6 na mga Talata sa Bibliya tungkol sa mga Pagsubok
Sa buhay, hindi natin maiiwasang harapin ang lahat ng uri ng hindi kanais-nais na sitwasyon, kasama na ang lahat ng uri ng paghihirap at pagsubok. Kapag dumarating ang mga paghihirap, kailangan nating maunawaan ang kalooban ng Diyos at umasa sa Diyos upang malutas ang mga ito at tumayong saksi. Ito ang hinihiling ng Diyos sa atin. Ang mga sumusunod na bible verses tungkol sa mga pagsubok ay tutulong sa iyo na mahanap ang kalooban ng Diyos sa pagdurusa, mas mapalapit sa Diyos, at lumago sa buhay. Basahin ngayon.
1 Pedro 1:5-7
Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon. Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok, Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo.
Santiago 1:2-4
Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis. At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
Job 23:10
Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto.
Awit 139:23-24
Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip. At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.
Kawikaan 27:21
Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri.
Zacarias 13:9
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Nararamdaman mo ba na ang nilalaman sa itaas ay kapaki-pakinabang para sa iyo? Ngayon lahat ng mga bansa ay nakararanas ng tumitinding sakuna. Maraming mga kapatid sa Panginoon ang nag-iisip na ito ay pagsubok ng Panginoon para sa atin. Ngunit ito ba ang kaso? Ano nga ba ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga sakuna? Mangyaring panoorin ang “Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na” para maunawaan ang tunay na layunin ng Diyos sa likod ng mga sakuna at mahanap ang paraan upang matamo ang proteksyon ng Diyos sa panahon ng mga sakuna.
Inirerekomenda para sa iyo: