Menu

Bible Verse of the Day Tagalog - Paliwanag ng Isaiah 40:31 Tagalog

Bible Verse of the Day Tagalog

Nguni’t silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Naghihintay ka ba sa Diyos? Maaari mong sabihin ang “Siyempre” sa isang napakasiguradong paraan. Ngunit kapag tinanong ka, “Kayo mo ba na ‘paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila,’ ‘magsisitakbo, at hindi mangapapagod,’ at ‘magsisilakad, at hindi manganghihina’?” ikaw ay malamang na tatahimik at hindi makakapagsalita. Sa mga naghihintay sa Diyos, ang ilan sa kanila ay hindi kayang gawin ang tatlong bagay na nabanggit sa itaas. Bakit ganon? Ang pangunahing dahilan ay hindi nila napanumbalik ang kanilang lakas. Kaya ano ang paraan upang mapanumbalik ang lakas? Tulad ng alam nating lahat, ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma. Siya ay nakikibahagi sa bagong gawain upang gabayan at iligtas ang sangkatauhan mula nang likhain Niya ang mundo. Nang ang Diyos ay gumawa ng isang bagong yugto ng gawain, ngunit ang tao ay nahuhulog, kung gayon “Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal” (Isaias 40:30). Sa kabaligtaran, kung ang tao ay nagpapatuloy sa bagong gawain ng Diyos, kung gayon ang mga salita ay “Silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina” (Isaias 40:31) ay matutupad. Narito ang isang halimbawa. Nang dumating ang Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang bagong gawain, ang gawaing pagtubos, na itinayo sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang Panginoong Jesus ay nagpahayag ng maraming katotohanan at nagbigay sa tao ng daan ng pagsisisi. Ang lahat ng sumunod sa Panginoong Jesus at tumanggap sa bagong gawain ng Diyos ay nagtamasa ng kapayapaan at kagalakan na ibinigay ng gawain ng Banal na Espiritu. Mayroon silang mga landas ng pagsasagawa kapag nakakatagpo ng mga isyu, nagkamit ng panustos ng buhay na tubig ng buhay, at tumanggap ng pananampalataya at lakas mula sa bagong gawain ng Diyos. Gayunpaman, ang ibang mga tao ay naiwala ang gawain ng Banal na Espiritu at inalis ng bagong gawain ng Diyos. Sila ang mga kumapit lamang sa gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at tumanggi na tanggapin ang gawain ng Panginoong Jesus, tulad ng mga pari at mga Pariseo ng Hudaismo, gayundin ang mga Hudyo na sumunod sa mga Pariseo. Karagdagan pa, ang templo na dating napuno ng kaluwalhatian ng Diyos na Jehova ay naging lungga ng mga magnanakaw. Sa madaling salita, bilang mga mananampalataya sa Diyos, kung magagawa nating masundan ang bagong gawain ng Diyos ay ang pinakamahalaga sa ating kaligtasan.

Nabubuhay tayo ngayon sa katapusan ng mga huling araw. Sunud-sunod na ang lahat ng uri ng sakuna. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad na. Maraming tao ang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Gumagawa Siya ng bagong gawain sa pundasyon ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus. Sa madaling salita, ipinapahayag Niya ang katotohanan na gawin ang gawain ng paghatol, upang ganap na dalisayin ang katiwalian ng tao, iligtas ang tao mula sa kasalanan at mula sa impluwensya ni Satanas, at sa huli ay dalhin ang tao sa magandang destinasyon. Ang ilang mga tao ay aktibong naghanap at nag-Iimbestiga matapos marinig ang patotoo ng pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nakilala nila ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng nagbalik na mga salita ng Panginoon at nakumbinsi na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang kanilang pagtanggap at pagsunod sa Makapangyarihang Diyos ay aktwal na pagsunod sa bagong gawain ng Diyos. Kaya naman, nasalubong nila ang pagbabalik ng Panginoon, at narapture sa harap ng trono ng Diyos upang dumalo sa piging kasama ng Panginoon. Ito ay ganap na tumutupad sa propesiya sa Pahayag, “Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Ang mga taong ito ay matatalinong dalaga na taimtim na naghihintay sa Diyos, at napanumbalik nila ang kanilang lakas, at naging pinakapinagpalang tao. Tulad ng sabi ng Diyos, “Lahat ng kayang sundin ang kasalukuyang mga pagpapahayag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi mahalaga kung paano man sila dati, o kung paano gumawa ang Banal na Espiritu sa kalooban nila dati—yaong mga nagkamit na ng pinakabagong gawain ng Diyos ang mga pinakapinagpala, at yaong hindi nakasusunod sa pinakabagong gawain sa kasalukuyan ay inaalis. Nais ng Diyos yaong kayang tanggapin ang bagong liwanag, at nais Niya yaong tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakabagong gawain. Bakit sinasabi na dapat kang maging isang malinis na birhen? Nagagawa ng isang malinis na birhen na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at maunawaan ang mga bagong bagay, at higit pa rito, nagagawang isantabi ang mga dating kuru-kuro, at sundin ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Ang grupong ito ng mga tao, na tumatanggap sa pinakabagong gawain sa kasalukuyan, ay mga unang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at ang mga pinakapinagpala sa lahat ng tao. Naririnig ninyo nang tuwiran ang tinig ng Diyos, at nakikita ang pagpapakita ng Diyos, at kaya, sa kabuuan ng langit at lupa, at sa kabuuan ng mga kapanahunan, walang sinuman ang naging mas pinagpala kaysa sa inyo, ang grupong ito ng mga tao.” Sa kabaligtaran, nang marinig din ng ilang mga tao ang patotoo ng pagbabalik ng Panginoon, hindi lamang nila hindi hinanap o siniyasat o tinanggap ang bagong gawain ng Diyos, kundi nilabanan pa nila ito at hinatulan. Sila ay mga hangal na dalaga at iniwan at inalis ng bagong gawain ng Diyos. Maiisip kung ano ang kanilang kahihinatnan.

Sa puntong ito, nakakuha kayo ng ilang pagkaunawa sa talatang ito, tama ba? Kaya nais niyo bang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, makasunod sa bagong gawain ng Diyos, at manumbalik ang inyong lakas? Kung oo, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng chat box sa kanang sulok sa ibaba.

Mag-iwan ng Tugon