Mag-subscribe

Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III" | Sipi 66

423 2020-06-30

“Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” (Mateo 12:6–8). Ano ang tinutukoy ng “templo” dito? Upang maging madali, ang “templo” ay tumutukoy sa isang kahanga-hangang, mataas na gusali, at sa Kapanahunan ng Kautusan, ang templo ay lugar para sa mga saserdote upang sambahin ang Diyos. Nang sinabi ng Panginoong Jesus “dito ay may isang lalong dakila kay sa templo,” kanino tumutukoy ang “isa”? Maliwanag, ang “isa” ay ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, sapagkat Siya ay mas dakila kaysa sa templo. Ano ang sinasabi ng mga salitang ito sa mga tao? Sinasabi nila sa mga tao na lumabas sila sa templo—Nakalabas na ang Diyos at hindi na gumagawa sa loob nito, kaya dapat hanapin ng mga tao ang mga bakas ng Diyos sa labas ng templo at sundan ang Kanyang mga hakbang sa Kanyang gawain. Ang pinagmulan ng Panginoong Jesus ang nagsasabi na ito ay sa ilalim ng kautusan, itinuturing na ng mga tao ang templo bilang isang bagay na higit na dakila kaysa sa Diyos Mismo. Iyon ay, sumasamba ang mga tao sa templo sa halip na sambahin ang Diyos, kaya binalaan sila ng Panginoong Jesus na huwag sambahin ang mga idolo, sa halip ay sambahin ang Diyos sapagkat Siya ang kataas-taasan. Kaya, sinabi Niya: “Habag ang ibig ko, at hindi hain.” Maliwanag na sa mga mata ng Panginoong Jesus, ang karamihan sa mga tao sa ilalim ng kautusan ay hindi na sumasamba kay Jehova, ngunit basta na lamang nagdadaan sa proseso ng pagsasakripisyo, at tiniyak ng Panginoong Jesus na ang prosesong ito ay pagsamba sa idolo. Itinuturing ng mga sumasambang ito sa idolo ang templo bilang isang bagay na mas dakila, at mas mataas kaysa sa Diyos. Sa kanilang mga puso ay mayroon lamang templo, hindi Diyos, at kung mawala nila ang templo, nawala nila ang kanilang tahanang dako. Kung wala ang templo wala silang masasambahan at hindi na matutupad ang kanilang mga pagsasakripisyo. Ang kanilang tinatawag na tahanang dako ay kung saan nabubuhay sa ilalim ng bandila ng pagsamba sa Diyos na si Jehova, na nagpapahintulot sa kanila na manatili at tuparin ang kanilang sariling mga gawain. Ang kanilang tinatawag na pagsasagawa ng mga sakripisyo ay upang tuparin lamang ang kanilang sariling personal na kahiya-hiyang mga pakikitungo sa ilalim ng balatkayo ng pagsasagawa ng kanilang serbisyo sa templo. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ng mga tao nang panahong iyon ang templo bilang higit na dakila kaysa sa Diyos. Sapagkat ginamit nila ang templo bilang isang taguan, at ang mga sakripisyo bilang isang balatkayo para sa pandaraya sa mga tao at pandaraya sa Diyos, sinabi ng Panginoong Jesus ito upang balaan ang mga tao. Kung gagamitin ninyo ang mga salitang ito sa kasalukuyan, ang mga ito ay kapwa may bisa pa rin at kapwa mahalaga pa rin. Bagamat ang mga tao sa araw na ito ay nakaranas ng gawain ng Diyos na kaiba kaysa sa naranasan ng mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkap ng kanilang kalikasan ay magkapareho. Sa nilalaman ng gawain sa araw na ito, ginagawa pa rin ng mga tao ang kaparehong uri ng mga bagay gaya ng “ang templo ay higit na dakila kaysa sa Diyos.” Halimbawa, itinuturing ng mga tao na ang pagtupad ng kanilang tungkulin bilang kanilang trabaho; Itinuturing nila na ang pagsasaksi sa Diyos at ang paglaban sa malaking pulang dragon bilang pagkilos na pulitikal sa pagsasanggalang sa mga karapatang pantao, para sa demokrasya at kalayaan; binabago nila ang kanilang tungkulin sa mga karera upang gamitin ang kanilang mga kakayahan, ngunit itinuturing nila ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan bilang isang relihiyosong doktrina na susundin; at iba pa. Hindi ba ang mga pagpapahayag na ito sa bahagi ng mga tao ay halos walang pinagkaiba sa “ang templo ay higit na dakila kaysa sa Diyos”? Maliban sa dalawang libong taon na ang nakaraan, tinutupad ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa pisikal na templo, ngunit sa araw na ito, tinutupad ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa mga hindi totoong mga templo. Itinuturing niyaong mga tao na nagpapahalaga sa mga patakaran ang mga patakaran na higit na dakila kaysa sa Diyos, itinuturing niyaong mga taong nagpapahalaga sa katayuan ang katayuan na higit na dakila kaysa sa Diyos, itinuturing niyaong umiibig sa kanilang karera ang karera na higit na dakila kaysa sa Diyos, at iba pa—ang lahat ng kanilang mga pahayag ang nagbunsod sa Akin upang masabing: “Pinupuri ng mga tao ang Diyos bilang pinakadakila sa pamamagitan ng kanilang mga salita, ngunit sa kanilang mga mata ang lahat ng bagay ay higit na dakila kaysa sa Diyos.” Ito ay dahil sa sandaling makakita ng pagkakataon ang mga tao sa kahabaan ng daan ng kanilang pagsunod sa Diyos na maipakita ang kanilang sariling mga kakayahan, o upang matupad ang kanilang sariling gawain o kanilang sariling karera, inilalayo nila ang kanilang mga sarili mula sa Diyos at inilalaan ang kanilang mga sarili sa karera na kanilang pinahahalagahan. At tungkol naman sa ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, at ang Kanyang kalooban, ang mga bagay na iyon ay matagal nang naitapon. Sa senaryong ito, ano ang ipinagkaiba ng mga taong ito at yaong nagsasagawa ng kanilang sariling gawain sa loob ng templo dalawang libong taon na ang nakararaan?

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon