Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 38

835 2020-06-03

Ang mga Tao ng mga Huling Araw ay Nakikita Lamang ang Poot ng Diyos sa Kanyang mga Salita, at Hindi Tunay na Nakararanas ng Poot ng Diyos

Mula noong panahon ng paglikha hanggang ngayon, walang grupong lubos na nagtamasa sa biyaya o habag at kagandahang-loob ng Diyos gaya ng panghuling grupong ito. Bagama’t sa huling yugto, ginawa na ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo, at ginawa ang Kanyang gawain nang may pagiging maharlika at poot, kadalasan ay gumagamit lang ang Diyos ng mga salita upang isakatuparan ang Kanyang gawain; gumagamit Siya ng mga salita upang magturo at magdilig, upang magbigay at magpakain. Samantala, ang poot ng Diyos ay palaging nananatiling nakatago, at maliban na lamang sa pagkaranas sa mabagsik na disposisyon ng Diyos sa Kanyang mga salita, kakaunting tao lamang ang personal na nakaranas ng Kanyang galit. Ibig sabihin nito, sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, bagama’t ang poot na ibinunyag sa mga salita ng Diyos ay nagpapahintulot sa mga tao na maranasan ang pagiging maharlika at kawalang-pagpaparaya ng Diyos sa paglabag, hanggang sa Kanyang mga salita lamang ang poot na ito. Sa madaling salita, ang Diyos ay gumagamit ng mga salita upang sawayin ang tao, ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at maging kondenahin ang tao—ngunit ang Diyos ay hindi pa talagang nagagalit sa tao, at bahagya pa lang na pinakawalan ang Kanyang poot maliban na lamang sa Kanyang mga salita. Dahil dito, ang habag at kagandahang-loob ng Diyos na naranasan ng tao sa kapanahunang ito ay pagpapahayag ng tunay na disposisyon ng Diyos, habang ang poot ng Diyos na naranasan ng tao ay epekto lamang ng tono at pakiramdam ng Kanyang mga pagbigkas. Maraming tao ang nagkakamali sa pag-aakalang ang epektong ito ang tunay na karanasan at tunay na kaalaman sa poot ng Diyos. Bilang resulta, naniniwala ang karamihan na nakita na nila ang habag at kagandahang-loob ng Diyos sa Kanyang mga salita, na naranasan na rin nila ang kawalang-pagpaparaya ng Diyos sa mga paglabag ng tao, at karamihan sa kanila ay pinahahalagahan na ang habag at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Ngunit gaano man kasama ang ugali ng tao, o gaano man katiwali ang kanyang disposisyon, palaging nagtitiis ang Diyos. Sa pagtitiis, ang Kanyang layon ay ang maghintay sa mga salitang sinabi Niya, sa mga pagsisikap na ginawa Niya, at sa halagang ibinayad Niya upang makamit ang epekto sa mga taong nais Niyang matamo. Ang paghihintay sa ganitong kahihinatnan ay inaabot ng matagal na panahon, at nangangailangan ng pagkalikha ng iba’t ibang kapaligiran para sa tao, tulad ng hindi agarang pagiging matanda ng mga tao matapos nilang maipanganak; aabutin ng labingwalo o labingsiyam na taon, at ang ilang tao naman ay kakailanganin ang dalawampu o tatlumpung taon bago sila maituring na tunay na nasa wastong gulang. Hinihintay ng Diyos ang pagiging ganap ng prosesong ito, hinihintay Niya ang pagdating ng ganitong oras, at hinihintay Niya ang kahihinatnang ito. Sa buong panahon ng Kanyang paghihintay, ang Diyos ay labis na mahabagin. Gayunpaman, sa panahon ng gawain ng Diyos, napakaliit na bilang ng mga tao ang pinababagsak, at ang ilan ay pinaparusahan dahil sa kanilang malubhang paglaban sa Diyos. Ang ganitong mga halimbawa ay mas malaking patunay sa disposisyon ng Diyos na hindi nagpapalampas ng pagkakasala ng tao, at ganap na nagpapatibay sa tunay na pag-iral ng pagpaparaya at pagtitiis ng Diyos sa Kanyang mga taong hinirang. Mangyari pa, sa mga karaniwang halimbawang ito, hindi nakakaapekto sa pangkalahatang plano ng pamamahala ng Diyos ang pagpapahayag ng bahagi ng Kanyang disposisyon sa mga taong ito. Sa katunayan, sa huling yugtong ito ng gawain ng Diyos, ang Diyos ay nagtiis sa buong panahon ng Kanyang paghihintay, at ipinagpalit Niya ang Kanyang pagtitiis at ang Kanyang buhay para sa kaligtasan ng mga taong sumusunod sa Kanya. Nakikita ba ninyo ito? Hindi sisirain ng Diyos ang Kanyang plano nang walang dahilan. Maaari Niyang ipamalas ang Kanyang poot, at maaari rin Siyang maging mahabagin; ito ang paghahayag ng dalawang pangunahing bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ito ba ay hindi malinaw, o ito ba ay napakalinaw? Sa madaling salita, pagdating sa Diyos, tama at mali, makatarungan at hindi makatarungan, ang positibo at ang negatibo—ang lahat ng ito ay malinaw na ipinapakita sa tao. Kung ano ang Kanyang gagawin, kung ano ang Kanyang nais, kung ano ang Kanyang kinamumuhian—ang lahat ng ito ay maaaring ganap na makita sa Kanyang disposisyon. Ang ganitong mga bagay ay maaari ring higit na makita nang maliwanag at malinaw sa gawain ng Diyos, at hindi sila malabo o para sa pangkalahatan; sa halip, hinahayaan ng mga ito na makita ng lahat ng tao ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya sa isang bukod-tanging kongkreto, tunay, at praktikal na paraan. Ito ang tunay na Diyos Mismo.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Mag-iwan ng Tugon