I
Pagdating sa tadhana, lahat ay malaya.
Pagdating sa tadhana, lahat ay may kanya-kanya.
Kaya walang magulang na makakapigil sa tadhana ninuman
o makakaimpluwensya man lang sa tungkulin n'ya.
Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha
ang may kinalaman sa tadhana ng isa.
Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,
naitalaga noon pa,
kahit magulang walang magagawa.
II
Ang pamilya kung saan ang isa'y isinilang
ay kundisyon sa pagtupad ng misyon niya.
Ang kapaligirang kinalalakihan ay patiuna ring kalagayan.
Sa anumang paraan
hindi rito naaalaman ang kapalaran ninuman
kung sa'n ang misyon nila'y naisasakatuparan.
III
Walang magulang ang
nakatutulong sa pagtupad ng misyon ng anak.
At di siya matutulungan ng kanyang kamag-anak.
Kung paano tinutupad ng isa ang misyon niya
at kung saang kapaligiran ginagampanan papel n'ya,
ay 'tinatalaga ng tadhana nila,
na walang makakapigil.
Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha
ang may kinalaman sa tadhana ng isa.
Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,
naitalaga noon pa,
kahit magulang walang magagawa.
IV
Walang ibang kundisyong makakaimpluwensya
sa misyon ng tao na Lumikha lang ang nagtalaga.
Lahat ng tao'y gumugulang sa kapaligiran niya,
lahat sila'y lumalaki nang mag-isa.
Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha
ang may kinalaman sa tadhana ng isa.
Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,
naitalaga noon pa,
kahit magulang walang magagawa.
V
Isa-isang hakbang,
sila'y sumusulong nang kanya-kanya.
Isa-isang hakbang,
tinutupad ang kanilang tadhana.
Isa-isang hakbang,
pumapasok sila sa lipunan.
Isa-isang hakbang,
papel nila ay ginagampanan.
Isa-isang hakbang,
pananagutan ay ginagawa,
alang-alang sa itinadhana ng Lumikha.
Isa-isang hakbang,
ito'y 'di nila pagkukusa,
alang-alang sa kapangyarihan ng Lumikha.
Itinalaga ng Diyos tadhana ng tao noon pa.
Wala maliban sa pagtatalaga ng Lumikha
ang may kinalaman sa tadhana ng isa.
Walang makakapigil sa kinabukasan ninuman,
naitalaga noon pa,
kahit magulang walang magagawa.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin