Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 125

546 2020-08-24

Ipinatutupad ang bawat yugto ng gawain ng Diyos para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at nakatuon sa buong sangkatauhan. Bagama’t gawain Niya ito sa katawang-tao, nakatuon pa rin ito sa lahat ng sangkatauhan; Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan, at Siya ang Diyos ng lahat ng nilikha at di-nilikhang nilalang. Bagama’t nakapaloob sa isang limitadong saklaw ang Kanyang gawain sa katawang-tao, at may hangganan din ang pakay ng gawaing ito, sa tuwing nagiging katawang-tao Siya upang gawin ang Kanyang gawain, pumipili Siya ng isang layon ng Kanyang gawain na kumakatawan nang higit sa lahat; hindi Siya pumipili ng isang pangkat ng mga payak at karaniwang mga tao na Kanyang gagawaan, bagkus ay pumipili ng isang pangkat ng mga tao bilang layon ng Kanyang gawain na may kakayahang maging mga kinatawan ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Pinipili ang pangkat na ito ng mga tao dahil may hangganan ang saklaw ng Kanyang gawain sa katawang-tao, at tanging inihahanda para sa Kanyang nagkatawang-taong laman, at tanging pinipili para sa Kanyang gawain sa katawang-tao. Ang pagpili ng Diyos sa mga layon ng Kanyang gawain ay hindi walang saligan, bagkus ay isinasagawa ayon sa mga prinsipyo: Ang layon ng gawain ay dapat may pakinabang sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at dapat na magawang kumatawan sa buong sangkatauhan. Halimbawa, nagawa ng mga Judio na kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na pagtubos ni Jesus, at ang mga Tsino ay nagagawang kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos na nagkatawang-tao. May isang batayan sa pagkatawan ng mga Judio sa buong sangkatauhan, at may isang batayan din sa pagkatawan ng mga mamamayang Tsino sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos. Walang higit na naghahayag ng kahalagahan ng pagtubos maliban sa gawain ng pagtubos na ginawa sa gitna ng mga Judio, at walang higit na naghahayag sa kalubusan at tagumpay ng gawain ng paglupig maliban sa gawain ng paglupig na ginagawa sa mga mamamayang Tsino. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay tila nakatutok lamang sa isang maliit na pangkat ng mga tao, ngunit sa katunayan, ang Kanyang gawain sa gitna ng maliit na pangkat na ito ay ang gawain ng buong sansinukob, at ang Kanyang salita ay nakatuon sa buong sangkatauhan. Pagkaraang umabot na sa katapusan ang Kanyang gawain sa katawang-tao, magsisimulang palaganapin ng mga taong sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang nagawa na sa gitna nila. Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tiyak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at higit na konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa ganitong daan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa piling ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan na ang Diyos ay namumuhay at kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa mithiin ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Lalo na, dinadala ng gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na higit na makatotohanan, higit na praktikal, at higit na maganda. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina ngunit ang higit na mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya nang lubusan ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos Niya ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at inaakay Niya ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sila sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan bagkus ay sa mga guni-guni lamang ng tao, hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, at palagi siyang maniniwala sa isang malabong Diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, o hindi rin kailanman maririnig ng tao ang mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Sadyang wala namang laman ang mga ginuguni-guni ng tao, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nakikilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao. Dahil naisagawa na ng Diyos ang Kanyang gawain sa yugtong ito, nakamit na ng gawain ng Diyos ang pinakamainam na epekto, at naging isang ganap na tagumpay. Natapos na ng personal na gawain ng Diyos sa katawang-tao ang siyamnapung porsiyento ng mga gawain ng Kanyang buong pamamahala. Nagkaloob na ang katawang-tao na ito ng isang mas mahusay na pasimula sa lahat ng Kanyang gawain, at isang buod para sa lahat ng Kanyang gawain, at napagtibay na ang lahat ng Kanyang gawain, at ginawa ang huling masusing pagpapanauli sa lahat ng gawaing ito. Simula ngayon, hindi na magkakaroon ng isa pang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos, at hindi na rin magkakaroon kailanman ng mga nakamamanghang gawain ng ikatlong pagkakatawang-tao ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Mag-iwan ng Tugon