Chinese Christian Song | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig" (Tagalog Subtitles)
Maaaring sabihin na pagkatapos maging tao ng Diyos,
pagkatapos Niyang maranasan ang buhay sa gitna ng sangkatauhan
at ang buhay ng tao,
at pagkatapos Niyang makita ang kabulukan ng sangkatauhan
at ang kalagayan ng buhay ng tao,
mas lalong matinding naramdaman ng Diyos sa katawang-tao
kung gaano kawalang magawa, kalungkot, at nakahahabag ang sangkatauhan.
Nagkaroon ang Diyos ng higit pang pagkahabag para sa kalagayan ng tao
dahil sa Kanyang pagkatao habang nabubuhay sa katawang-tao,
dahil sa Kanyang likas na ugali sa katawang-tao.
Ito ang umakay sa Kanya upang magkaroon ng mas malaking malasakit
para sa Kanyang mga tagasunod.
Ito ang umakay sa Kanya upang magkaroon ng mas malaking malasakit
para sa Kanyang mga tagasunod.
Sa Kanyang puso, ang sangkatauhan na nais Niyang pamahalaan at iligtas
ang pinakamahalaga,
at pinahahalagahan Niya ang sangkatauhang ito sa ibabaw ng lahat;
kahit na nagbayad Siya ng napakalaking halaga para rito,
at kahit na patuloy Siyang sinasaktan at sinusuway nila,
hindi Siya kailanman sumuko para sa kanila
at nagpapatuloy nang walang kapaguran sa Kanyang gawain, nang walang reklamo o pagsisisi.
Ito ay dahil nalalaman Niyang sa malao't madali,
ang mga tao ay magigising isang araw sa Kanyang panawagan
at maaantig ng Kanyang mga salita, makikilala na Siya ang Panginoon ng paglikha,
at magbabalik sa Kanyang panig …
Ito ay dahil nalalaman Niyang sa malao't madali,
ang mga tao ay magigising isang araw sa Kanyang panawagan
at maaantig ng Kanyang mga salita,
makikilala na Siya ang Panginoon ng paglikha,
at magbabalik sa Kanyang panig …
at magbabalik sa Kanyang panig …
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin