon ang pangalang Makapangyarihan upang magsimula ng isang bagong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan. Hangga’t tinatanggap natin ang bagong pangalan ng Diyos, sa gayon sinasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.

Ang Panginoong Jesus ay Bumalik Na May Isang Bagong Pangalan

Sa ngayon, sa buong mundo, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang ang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik at ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng katotohanan ng milyun-milyong salita at gumagawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. At ang pangalang Makapangyarihang Diyos ay tinutupad lamang ang mga propesiya sa Pahayag. Basahin natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ako nga ang inyong matibay na tore, Ako nga ang inyong kanlungan, Ako nga ang inyong sandigan, at higit pa Ako nga ang inyong Makapangyarihang Isa, at Ako nga ang inyong lahat-lahat! Lahat ay nasa Aking mga kamay, at lahat ay nasa inyo ring mga kamay. Hindi lamang ngayon, kundi kahapon, at kahit bukas!

Bagama’t ang Jehova, Jesus, at Mesiyas ay kumakatawang lahat sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba’t ibang kapanahunan ng Aking plano ng pamamahala, at hindi Ako kinakatawan sa Aking kabuuan. Ang mga pangalang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maipaliwanag nang malinaw ang Aking buong disposisyon at ang Aking kabuuan. Iba’t ibang pangalan lamang ang mga iyon na itinatawag sa Akin sa iba’t ibang kapanahunan. Kaya nga, kapag ang huling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay sumapit, magbabagong muli ang Aking pangalan. Hindi Ako tatawaging Jehova, o Jesus, lalo nang hindi Mesiyas—tatawagin Akong ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito ay wawakasan Ko ang buong kapanahunan. Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan.

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan. Maaari nating makita mula sa mga salitang ito na kung Siya man ay tinatawag na Jehova, Jesus, o ang Mesiyas, palagi Siyang ang Diyos Mismo, at na ito ay magkakaibang mga pangalan lamang na kinukuha Niya sa iba’t ibang kapanahunan. Ang Diyos ay gumagamit ng iba’t ibang pangalan sa bawat kapanahunan sapagkat walang pangalan ang maaaring kumatawan sa Kanyang kabuuan. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, kinuha ng Diyos ang pangalang Jehova at ang pangalang ito ay kumatawan sa disposisyon na ipinahayag Niya sa Kapanahunan ng Kautusan, na kamahalan, poot at awa. Ang pangalang Jehova ay kumakatawan lamang sa gawaing ginawa ng Diyos at sa Kanyang disposisyon na ipinakita Niya sa Kapanahunan ng Kautusan. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay naging mas tiwali at walang kakayahang sundin ang mga batas at utos ng Diyos, kaya’t naharap silang lahat sa panganib na mahatulan at mapatay ng batas. Pagkatapos, ang Diyos, sa ilalim ng pangalan ni Jesus, ay sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ipinahayag Niya ang disposisyon ng awa at pag-ibig, na nagbibigay ng masaganang pagpapala sa sangkatauhan. Dinala Niya sa Kanya ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan at kinumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos. Ang pangalang Panginoong Jesus ay kumakatawan lamang sa disposisyon at gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya.

Sa mga huling araw, ang lahat ng tao ay nabubuhay sa isang buhay ng pagkakasala at pagkukumpisal, hindi makatakas, at gaano man tayo magsikap, hindi natin maiwaksi ang mga gapos at kadena ng kasalanan. Kaya't ginagamit ng Diyos ang pangalang Makapangyarihang Diyos upang simulan ang Kapanahunan ng Kaharian at wakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Makapangyarihang Diyos, sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Ito ay upang ipaalam sa atin ang ating sariling kalikasan at diwa sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, malinaw na makikita ang katotohanan ng kung gaano tayo kalubhang nagawang tiwali ni Satanas, malaman ang ugat ng ating katiwalian, at kilalanin ang matuwid na disposiyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot sa anumang pagkakasala. Ang mga salita ng Diyos ay itinuturo din ang isang landas at direksyon upang tayo ay malinis sa ating mga kasalanan upang tayo ay ganap na makatakas sa pagkaalipin ng kasalanan at makamit ang buong kaligtasan. At ganap na tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pedro 4:17).

Sa mga huling araw, nilalayon ng Diyos na gawin ang gawain ng paghatol, paglilinis, pagtatalaga ng bawat isa sa kani-kanilang uri at gantimpalaan ang mabuti habang parurusahan ang kasamaan, upang lubusang mailigtas ang tiwaling tao mula sa kasalanan at wakasan ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng pagliligtas sa tao. Ito ang dahilan kung bakit sa mga huling araw, ihahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa tao sa Kanyang matuwid, maringal, at poot na disposisyon na hindi kumukunsinti ng pagkakasala; at gawin ang Kanyang likas na disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano Siya na bukas sa lahat, at ipapahayag Niya ang katotohanan upang hatulan at dalisayin ang tao. Lahat ng mga yaong tumatanggap ng bagong pangalan ng Diyos, nakaranas ng paghatol at paglilinis ng Diyos, at sa gayon tunay na nagsisi at nagbago ay dadalhin sa kaharian ng Diyos. Gayunpaman, ang mga hindi tumanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos, nabubuhay pa rin sa kasalanan at hindi nabago ang kanilang tiwaling disposisyon, ay parurusahan at wawasakin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang lahat ay mapupunta sa kani-kanilang sariling uri. Kapag ang gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan ay kumpleto na, magsisimulang gantimpalaan ng Diyos ang mabuti at parusahan ang kasamaan at pagkatapos ay ipapadala ang malalaking sakuna upang wasakin ang masamang daigdig na ito. Sa huli, nais ng Diyos na makita ng tao na mula sa Kapanahunan ng Kautusan, hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya at pagkatapos ay sa Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw, ang tatlong yugto ay lahat ginagawa ng isang Diyos, upang ang lahat ng sangkatauhan ay makita ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Makikita ng sangkatauhan na hindi lamang malilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay ngunit maaari rin Niyang pamunuan ang lahat ng mga bagay, at makita na ang Diyos ay hindi lamang maaaring maging isang handog para sa kasalanan ng tao, ngunit maaari din Niyang baguhin at dalisayin ang tao; Siya ang Una at ang Huli, at walang makaaarok ng Kanyang pagiging kamangha-mangha at mga gawa.

Tala ng Patnugot: Matapos basahin ang artikulong ito, nakita ba natin na ang Panginoong Jesus ay may bagong pangalan at ito ay Makapangyarihang Diyos? Ang mga sakuna ay palaki nang palaki ngayon. Sa kritikal na sandaling ito, ang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon ang pinakamahalagang kaganapan; ang gumawa ng pagkukusa para siyasatin at hanapin ang tunay na daan sa pamamagitan ng pag-alam sa bagong pangalan ng Diyos ay ang landas para sa atin na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger. Kung sa palagay mo ang artikulong ito ay naging tulong sa iyo, huwag mag atubiling ipadala ito sa mas maraming tao.

Mag-iwan ng Tugon