Tagalog Christian Song With Lyrics | "Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?"
Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao;
langit at mundo'y nabubuhay sa Kanyang kapangyarihan.
Walang nabubuhay ang makakapalaya sa sarili
mula sa utos at awtoridad ng Diyos.
Di na mahalaga kung sino ka, lahat ay dapat sumunod sa Diyos,
magpaubaya sa Kanyang dominyon, kontrol at mga kautusan!
Siguro ikaw ay sabik na mahanap ang buhay at katotohonan,
hanapin ang Diyos na iyong mapagkakatiwalaan
upang matanggap ang buhay na walang hanggan.
Kung nais mo'y buhay na walang hanggan,
hanapin ang pinagmulan nito at kung saan ang Diyos.
Diyos ang buhay na di nagbabago,
tanging Siya lang ang may daan ng buhay.
Yamang Diyos ang daan ng buhay,
Diyos ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.
Sa mga huling araw ang gawain ng Diyos ay bago.
Siya ang pinakadakila sa sansinukob.
Siya ang sandigan ng bawat puso,
nabubuhay at humihinga sa mga tao.
Pagkatapos lang nito na maari Siyang magdala ng bagong buhay,
at patnubayan ang tao sa daan ng buhay.
Dumarating ang Diyos sa lupa upang mabuhay sa mga tao,
para tao'y magkamit ng buhay at umiral.
Inaatasan ng Diyos ang sansinukob
upang magsilbi sa Kanyang gawaing pamamahala.
Di lamang sa langit o sa puso ng tao,
Diyos ay nabubuhay sa mundong ito.
Pagtanggi sa katotohanang ito'y
di magdadala sa 'yo sa daan ng katotohanan o buhay.
Kung nais mo'y buhay na walang hanggan,
hanapin ang pinagmulan nito at kung saan ang Diyos.
Diyos ang buhay na di nagbabago,
tanging Siya lang ang may daan ng buhay.
Yamang Diyos ang daan ng buhay,
Diyos ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.
Kung nais mo'y buhay na walang hanggan,
hanapin ang pinagmulan nito at kung saan ang Diyos.
Diyos ang buhay na di nagbabago,
tanging Siya lang ang may daan ng buhay.
Yamang Diyos ang daan ng buhay,
Diyos ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.
Diyos ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin