Menu

Susunod

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Nais ng Diyos na Iligtas ang Tao Hangga't Maaari"

10,319 2020-05-08

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Nais ng Diyos na Iligtas ang Tao Hangga't Maaari"

Sa panahon ng gawain ng pagliligtas ng Diyos,

ililigtas Niya ang lahat ng maaari Niyang iligtas

sa abot ng makakaya,

at wala Siyang itatapon.

Ngunit ang lahat ng di makakayang

baguhin ang kanilang disposisyon,

o lubusang sundin ang Diyos

ay nagiging pakay para sa kaparusahan.

Lahat ng tumatanggap ng panlulupig ng mga salita

ay magkakaroon ng maraming pagkakataon para sa kaligtasan.

Ipakikita sa kanila ng pagliligtas ng Diyos

ang Kanyang sukdulang kaluwagan at pagpaparaya.

Kung tatalikod ang mga tao sa maling landas,

kung sila'y magsisisi, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon

na makamit ang Kanyang pagliligtas.

Ang yugtong ito ng gawain, ang gawain ng mga salita,

ay binubuksan lamang sa mga tao

ang lahat ng paraan at mga hiwaga

na hindi nila nauunawaan.

Tumutulong ito para malaman ng tao ang kalooban ng Diyos

at mga kailangan ng Diyos sa tao.

Para maisagawa nila ang mga salita ng Diyos

at baguhin ang kanilang disposisyon.

Lahat ng tumatanggap sa panlulupig ng mga salita

ay magkakaroon ng maraming pagkakataon para sa kaligtasan.

Ipakikita sa kanila ng pagliligtas ng Diyos

ang Kanyang sukdulang kaluwagan at pagpaparaya.

Kung tatalikod ang mga tao sa maling landas,

kung sila'y magsisisi, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon

na makamit ang Kanyang pagliligtas.

Salita lang ginagamit ng Diyos para gawin gawain N'ya.

Hindi Niya pinarurusahan ang mga tao

dahil sa kanilang munting rebelyon,

dahil ngayon na ang panahon para sa pagliligtas.

Kung lahat ng naghihimagsik ay pinarusahan,

walang magkakaroon ng pagkakataong maligtas.

Silang lahat ay parurusahan at babagsak sa Hades.

Ang mga salitang humahatol sa tao ay nagtutulot sa kanilang

makilala ang kanilang sarili at sundin ang Diyos,

hindi para sila'y parusahan

sa pamamagitan ng paghatol ng mga salitang ito.

Lahat ng tumatanggap sa panlulupig ng mga salita

ay magkakaroon ng maraming pagkakataon para sa kaligtasan.

Ipakikita sa kanila ng pagliligtas ng Diyos

ang Kanyang sukdulang kaluwagan at pagpaparaya.

Kung tatalikod ang mga tao sa maling landas,

kung sila'y magsisisi, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon

na makamit ang Kanyang pagliligtas.

Nang sa una ang tao'y naghimagsik laban sa Diyos,

wala Siyang hangarin na ilagay sila sa kamatayan,

kundi sa halip ay ginagawa Niya ang lahat para iligtas sila.

Kung walang puwang ang isang tao para sa kaligtasan,

sila ay itatakwil ng Diyos.

Siya ay mabagal magparusa dahil nais Niyang iligtas

ang lahat ng maaaring mailigtas.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon