Ano ang Ibig Sabihin ng Anak ng Tao sa Biblia?
Ano ang Ibig Sabihin ng Anak ng Tao?
Sa pamamagitan ng pag-aaral sa Biblia, madaling makikita na paulit-ulit na ipinropesiya ng Panginoong Jesus na ang Kanyang pagbabalik ay magiging ang “pagdating ng Anak ng tao.” Halimbawa, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Kaya, ang pag-unawa kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng Anak ng tao ay napakaimportante upang masalubong natin ang Panginoon. Gayunpaman, maraming tao ang hindi nakakaunawa sa ibig sabihin ng Anak ng tao. Kung gayon ano ang ibig sabihin nito? Tayo ay magfellowship at ating saliksikin ang isyung ito sa ibaba.
Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang Anak ng tao ay tumutukoy sa isang taong ipinanganak ng tao at may normal na pagkatao. Kung Siya ay isang Espiritu, kung gayon ay hindi Siya maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, ang Diyos na si Jehova ay ang Espiritu, kaya hindi matatawag na Anak ng tao; ang mga anghel ay mga espiritung nilalang, at sa gayon ay hindi rin matatawag na Anak ng tao. Ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus ay tinawag na Anak ng tao at Cristo sapagkat Siya ay ipinaglihi ng Banal na Espiritu at naging isang ordinaryo at normal na tao, na nakatira sa piling ng ibang mga tao. Mula sa panlabas, Siya ay tulad ng isang ordinaryo at normal na tao, ngunit Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos, at ang Diyos sa diwa. Tulad ng sinasabi ng salita ng Diyos, “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao.”
Tulad ng nakikita natin, ang Anak ng tao ay tumutukoy kay Cristo sa katawang-tao na nagtataglay ng normal na katauhan at pati rin ng ganap na pagka-Diyos. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay nagpapakita mula sa panlabas bilang isang ordinaryong, normal na tao. Namuhay Siya kasama ng mga tao sa praktikal na paraan; Siya ay kumain, binihisan ang Kanyang sarili, at namuhay bilang isang regular na tao. Mayroon Siyang mga gawain ng isang normal na tao at lumaki tulad ng sinuman. Mula sa panlabas, wala Siyang pinagkaiba sa sinuman. Gayunpaman, Siya ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos Mismo at si Cristo. Nagtataglay Siya ng isang banal na diwa—Siya ang sagisag ng katotohanan. Ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, at ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos ay pawang natanto sa loob ng katawang-taong iyon. Iyon ang dahilan kung bakit maaaring gawin ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, dalhin sa tao ang daan ng pagsisisi, at ipahayag ang katotohanan anumang oras at saanman alinsunod sa mga pangangailangan ng mga tao upang tustusan sila—ito ay lampas sa kakayahan ng sinumang tao.
Kaya, ang Anak ng tao ay nangangahulugang ang Espiritu ng Diyos ay nagsuot ng katawang-tao, iyon ay, ang pagtanto ng Espiritu ng Diyos sa isang katawang-tao na may normal na katauhan at normal na pag-iisip. Siya ay naging ordinaryo at normal na tao upang gumawa at magsalita sa mga tao. Ang nagkatawang-taong Anak ng tao ay kapwa nagtataglay ng normal na katauhan at ganap na pagka-Diyos. Kahit na lumilitaw Siyang napakakaraniwan at normal sa panlabas, kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos, at ipahayag ang katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang nagkatawang-taong Anak ng tao, ang praktikal na Diyos Mismo.
Ang Anak ng Tao sa Mga Huling Araw ay Nagpakita
Ngayong nalaman natin kung ano talaga ang ibig sabihin ng Anak ng tao, kung gayon ay magiging madaling unawain ang ibig sabihin ng pagbabalik ng Panginoon bilang Anak ng tao na ilang ulit ipinropesiya sa Biblia. Nangangahulugang ang Diyos ay magkakatawang-tao pa rin sa mga huling araw upang gawin ang Kanyang gawain, at tulad ng Panginoong Jesus, darating Siya sa mundo sa imahe ng isang ordinaryo, normal na Anak ng tao upang iligtas ang sangkatauhan. Tulad ng sabi sa propesiya, “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25).
Ngayon, ang mga propesiya ng pagdating ng Anak ng tao ay natupad na. Sa buong mundo, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na bilang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, nagpahayag ng mga katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos; sinabi Niya sa atin ang lahat ng mga katotohanan na kailangan ng tiwaling sangkatauhan upang makamit ang pagdadalisay at kumpletong kaligtasan. Kasama sa mga katotohanang ito ang mga misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang misteryo sa pangalan ng Diyos, kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung anong magiging kalalabasan at destinasyon ng bawat tao, kung gaano kaganda ang kaharian ni Cristo, at marami pang iba. Inihayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan na gawa ni Satanas, ang mala-satanas na kalikasan at diwa ng tao, at ang ugat ng paglaban ng tao sa Diyos. Ipinapakita Niya rin sa atin ang mga katotohanang dapat nating isagawa, tulad ng kung papaano maging isang matapat na tao, paano maglingkod nang naaayon sa kalooban ng Diyos, kung paano bumuo ng isang normal na relasyon sa Diyos, paano iwaksi ang ating makasalanang kalikasan at makamit ang buong kaligtasan, paano tunay na magsisi, paano matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan, paano sundin at ibigin ang Diyos, atbp. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay tiyak na tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
Bukod sa Diyos Mismo, sino ang maaaring makapagsiwalat ng mga misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos? Sino ang maaaring humatol at magbunyag sa ugat ng kasalanan ng tao? Sino ang maaaring magligtas sa atin mula sa kadena ng kasalanan at dalisayin tayo? Lubos na pinapatunayan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos na ang Makapangyarihang Diyos ang nagkatawang-taong Anak ng tao sa mga huling araw, at si Cristo. Tanging sa pagtanggap sa mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na maaari nating makamit ang buong kaligtasan at makapasok sa makalangit na kaharian.
- Tala ng Patnugot:
-
Nagtitiwala ako na ang fellowship sa itaas ay matutulungan kang maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng Anak ng tao sa Biblia. Kung nakatulong ang artikulong ito sa iyo, mangyaring ibahagi mo ito sa iba nang sa gayon ay maunawaan din nila ang tunay na ibig sabihin ng Anak ng tao at masalubong ang nagkatawang-taong Anak ng tao sa mga huling araw. Kung may mga isyu ka o mga katanungan sa iyong paniniwala, mangyaring kontakin kami gamit ang online chat buttons sa ibaba. Kami ay online 24 oras kada araw, handang sagutin ang iyong mga katanungan.
Pinahabang Pagbabasa: