Menu

Mateo 5:17 - Devotional Verses With Reflection Tagalog

Bible Verse of the Day Tagalog

Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

Tayong lahat ay pamilyar sa mga salitang ito ng Panginoong Jesus na nagsasabi, ngunit kaunti lamang sa ating lahat ang nakauunawa ng tunay na kahulugan ng mga ito. Sa katunayan, ang mga salitang ito ay nagpapakita na dinadala ng Diyos ang Kanyang gawain ng may hakbang at naaayon sa Kanyang mga plano. at ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos ay malapit na kaugnay ang nauna sa sumusunod, ang isa ay mas lubhang mataas. Ang gawain ng Panginoong Diyos na Pagtubos ay tumutupad at pagpapabuti sa Kautusan, hindi upang sirain ang Kautusan. Tulad sa sinabi ng Diyos, “Ang gawain na ginawa ni Jesus ay mas mataas lamang ng isang baitang kaysa sa Lumang Tipan; ito ay ginamit upang simulan ang isang kapanahunan, at upang pangunahan ang kapanahunang iyon. Bakit Niya sinabing, “Ako'y naparito hindi upang sirain ang batas, kundi upang ganapin”? Subalit sa Kanyang gawain ay marami ang naiiba mula sa mga batas na isinagawa at ang mga utos na sinunod ng mga Israelita ng Lumang Tipan, sapagkat hindi Siya dumating upang sumunod sa batas, ngunit para tuparin ito. Kasama sa proseso nang pagtupad nito ang maraming totoong mga bagay: Ang Kanyang gawain ay higit na praktikal at totoo, at, tangi sa roon, ito ay buhay, at hindi ang bulag na pagsunod sa doktrina. Hindi ba pinanatili ng mga Israelita ang Sabbath? Nang si Jesus ay dumating hindi Siya sumunod sa Sabbath, sapagkat Kanyang sinabi na ang Anak ng tao ay ang Panginoon ng Sabbath, at kapag ang Panginoon ng Sabbath ay dumating, gagawin Niya ang gusto Niya. Siya ay dumating upang tuparin ang mga batas ng Lumang Tipan at upang baguhin ang mga batas(Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)). Mula sa mga salitang ito, ating nakikita na ang Gawain na ginawa ng Panginoong Jesus ay base sa gawain ng Diyos na Jehova. Halimbawa, Hiniling ng Panginoon na panatilihin ang batas, tulad ng “bantayan ang iyong dila, at huwag gumawa ng Pangangalunya.” Samantala, Siya ay nagtalaga ng bagong Kautusan para sa bagong kapanahunan base sa katayuan ng mga tao sa panahong iyon at sa mga pangangailangan ng bagong gawain. ang kautusan sa bagong kapanahunan ay mas praktikal. Sa panlabas, mayroong mga pagkakasalungatan sa pagitan ng gawain ng Panginoong Jesus at ng Diyos na Jehova. Ngunit sa katotohanan, Ang gawain ng Diyos ay nauukol sa paraan at ginawa ng Diyos mismo. Gayon, ating pag-isipan: Anong gawain ang gagawin ng Panginoong Jesus kapag Siya ay bumalik? Siya ba ay gagawa ng mas mataas na Gawain?

Mag-iwan ng Tugon